Chapter 54: Sky's Back

383 5 0
                                    


Sky's POV

(Back to present)

"Teka nga. Parang may mali sa kinuwento mo babs" sabi ko.

Kumunot naman ang noo ni babs at tinignan ako ng masama.

"Eh kasi sabi mo.. Ayy oo nga pala. Nevermind" sabi ko.

Kasi sa kwento niya, nagulat raw sina Celine eh si Bryce ang may kagagawan kung bakit walang malay siya na naidala ni Daesung sa bahay nung dumating sila eh.

Naaalala niyo pa ba?

Yung biglang nawala si Celine?

Ang sabi sakin ni Daesung, nakita niyang nagpapatayan ang dalawa.

Pero umiiyak raw si Celine noon.

Bilang "mapagmahal" na kuya, sinagip niya si Celine mula kay Bryce.

At ngayon ko lang natandaan kung bakit ganun ang reaksyon ni Celine.

Dahil binura ni Daesung ang alaala ni Celine para mawala na ang galit ng kapatid niya. Talagang galit na galit si Celine sa nangyari nung gabing yun.

Kaya wala siyang maalala.

Di niya alam na nagbago na sina Bryce.

Paano ko nalaman? Secret -_______-

Eh di sinabi nila sakin. Tss.

"Oh tapos? Ano nang nangyari? Akala ko ba sila na ang namamahala sa school ngayon?" Sabi ko.

"Yes dahil pagkapasok na pagkapasok namin kanina, magulo na sa buong campus. Nagulat nga rin kami dahil may nakatayo nang building dun at sila raw ang may ari" sabi ni Carleigh.

"At isa pa, naabutan namin sina Chester na inaannounce sa buong campus na simula sa araw na 'to, wala na tayong karapatang mamuno sa sarili nating paaralan. See?! Kaya nga masaya ako at nagising ka na!" Sabi niya.

"Teka nga. Akala ko ba ang magagaling nating mga kuya ang mamamahala sa school?" Sabi ko.

"Ayaw raw nilang makialam diba? Tsaka nageenjoy raw sila sa nangyayari. Gusto raw nila makita kung paano natin mababawi ang school natin sa mga walangyang yun
-________-" sabi niya.

Amp*tang mga kapatid.

"Tsaka naextend sila dito. Hanggang Feb pa ang stay nila dito" sabi niya.

-__________________- lintek lang

Oo nga pala. May mission nga pala sila.

Tss.

"Teka. Diba sabi niyo nababalot sa matinding takot ang campus ngayon?" Sabi ko.

"Oo dahil isa isa silang binubugbog ng exo. Wala silang pinatawad. Kahit na sino, pinapatulan nila." Sabi niya.

-____________-

Ang mga walang hiya.

Kung pwede lang silang saktan eh. Talagang ginawa ko na.

"Sinaktan niyo ba sila?" Sabi ko.

"Uhm. Oo.. Pero" 

"Pero ano? Bakit niyo sinaktan?!" Sabi ko.

Paano kung mamatay ang mga yun?

Eh di alaala nalang ang matitira?!

Wala nang kwenta pag ganun! -____-

"Sina DuJun ang nanakit sakanila. Muntik na nila kaming todasin nung nakaraang araw. Hello? Kinuwento ko kaya sayo ang nangyari! Ok ka lang?!" Sabi niya.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon