Chapter 42: BLeigh

324 3 0
                                    


Blake's POV

"Buksan mo to Carleigh! Magusap tayo!" kanina pa ako sigaw ng sigaw dito sa labas ng kwarto ni Carleigh.


Bigla nalang niya ako iniwan kanina.

Maayos pa naman kami ah? Bakit biglang nagkaganito?

Di naman ako makauwi dahil malakas ang ulan sa labas.

"Wala na tayong dapat pagusapan" sabi niya.

Pasigaw pero cold.

Nagbalik na ba ang cold na Carleigh?


"Leigh, please naman. Magusap tayo. Ano yun? Makikipagbreak ka nang walang dahilan?" sabi ko.


Oo nakipagbreak siya bigla.

Sa pagkakaalam ko, wala naman akong kasalanan.

Pareho naman kaming busy.

Di ko nga lang siya mabigyan ng atensyon kasi may inaasekaso pa ako.


Ang babaw naman kung dahil lang dun kaya siya nakikipagbreak diba?


Nakaapekto ba sa relasyon namin ang pagiging busy ko?

Kung oo, simula bukas, buong araw at lahat ng oras ko, ibibigay ko na sakanya.


Wag lang niya akong iwan..


"Leigh!" katok ako ng katok sa pinto niya.


Kulang na nga lang masira na yung pinto eh.

Nabigla ako nang lumabas siya.

Walang kahit na anong emosyon ang makikita sa mga mata niya.

Anong nangyari sa Carleigh ko? :/

"Leigh.." sabi ko.

"Ano? Di pa ba malinaw sayo? Gusto ko nang makipagbreak. Ganun kasimple." sabi niya.

"Pero.."

"Walang pero pero Blake. Nakakabanas na. Ayoko ng boyfriend na gaya mo. Masyado kang mabait. Mas matakaw ka pa kaysa sakin. Napakamakulit mo. Napakasweet. Napakamaalaga.." sabi niya.

Oh eh anong problema dun?

Ang swerte nga niya eh >_____>

"Diba ganun naman dapat? Diba ganun naman ang gusto ng mga babae? Magkaroon ng perpektong boyfriend? Baki---"

"Yun na nga. Masyado kang perpekto Blake. Masyado kang mabait para saakin. Ayoko sa mga kagaya mo." sabi niya.

Ano?

"Leigh---"

"Blake. Di naman talaga kita minahal eh. Naawa lang ako sayo. Masyado mo akong mahal kaya pinagbigyan kita. Siguro naman ok na yun?" sabi niya.


Kung di lang siguro siya cold habang sinasabi yan, talagang di ako maniniwala.

"Di ikaw ang Carleigh ko.." sabi ko.

"Wag mong lokohin ang sarili mo. Walang nagbago. Ako pa rin ang Carleigh na nakilala mo. Sadyang bulag ka sa katotohanan kaya di mo agad nakita na niloloko ka lang. Di naman ako nawala eh. Ako pa rin si Carleigh, kaya lang ngayon, ginigising na kita mula sa ilusyon mo" sabi niya.


Unti unting nadudurog ang puso ko sa mga pinagsasabi niya.

Pakisapak nga ako.

Sabihin niyong biro lang to.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon