Chapter 36: Sino?

333 5 0
                                    

Sky's POV



O.O

"Sky!" napalingon ako at nakita ko si Rica.

Bigla naman akong sinipa ng taong nasa harapan ko.

Pero dahil sa maling tao ang kinalaban niya, agad akong nakailag at sinuntok siya sa tiyan niya.

Bago pa man siya makabawi, agad na siyang hinawakan sa leeg ni Rica.

Teka nga.

Anong ginagawa ng babaeng to dito?
-____-

Pero bago yan, etong tarantado muna ang pagtutuunan ko ng pansin.

"Sinong nangutos sayo?" sabi ni Rica.

Talagang sa loob pa ng mall kame umeeksena. Buti nalang talaga at nasa abnormal na kumakanta ang attention nila.

Oo, kumakanta pa rin yung Kutong Manyak na yun -__________-

Agad kong tinusukan ng pampatulog ang lalake at ikinaladkad palabas ng mall. Sumama na rin sakin si Rica.

Bahala na muna yung KM na yun. >____>

Naghintay kami ng ilang oras bago magising ang gagong to.

Kung di lang ako alerto at kung di lang ako napalingon kay Rica, siguro nasaksak na ako ng lalakeng to.

He was holding a knife.

Katulad nung sumaksak kay Bryce..

Nang magising na ang lalakeng to, tinignan lang niya kami ni Rica na nakaupo sa kanya kanya naming mga kotse habang nakatingin sakanya na nakatali sa isang poste.

"Aba't nagising ka pa?" sabi ni Rica.

Tumayo ako at nilapitan siya.

"Sinong nangutos sayo na gawin to?" sabi ko.

"Malapit nang matapos ang maliligayang araw niyo Sky. Malapit na ang katapusan ng paghahari niyo sa gangster world" sabi niya.

Ang boring naman. Lagi nalang ba ganito? -____-

Puro salita. Eh wala namang binatbat kahit may ginagawa sila eh. Tss.

Poor them. *iling*iling*

"Kung ako sayo, sasabihin ko na kung sino ang nangutos nito. Ikaw rin. Baka gusto mo nang pumunta sa impyerno" sabi ni Rica.

"Haha. Yan ang akala niyo. Uubusin namin kayo! Wala kaming ititira sainyo! Just so you know, malapit nang mawala sa mundong to ang kasama niyo. Tignan lang natin kung mabuhay pa siya. Tamang tama. Nasa hospital na rin naman siya." sabi niya.

Napa-smirk ako sa sinabi niya.

Talagang puro salita lang ang alam nila.

Totodasin ko na sana siya nang magsalita pa siya.

"Nagkamali kayo ng pinagkatiwalaan Dee. Sisiguraduhin namin babagsak kayo. Lahat kayo na member ng F(x) Mawawala kayong lahat! Papatayin namin kayo!" sabi niya.

Nandilim na ang paningin ko.

Ang boring niyang kausap eh
-_________-

Inilabas ko ang isang kutsilyo na lagi kong dala.

Taglay nito ang isa sa mga matitinding lason na ginawa nina Carleigh.

Isinaksak ko agad yun sa may dibdib niya.

Agad nang tinawagan ni Rica si Celine.

Ako naman, bilang si Dee na talagang walang sinasanto..

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon