Chapter 86: He needs me

226 4 0
                                    

Dee's POV

Isang buwan na ang nagdaan simula nung umalis ako at pinutol lahat ng connection ko sakanila.

Mas ok na yung ganito.

Malayo ako sakanila.

Yung phone ko? Simula umalis ako, di ko na chinarge.

Ok nga yun eh. At least, wala akong connection sakanila.

Aaminin ko, sa loob ng isang buwan, naisip ko lahat ng nangyari sakin. Saamin. Sakanila. Sa lahat.

Oo. May kasalanan sila.

Pero di ko rin maikakaila na may kasalanan rin ako.

Di ako nakinig. Di ko sila pinakinggan. Wala akong pinaniwalaan kundi ang sarili ko and I guess, yun yung pagkakamali ko.

"Dee, isang buwan na. Wala ka bang balak umuwi at harapin sila?" Tinabihan niya ako.

Nandito ako nakaupo sa may tabing ilog. Yung paa ko lang ang nakababad sa tubig.

Maaliwalas dito. Peaceful. Malayo sa gulo at panloloko ng mga tao.

"Hindi naman po madaling gawin yun, manang eh. Ayoko. Natatakot akong harapin sila. Natatakot ako"

"Dee, may kasalanan sila sayo pero nakita mo kung ano ang ginawa nila? Hinarap ka nila dahil mahal ka nila. Pinapahalagahan nila kung anong meron sainyo. Handa sila masaktan o i-risk ang kahit na ano. Kahit nga galit ka sakanila, nilapitan ka pa rin nila. Bakit di mo gawin sakanila yun? Bakit hindi mo sila harapin at humingi ka ng tawad? Pakinggan mo sila.."

Nandito ako sa probinsya ni Manang. Nakakahiya nga eh. Isang buwan ba naman ako nakitira dito. Pero laking pasalamat ko at tinanggap niya ako dito.

"Yun na nga manang eh. Kung hindi ba ako sumama kay Chester dun sa restaurant, magpapakita ba sakin si Martin? Malalaman ko ba ang panloloko nina Martin at ni Jake? Kung hindi ba ako pumasok sa company ni Carleigh, tahimik pa rin kaya yung buhay ko? Mangmang pa rin kaya ako sa katotohanan na pilit nilang tinago sakin? Kung hindi ba nangyari ang lahat ng 'to, aamin ba si Jake sa kasalanan niya? Kung di ba kami nasiraan ni Jake dati sa may Cubao, makikilala ko pa rin ba si Chester?"

"Puro ka naman what if's eh. Dee, lahat ng bagay may rason. Tsaka aminin mo, kahit na ginago ka nila, naging masaya ka dahil dumating sila sa buhay mo. Wag mong pagsisihan ang mga bagay na minsan kang pinangiti."

"Pero niloko ako, manang. Sinaktan nila ako. Sinaktan ko sila.."

"That's the thing about pain, it demands to be felt. Without pain, how could we know joy?" ( (c) TFIOS.)

"Harapin mo sila Dee. Harapin mo na sila"

"Di ko pa po kaya. Nahihiya ako sa ginawa ko. I'm sure, di nila ako mapapatawad sa lahat ng masasakit na salitang binitiwan ko sakanila."

"Ikaw, napatawad mo na ba sila?"

Napatingin lang ako kay Manang.
Huminga ako ng malalim at nagsalita.





"Sino naman po ako para di magpatawad diba? Masyado lang po ako nadala sa galit noon. Masyado akong nabulag ng galit ko sakanila. Ikaw po ba naman ang lokohin diba? -______- Pero kahit ganun, mahal ko sila. Hindi ko kayang magalit ng ganito katagal sakanila.







Pero.. nakakainis pa rin sila! -_____-"

"Pero ang punto, napatawad mo na sila. Learn to listen this time Dee. Pakinggan mo yung explanation nila kung bakit nila nagawa yun. Kung bakit nila kinailangang itago. Wag kang gagawa ng desisyon at wag kang magsasalita habang galit ka pa."

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon