Chapter 28: Mahal kita

507 9 0
                                    


Bryce's POV

"Amputa ka Chester! Bakit mo sinabi kay Sky?!" sabi ko.

Walanjo tong taong to. NAPAKACHISMOSO!

"Masama ba? Eh sa kulang nalang patayin mo si Zyler eh." sabi ni Chester.

Talagang mapapatay ko na talaga si Zyler.

Pagkatapos nang nangyari nung gabing yun, kala namin ok na.

Pumasok kami sa school. Pero etong si Zyler, nakita sina Rica at Hyun na magkasama.

Masaya sila.

What do you expect sa taong saksakan ng gago at napaka-seloso?

-_________________-

"Eh paano kung sabihin niya yun kay Celine?! Panira kayo eh!" sabi ko.

"Hindi niya sasabihin yun" sabi ni Chester.

WEH? DI NGA?

Eh paano pag nabored yun at biglang sinabi kay Celine? -___________-

"Paano mo nasabi yun?!" sabi ko.

"Eh pagkasabi ko nun, binaba na niya agad yung phone. Walang pakialam sa mundo yun kaya hindi niya sasabihin sa Celine mo -__________-" sabi ni Chester.

Sa bagay, may point siya.

"Pero ikaw? Kailan mo sasabihin kay Celine? May balak ka ba sabihin?" sabi ni Zyler.

Nasa bahay lang kami ngayon. Tinamad kaming pumasok.

"Eh kung di dahil sa lintek na friendship yan, nasabi na niya." sabi ni Blake. Isa pa to eh. Inis na inis rin kay Zyler.

Hindi na siya nakakakain ng maayos dahil di niya kasama yung kapartner niya.

"Abah? Ako sinisisi niyo?! Hala sige! Puntahan niyo yung mga babae niyo na walang ibang kasamang lalake kundi yung hinaHYUNpak!" sabi ni Zyler.

"-___________________-" kaming tatlo maliban kay Ethan. Maganda lovelife niyan eh.

Lokohan at laro nga lang.

Pero sa maniwala kayo o sa hinde, lahat sila nagseselos sa Hyun na yun.

Pati nga rin ata ako eh?

Kasi close na close yung Hyun sa kanilang apat.

TIGHT NA TIGHT. -________-

"Oh? Tutunganga kayo? May choice naman kayo eh! May choice kayo na iwan ako magisa at puntahan at lapitan sila pero ano?! AMININ NIYO NA HINDI LANG AKO ANG NAGSESELOS DITO!" sabi ni Zyler.

Kami? No comment.

Guilty na eh -___________-

"Makaalis na nga lang" sabi ni Ethan. Buti pa to eh. Nagkikita pa rin sila ng Daria niya.

"Makakain na nga lang" sabi ni Blake.

Umalis na yung dalawa.

Naiwan kaming tatlo dito.

"Sasabihin mo ba sakanya Bryce?" naging seryoso na si Zyler.

"Ewan ko. Takot ako na baka ipagtabuyan ako nun. Parang di mo naman kilala yung katawang kahoy na yun." sabi ko.

Totoo naman eh! Simula nang nagising ako sa sinabi nung "bebe" niya, ginawa ko ang lahat para magpapansin.

Pero di nawala yung asaran. Baka mahalata ako. Mahirap na -________-

Pero sadyang bato ang puso nung babaeng yun.

Di manlang inappreciate lahat ng effort ko.

Kung tutuusin wala akong experience pero ginawa ko pa rin magpakita ng sweetness sakanya.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon