Chapter 64: After 2 weeks

303 4 0
                                    


Dee's POV

Pag gising ko, agad akong tumungo sa ibaba.

-__________-

"Anong ginagawa mo dito bruha ka?!" May impakta kasing kumakain sa may dining table namin

"Kumakain. Obvious ba ha?" Sabi ni Jake.

"Diba sabi ko sayo wag kang matutulog dito? Nung nakaraang araw, dito ka na natulog. Nung isang linggo, dito ulit. Tapos ngayon, dito nanaman!? At bakit suot mo nanaman yung damit ni Martin? Sumusobra ka na ah." Sabi ko.

"Alangan namang damit mo yung suotin ko? Hindi naman pwede yung kay manang kaya yung kay Martin nalang" sabi niya.

"Saan pala si Manang?" Tuwing umaga naman kasi si Nandito si manang pero bakit ngayon wala siya? -_________-

"Umuwi raw muna sa probinsya. Kaya nga dito ako natulog para naman may kasama ka :3 Oh diba? Ang sweet ko! Pa-hug nga!" Tumayo siya at akmang yayakapin ako nang harangin ko siya.




"Heps! Wala akong suot na bra. Baka mamaya pagnasaan mo ako. Mahirap na" sabi ko.

"Abah nahiya ka pa?! Eh alam mo na ngang wala akong pakialam jan sa chuchu mo eh. Kahit kailan di ko pinangarap magkaroon ng ganyan! Gusto ko yung mas malaki pa jan! :3" sabi niya.

"Abah bastos ka ha?! Baka gusto mong sapakin kita?!" Sabi ko.

"Wag naman Dee! Sobra ka na ha. Alam mo ba kung gaano kahirap magpanggap na lalake?! Tapos sasapakin mo lang ako? Asan ang hustisya dun?!" Sabi niya.

Opo. Si Jake ay isang vaklush.

Jake sa umaga, Jackie sa gabi -______-

Simula nung makilala ko siya, sa maniwala kayo o sa hinde, talagang napagkamalan ko siyang lalake.

Grabe nga pumorma niyan eh.

Lalake naman talaga siya -_____- pero yun nga lang, pusong eba ang bruha.

Kaya nga mas naging close kami agad niyan.

Pero nung naging kaibigan namin si Martin, naging lalake na siya.


Lalake pag anjan si Martin.


Totoong niligawan niya ako. Two years pa nga diba?

Pero sa umaga lang yun tsaka pag magkasama lang kame siya sweet.

Main objective niya? Paselosin si Martin -_______-

Not for my sake, but for his sake.

Na-love at first sight kasi siya kay Martin dati. Kaya ayun. Simula nang naging kaibigan namin si Martin, ako na yung ginagamit niyang pangselos.

Umaasa siya na magseselos si Martin pag nakita siyang kasama ako.
-_______-

Talagang maharot noh?

"Tumahimik ka nga! If I know, minamanyak mo lang yang damit ni Martin! Hubarin mo nga yan!" Pilit kong tinatanggal yung tshirt ni Martin. Kaya lang tong baklang to, wagas kung magpumiglas -_______-

Pengeng tali, isasabit ko na 'to ng patiwarik eh!

"Bitaaaaw!" Sigaw ng malanding bakla -________-

"Hubaaaaad sabi eh!" Pilit ko pa rin tinatanggal yung damit niya

Hanggang sa...





*booooogsh*


O___________O kaming dalawa.




"BASTOOOOOOOOOOOOOS!" Agad akong tumayo at pinagsasapak tong manyak na baklang to.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon