Chapter 25: Kamalasan

480 13 0
                                    

Sky's POV

"What's with you Sky?" sabi ni Carleigh.

"Nothing" sabay pa kami ni Daria.

Ano siguro ang problema nitong si Daria?

"Eh bakit ka tulala?" talagang makulit tong baboy na to -_____-

"Wala ka na dun" sabi ko. Tumayo ako at umalis sa room. Aabsent muna ako ngayon.

Lintek naman kasi eh.

Kung pwede lang siya patayin dito ngayon, talagang papatayin ko siya at titirisin ng pinong pino.

Kulang ako sa tulog nang dahil sa manyak na yun -___________-

Tumungo ako sa office namin.

Kailangan kong magpahinga.

Pero sadyang nakakabuwisit nga naman.

Kahit anong gawin ko, di pa rin mawala wala ang inis ko. Takte!

Anong nangyari?

*Stockroom

Habang naglilinis ako ay bigla akong nilapitan nung manyak.

Kilala niyo na siguro kung sino diba?

"Kilala mo ba to?" may pinakita siya sakin na profile ng isa sa mga estudyante dito sa school.

"Oo. Dito siya nagaaral dati. Graduate na yan" sabi ko.

"Ganun ba?" sabi niya.

"Oo. Bakit? Kilala mo ba si Ji-yong?" sabi ko.

"Ha? Ah hinde" -________-

Naglinis pa kami dun hanggang sa matapos kami.

At lintek lang. Inabot kami hanggang 9pm ng gabi.

"Una na ako." sabi ko.

Lalabas na sana ako nang..

"Lock ang pinto. Di ka makakalabas" sabi nung manyak.

Kaya pala nakaupo lang siya sa sulok at parang walang balak umalis sa stock room na to.

Lintek nga naman.

Lowbat pa ako. Ipod ko lang yung buhay. Ni wala akong dalang susi o kahit na ano.

Bag ko lang na tanging isang notebook lang ang laman -______-

Tragis na buhay to.

"Kung minamalas nga naman" sabi ko. Padabog akong umupo sa sahig.

Di pa ako nasisiraan ng ulo kaya umupo ako malayo sa manyak na to.

Wala kaming ibang ginawa kundi magsoundtrip lang.

Buti nalang talaga at may ilaw sa loob nitong stockroom.

"Gutom ka na ba?" sabi nung manyak (Chester) tinignan ko lang siya. Pagkatapos binalik ko na agad ang atensyon ko sa ipod ko.

Buti nalang at di pa lowbat tong ipod ko kundi mamamatay ako sa kaboringan dito -_____-

"Eto oh. Kainin mo." napaharap ako.

Nakatayo siya sa harapan ko habang inaabot sakin yung isang bar ng cloud 9.

"No thanks" sabi ko. Abah. Malay ko ba kung balak niya akong lasunin. Mahirap na.

"Kunin mo na. Mas ok na yung ako ang magutom kaysa ikaw" sabi niya.

(Now Playing: 4 am by Alex G)

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon