Chapter 85: His side (Nakaw na sandali)

235 3 0
                                    


Martin's POV

(Flashback)

Noon pa man talagang may gusto na ako kay Skyla Dee Santiago.

Kahit noon highschool palang ako, talagang hinahangaan ko na siya.

She's pretty famous. Kaya kilalang kilala siya ng kahit na sino.

Kaya naman ginawa ko ang lahat para makapasok sa Adameon.

Nagbunga naman ang pagsisikap ko. Nakapasok ako sa Adameon at kumuha ng business course.

Nakakatuwa nga eh. Classmate ko pa sa ibang subject si Skyla noon.

Akala niyo ba babae lang ang natutuwa na classmate nila yung crush nila?

Pwes nagkakamali kayo.

Nakakabakla man isipin pero talagang kinikilig ako. Crush na crush ko kasi talaga si Sky eh.

Kung pwede ko lang nga siyang ligawan, talagang liligawan ko siya.

Kaya lang kagaya rin ako ng iba.

"Waaaaaa! Ang ganda mo talaga Sky!"

"Idol na idol talaga kita!"

"Crush na crush kita Sky!"

"Pansinin mo naman ako Sky!"




Invisible sa mata ng crush nila.

Ni di ko nga alam kung alam ba niya na nageexist ako eh.

Isa lang akong simpleng estudyante sa Adameon na hindi napapansin dahil hindi naman ako yung bida.

Nakakatawa man pero para nga akong stalker niya eh.
Kung saan siya, lagi akong andun. Binabantayan siya mula sa malayo.

Ayokong lumapit sakanya.

Ayokong malaman niya na may isang simpleng tao ang nagkagusto sakanya.

Oo, simple lang ako. Normal na tao. Kaya kahit aminin ko pa sakanya, alam kong hindi niya rin naman ako mapapansin. Walang mangyayari

Pero grabe. Habang tumatagal, lalo akong nahuhulog sa kanya.

Kay Skyla na laging bored.

Kay Skyla na sikat.

Kay Skyla na astig.

Kay Skyla na mabait. (Kahit di man niya ipakita sa iba)

Lahat ng binubully, pinagtatanggol niya.

Kay Skyla na hindi palangiti pero maganda pa rin. Kahit once in a blue moon lang siya ngumiti.

Huli ko ata siyang nakita ngumiti eh nung Mr. & Ms. Adameon eh.

Kay Skyla na mayaman pero hindi pinagmamayabang ang kung anong meron siya.

Kay Skyla na matapang. Kahit na sino pa ang makaharap niya, di niya inuurungan..

Kay Skyla na inspirasyon sa lahat.




Kay Skyla na inspiration ko.

Yan si Skyla. Yan ang babaeng palihim kong hinahangaan.

Para nga siyang bituin eh.

Ang hirap abutin.

At hanggang tingin nalang..

Nakakainis nga eh. Hindi manlang ako nagkaroon ng chance na maging master niya nung Girls and Boys battle. Girls kasi ang natalo kaya magiging slave namin ang girls for 1 month.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon