Chapter 87: Choice

314 4 1
                                    

Dee's POV

"Dee. Sumama ka sakin. Kailangan ka niya.. Kailangan ka ni Chester.."

"Bitawan mo 'ko!" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa wrist ko.

"Pwede ba Daria?!" Sabi ni Carleigh

Pumasok si Carleigh sa kotse niya at binuksan ang makina ng sasakyan.

Hinila siya nung Daria palabas.

"Ano bang problema mo ha Daria?! Nagmamadali kame!" Sabi ni Carleigh.

"Hinde! Walang pupunta sa GF!"




*slap*








"D-dee.." Pati si Carleigh at nagulat sa ginawa kong pagsampal kay Daria.

"Daria? Yun ba ang pangalan mo? Pwede ba. Paalisin mo na kame."

"Hinde pwede Dee. Wag kang pumunta sa GF. Kailangan ka ni Che---"


*slap*




Sinampal ko siya ulit.



"Kailangan ako ni Chester? Bakit? Naglalasing nanaman ba siya? Nasiraan na ba siya ng ulo? Ok lang. Di naman siya mamamatay eh. Pero si Martin.. Nakasalalay sakin ang buhay niya. Kaya pwede ba paalisin mo na kame.." Pucha lang.

Pag nagkita kami ni Luna, lintek lang ang walang latay. -___________-

"Hinde pwede Dee. Makinig ka muna sakin. Ple--"

"Wag mong hintayin na sampalin pa kita ulit." Tinignan ko si Carleigh. Pumasok na siya sa kotse. Ako naman, sasakay na sana nang magsalita ulit si Daria.

"So.. Si Martin ang pinipili mo?" Sabi ni Daria.







"Oo. Kahit baliktarin man ang mundo. Kahit mawalan pa ako ng memorya nang paulit-ulit..



Siya pa rin ang pipiliin ko."


Nang buksan ko ang pinto ng kotse sa may passenger seat, nagsalita siya ulit.








"Sana di mo 'to pagsisihan, Dee. Sana.."

"Hindi ako magsisisi dahil pinili ko ang taong mahal ko. Si Chester.. Alam kong malaki ang kasalanan ko sakanya. Kinalimutan ko siya.. Pero.. Nakaraan na yun, Daria. Hindi na ako pwedeng bumalik sa nakaraan. Kung totoo ngang minahal ko si Chester dati at dahil sakanya, nawala ang alaala ko, masasabi kong mahalaga nga siya.

Pero.. Nasa kasalukuyan tayo. At ngayon.. Mas mahalaga si Martin. So will excuse me" pumasok na ako sa kotse at pinaandar na yun ni Carleigh.

Wait for me Martin.. Please..





-

(At GF)


"Kaya mo ba, Dee?" Sabi ni Carleigh.

Pinalitan ko na rin yung damit ko. Ang sabi kasi ni Carleigh, ganito ako manamit noon.

Gangster look na may makapal na eye liner.

I still can't believe na isa akong gangster. It's just so.. Unbelievable.

"Sa katunayan niyan.. Kinakabahan ako." Sabi ko.

"Don't be. We got your back" napalingon kami sa nagsalita.

Napangiti naman si Carleigh.


"Dee, si Celine at si Rica." Nakwento sakin ni Carleigh lahat lahat kaya alam ko kung sino sina Rica at Celine sa dati kong buhay.

"Carleigh told us what happened. Di ko alam na may pinsan ka pala.." Sabi ni Celine.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon