Chapter 40: BryCeline

348 7 0
                                    


Bryce's POV

Andito kami ngayon sa school ni Celine

Gabi na. Pero nandito pa rin kami sa field.


May sasabihin raw kasi siya.


Pansin ko nga maga yung mata niya eh.

Umiyak ba siya?


Ok naman kami eh.


Isang linggo na rin ang nakaraan simula nang magising ako.

Lagi niya nga akong inaalagaan.

Sa nakaraang linggo, naramdaman ko ang pagmamahal na meron kami ni Celine.

Akalain niyo yun? Ang dating aso't pusa, nagmahalan?

UNBELIEVABLE ^___________^

Kami na nga ata eh? Di ko alam. M.U ata tong ganito.


Pero masaya ako na may Celine ako sa buhay ngayon.

Kahit busy kami, kahit madaming problema, alam mong may isang tao kang malalapitan kung saan nagpapawala ng lahat ng alanganin mo sa buhay.


Ang saraaap mainlove ^_______^






"Bryce.." sabi niya.




Oo nga pala.

Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko tuloy si Celine.

Mukhang may problema siya eh.




"Ano yun?" sabi ko.




Di naman ako pwedeng ngumiti dahil mukhang seryoso siya.

Makakasira lang ng mood yun -_____-





"Huli na to." sabi niya.



Ha? Anong pinagsasabi nito? ?_____?


"Ha?" sabi ko.


Eh sa hindi ko nagets eh.

Kayo? Nagets niyo ba?


"Ayoko nang makasama ka ulit. Ayoko nang makipagplastikan sayo.." sabi niya.



A-ano daw?



"Alam mo Celine, di kita main----"

"Talaga bang tanga ka? Alam mo, pwede na nga akong maging artista eh. Ang galing kong umarte" sabi niya.

"Celine.." sabi ko.




"Tanga ka nga. Sa tingin mo ba mahal talaga kita? Haha. Isang malaking joke ang lahat ng to Bryce. Gumanti lang ako sayo. Galing ko talaga" sabi niya.


Di ko pa rin siya maintindihan..


"Anong pinagsasa---"



"Slow ka ba? Di mo ba gets na di kita mahal? Di mo maintindihan na lahat ng nangyari ay isang malaking joke? Bryce. Nagsimula ang lahat sa joke. Anong inaasahan mo? Matatapos to sa isang love story? Oh please. Di kita mahal. Mandiri ka nga sa sarili mo. Kahit kailan di kita minahal." sabi niya.


"Anong akala mo saakin? Easy lang? Anu yun? Porket umamin ka sakin na mahal mo ako, mahal na rin kita agad? Tss. Saan napunta nung utak mo? Ganun ba ako kaganda at di mo manlang nagamit yang utak mo o maski yang common sense mo?" sabi niya.


"Tama na.." sabi ko.


Ang sakit na eh..



"Bakit? Masakit ba na malaman na ang akala mo'y totoo, hindi pala? Masakit ba?! Haha. Yan ang dapat sayo. Isipin mo nalang na gumanti ako sa lahat ng pambubuwisit mo sa buhay ko. You're welcome na rin." sabi niya.


Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon