Dee's POV
"Hoy girl! Bakit tulaley ka nanaman jan? Diba nagsorry na ako?" andito kami ngayon sa condo niya.
Dito ako agad pumunta pagkatapos ng paguusap namin nung.. Lalakeng yun..
"Huy Girl!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pinagaalog ako.
"H-ha?"
"Ikaw girl, aminin mo nga sakin.. Pinagnanasaan mo pa rin 'tong katawan ko noh?" -_________-
"Hinde.. May.. May naalala lang ako.."
"Ayy oo nga pala Girl. Bakit ka napasugod dito sa condo ko? Anyare?" Napatingin lang ako sakanya..
(Flashback)
"Teka.. Sino ka?" Bigla lang niya akong niyakap.
"Ah.. I'm sorry. K--ka--Ah eh.. P-pinsan mo ako. Ako si Dujun." Ha? DuJun?
Wala naman akong kakilalang DuJun? At ano? Pinsan? Siya?
Eh sa pagkakaalam ko, wala na akong pamilya. Patay na lahat.
"Ah. Baka nagkakamali ka lang. Wala na akong pamilya. Pata---"
"Hindi Dee. May p-pinsan ka pa.." Sabi niya.
Ha?
Siraulo ata tong lalakeng 'to eh.
"Pwede bang makitulog muna ako dito?" Teka nga..
"H-hinde. Teka nga. Magnanakaw ka noh? Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis!" Matagal tagal rin niya akong tinitigan. Parang sinasaulo niya ang itsura ko.
"Nagbago ka na.. Nagmature.. Namiss kita Sky.."
Ha? Sky? NANAMAN?
Sino bang Sky?!
"May sira ka nga talaga sa utak. Hindi ako si Sky. Ako si Dee. Umalis ka na bago pa ako---"
"Ikaw si Skyla.. Ikaw.. *Ginulo niya ang buhok niya* Urgh! Ayoko na.. Hirap na hirap na ako.. Ilang taon kong pinigilan ang sarili ko.. Alam kong.. Alam kong.. Urgh! I'm sorry. I'm so sorry Sky.." Hinawakan niya ako sa braso ko at niyakap. Umiiyak na siya ngayon.
S-sino ba siya?
Sino ba si Sky?
"B-bitawan mo ako!" Tinulak ko siya at umalis ako sa bahay. Agad akong tumungo sa condo ni Bakla.
Kahit hindi pa kame bati, wala na akong paki.
Kailangan ko ng masasandalan ngayon..
Gulong gulo ako.
Sino ba talaga yang Sky na yan?
(End of Flashback)
"Ha?" Yan lang ang nasabi ni Jake.
"Sinabi niya Pinsan ko raw siya.. Tapos.. Ako raw si Skyla.. Ako raw yung Sky. Hindi ko sila maintindihan. Nung una si Carleigh, tapos ngayon yung DuJun naman. Nakakainis!" Nakayakap lang ako kay Jake.
"W-wag mo nang isipin yun. Baka kamukha mo lang talaga yung Skyla.." Niyakap lang ako pabalik ni Jake ng napakahigpit..
Oo nga naman.. Baka kamukha lang.
Pero.. Bakit isa isa sila nagsusulputan sa buhay ko?
-
"Gising na princesa ni Jake!" Pagmulat ko ng mata ay nakita ko si Jake na mejo magulo pa rin yung buhok at mukhang kanina pa gising.
BINABASA MO ANG
Hot Gangsters VS Cold Princesses
ActionHot Gangsters na binubuo ng limang HOT na lalake. Makulit, kalog, isip bata kung minsan. Pero.. Wala silang sinasanto. Malalakas at walang kinatatakutan. Isa sa pinakamalalakas na gangster groupo sa buong Pinas. Cold Princesses na binubuo ng lima...