Chapter 82: Untitled

258 5 2
                                    


Dee's POV

Di ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko.

I feel guilty. Alam kong mali pero.. Urgh!

Lahat ginawa ni Chester para lang pasayahin ako.

And I must say.. Hindi siya nabigo.

Pero pagdating sa nilalaman ng puso ko.. Di ko pa alam.

Naguguluhan ako.

Alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon mahal ko pa rin si Martin.. Hindi na mawawala yun.

Kaya lang..

Aish!

Ayoko ng ganito eh. Kung bakit kasi di na nagpakita si Jake eh.

Ayan tuloy. Naguguluhan ako..

Di ko alam kung may nararamdaman na ba ako para kay Chester o nadadala lang ako sa mga ginagawa niya.

Di ko alam.

Ayokong magpadalos dalos. Ayokong sabihin na mahal ko siya wherein di naman ako sigurado.

Ayokong pangunahan ako ng nararamdaman ko. Ayokong magassume sa bagay na "akala" lang pala.

Hinintay ko lang yung ungas na yun dito sa swing sa labas ng Restaurant.

Tumingin ako sa itaas.

Ano ba naman 'to? Bakit iisa lang yung bituin?

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa mga mata ko. Parang ginawa ko 'tong binoculars.

Sabi kasi nila pag mailaw sa paligid, mahihirapan kang makita ang mga bituin sa langit.

"Bakit ganun? Iisa pa rin ang bituin?"

"Hello Jake? Asan ka na ba? Nakakainis ka naman eh. Diba sabi ko sayo---Aish! Andito ako ngayon sa restaurant. Oo pinapunta niya ako. Grr. Fine! Sige"

Ano ba naman 'tong lalakeng to! Ang ingay! Kita nang naghahanap pa ako ng stars eh.

"Nakakainis naman oh!" Narinig ko na parang sinisipa niya yung kotse (?) niya?

Siraulo -________-

Bakit ba nagkalat na ang mga siraulo sa paligid ngayon?

"URGH! NAKAKAINISSSSSS!"

Tangina.

Sinisira niya ang magandang atmosphere!

"Hoy! Kung may problema ka wag kang sigaw ng sigaw! Pakamatay ka nala---"

Tumalikod siya at hunarap sakin.




Damn it.

Totoo ba 'to?




















Si Martin ba talaga to?

(Now Playing: Ever Enough- A Rocket to The Moon)

☆No I'm never gonna leave you darling
No I'm never gonna go regardless
Everything inside of me is living in your heartbeat☆

"M-martin.." Halos di ako makapagsalita. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Saya? Lungkot? Galit? Inis? Tampo?

"M--maxine.." Pagkatapos ng dalawang taon. Ngayon ko nalang ulit narinig ang boses niya..

Ibang iba na 'to. Nagmature na siya.
Kaya pala di ko agad nahalata..

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon