Blake's POV"Puntahan mo na sya sa kwarto niya" sabi ni Bryce.
"Gusto mo bang matuluyan na ako ngayon?" Sabi ni Zyler.
"Ikaw nang pumasok jan Ethan" sabi ni Bryce.
"Ayoko pang mamatay. May date pa kami ni Daria" sabi ni Ethan.
"Blake.." Sabi ni Bryce.
"May magagawa pa ba ako?" Sabi ko
Pumasok ako sa kwarto niya.
-_________- kung dati, maayos to. Ngayon, halos di mawala ang bagyo sa kwarto niya.
"Chester.." Sabi ko.
Nilapitan ko ang kama niya.
Nakakalat ang napakadaming bote ng alak sa kama niya.
Malaki na yung eyebags niya.
Yeah. He's wasted.
"Chester, bumangon ka na jan." sabi ko.
"Sinong may sabi na pumasok kayo sa kwarto ko?" Sabi niya.
Sila Bryce! Dali! Sapakin mo! -_____-
Lintek naman oh.
Sino ba namang may gustong pumasok sa madilim at amoy alak na kwarto?!
"Ches.."sabi ko.
"Labas" sabi niya.
Ayan na. Nagagalit na ang dragon
-______- tulungaaaaaan niyo ako!
"Pero Ches.." Sabi ko.
"LABAS!" Sabi niya.
Kahit mejo natatakot ako kasi nakakatakot talaga siya, di ako lumabas.
Tama na.
Tatlong taon na.
Halos nakamove-on na kaming lahat.
Natanggap na namin yung nangyari..
Pero siya?
Hanggang ngayon, sarili pa rin niya ang sinisisi niya.
Simula nang mamatay si Skyla, di na siya kumakain.
Di na niya kami kinakausap. Lagi nalang siya nakakulong sa kwarto niya kasama ang mga alak niya.
Literal na di lumalabas sa kwarto. Dalawang taon yun ha.
Pag naman pumapasok kami dito sa kwarto niya para pilitin siya na kumain, tinatapunan niya kami ng mga bote.
Maging sina Carleigh, Daria, Rica at Celine, hindi siya nagawang pilitin na kumain o lumabas manlang.
Halos saktan na nga niya sina Carleigh.
Believe it or not, kinailangan pa namin tusukan ng pampatulog si Chester noon para lang mapakalma siya.
Halos mapatay na niya sina Carleigh eh.
Ngayon lang namin siya nakita ganun kabrutal.
Kaya naman di na namin siya pinilit mula noon.
Pero sobra na eh.
Dalawang taon na siyang ganyan.
Siguro naman oras na para maka-move on diba?
"Hindi ako lalabas dito hanggang di ka nagigising sa katotohanan Chester!" Sabi ko.
Bahala na.
BINABASA MO ANG
Hot Gangsters VS Cold Princesses
ActionHot Gangsters na binubuo ng limang HOT na lalake. Makulit, kalog, isip bata kung minsan. Pero.. Wala silang sinasanto. Malalakas at walang kinatatakutan. Isa sa pinakamalalakas na gangster groupo sa buong Pinas. Cold Princesses na binubuo ng lima...