Chapter 75: The Unexpected Goodbye

278 3 0
                                    

(Huling flashback moment na 'to :)

Dee's POV

Graduation Day! Sa wakas at tapos na ang paghihirap namin!

Maraming nangyari noong nakaraang mga linggo.

Sa linggong yun, naganap ang pagaaway namin ni Martin.

'Twas the WORST fight ever.

Kulang nalang nga eh magbreak kami.

Pero hindi na humantong sa ganun.

Hanggang cool off lang.

Dahilan ng pagaaway namin?

Trust.

Oo. At kasalanan ko yun.

Masyado siguro akong naging makasarili kaya ayan. Pati ang mga kaibigan at ultimo pinsan niya eh pinagselosan ko.

Hindi ko naman sinasadya..

Noong mga panahong yun, masasabi ko na dumating ang isa sa pinakakinatatakutan ko.

Ang mapagod ang isa sa'min sa relasyong 'to.

Oo napagod siya. Lagi nalang raw kasi ako nagseselos kahit wala rin naman raw kailangang ikaselos.

Sorry naman diba?

Babae lang ako.

At dapat nga matuwa siya na nagselos ako. Sign yun na mahal ko siya!

Pero wala. Nagaway kami.

Doon ko nga napagtanto na kailangan kong magmature.
Kailangan kong kontrolin ang nararamdaman ko.

Dapat hindi ako magpadalosdalos.

Talagang nahirapan ako nung mga panahon na yun.

At si Bakla lang ang naging sandalan ko.

Ilang linggo rin yun..

2? 3? 4?

Basta.

Si Bakla lang lagi ang kasama ko noon eh.

Pero thankful rin ako at dahil kay bakla eh nagkaayos kami ni Martin.

For me healthy pa rin ang relasyon na nakakaranas ng ganito.

Ang boring naman kung hindi kayo nagaaway diba? Hindi naman maiiwasan na hindi natin pangarapin ang isang relasyon na peaceful. Walang away. Near perfection ba.

Pero ang boring pag ganun diba?

So yun nga. Dahil kay bakla nagkaayos kami ulit at eto. Magkasama kaming tatlo.

Kakatapos lang ng graduation namin.

I graduated as summa cum laude.
Si Martin naman eh cum laude. May mga special awards rin siya dahil sa mga sinalihan niyang sports.

Si bakla? With honors at may mga awards rin dahil sa kasali siya sa mga clubs.

"Omg! Graduate na tayo!" Tuwang tuwa si bakla.

Nako. Mamimiss ko siya! :( Parang di lang magkikita eh. Hahahaha!

Nakatoga pa rin kami ngayon at heto kami. Sa tambayan namin habang pinagmamasdan ang nalalapit na paglubog ng araw.

"Oo nga. Sa wakas! Graduate na tayo M!" Hinalikan niya ako sa ulo at inakbayan.

"Ang saya! Sana magkakasama pa rin tayo. Walang kalimutan ha?" Sabi ko. Nginitian lang nila akong dalawa.

Alam ko naman na hinding hindi darating ang araw na yun eh.

Alam kong hindi kami maghihiwalay.

"Nako. Hinding hindi ko makakalimutan ang M Couple! Bravong bravo kayo! 18.5 months niyo ako pinakilig! Kaya lang nagaway kayo. So hanggang 18.5 lang" walangyang bakla 'to.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon