Chapter 41: ZyRica

334 6 0
                                    


Zyler's POV

"Bakit di ka na nagrereply? Siguro nakipagdate ka nanaman kay Hyun noh?!" sabi ko kay Rica.


Kanina ko pa siya kinukulit.

Pero tahimik lang siya.


1 week ko na siyang nililigawan.

Simula nang magising ako,wala na akong pinalampas na pagkakataon.


Naisip ko na walang sense kung iiwasan ko siya at magpapakalayo sakanya.

Ano ngayon kung mahina ako sa paningin nila?


Wala akong pakialam.


Si Rica rin naman ang magpapalakas saakin.


Kung may kailangan pa akong patunayan?

Papatunayan ko na kahit ang daming humaharang para mahalin siya, di ako susuko.


Lalaban ako.


Oh diba? Ang korny -______-




Buti nga at pumayag siyang ligawan ko siya.


Nung una, nahirapan ako kasi di naman ako marunong manligaw.
-_____-


Kaya ayun. Kinailangan ko pang magpatulong kina Chester.

Mga bully sila. Tinukso ako ng isang buong araw dahil lang sa di ako marunong manligaw.

Ang babait nilang kaibigan noh?
-______-




Pero dahil nga sa kaibigan ko sila, tinulungan naman nila ako.




Nararamdaman ko nga na malaki na ang chance ko kay Rica eh.


Ampupu lang.

Dati utusan ko lang to.

Ngayon, mahal ko na.



Parang si Sir Chief at si Maya lang eh
-_____-




Nandito pala kami ngayon sa may park.

Nagpapahangin lang.


Maggagabi palang rin naman.


Alam niyo ba na parang sinaniban siya ng masamang espiritu?

Bigla akong di nirereplyan.

Akala ko nga nakipagdate siya kay Hyun bago makipagkita sakin eh
-____-




Di ko alam pero bigla nalang siya naging ganyan.




"Ricaaaaa" sabi ko.




Daig ko pa ang isip bata ah -____- walanjong buhay to.




"Isnabera ka. Kailan mo kaya ako sasagutin noh?" sabi ko.


Kaya ko naman maghintay eh.

Kaya lang mas ok pa rin kung sinagot na niya ako.

Para naman panghabambuhay na siyang maging akin at di na maagaw ng hinaHYUNpak na yun ~____~


"Di kita sasagutin" sabi niya.

"Naman. Nanliligaw palang nga ako. Kaya kong maghintay, wag mong isipin na atat ako dahil di ako atat" sabi ko. Itinaas ko pa ang kanang kamay ko,




"Kami na ni Hyun. Matagal nang kami.." sabi niya.




S-sila?



WEH?


Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon