Chapter 74: The Sweetest Smile

235 3 0
                                    


(Flashback pa rin 'to :D)

Dee's POV

"Girl! Buti at dumating ka na!" Nandito kami ngayon sa loob ng room.

Kakarating ko lang at ayan. Hinila nanaman ako palabas.

"Saan mo ako dadalhin ha?" Hila pa rin siya ng hila hanggang makarating kami sa may gym.

"Oh anong meron dito?" Ang daming tao at siksikan pa.

"Ang gwapo niya talaga girl!" Halos maloka na 'tong baklang to.

Sino bang gwapo? -_________-

"Sino ba?" Ang ingay naman dito sa gym.

"Si Ji-yong! Yung kapatid ng dating may ari nitong school" ha? Ji-yong?

"Di ko siya kilala. At tsaka diba babae ang may ari ng school?" Wala naman kasi akong alam. Ibinigay lang sakin ang scholarship and boom. Studyante na ako ng Adameon. Ni hindi na nga ako dumaan sa interview eh.

"Yung totoo girl? Taga adameon ka ba talaga?" -________- sorry naman ah?

Napaupo muna kami dito sa may pinakadulo habang yung ibang studyante ay parang nagkakagulo pa rin.

Napagalaman ko na farewell speech na pala yun nung Ji-yong.

"Si Ji-yong.. Siya yung kapatid nung dating may ari nito. Si S-----" mejo hindi ko narinig yung sinabi niya. Ang ingay kasi talaga!

"Kaso.. Dahil sa di malamang dahilan eh namatay raw yung may ari. Actually, lima silang may ari nito." Wow ha! Siguro ang yayaman ng mga babaeng yun.

Pinakasikat na school kaya tong Adameon.

Natahimik naman yung mga estudyante. Ewan ko kung bakit. Tanong niyo sakanila.

"Pero yun nga. Dahil sa pagkamatay nung leader nila eh lumipat na sila ng school. Sa pagkakaalam ko, sa States na sila nagaral nun eh. Hindi raw kasi nila kayang manatili pa sa isang lugar kung saan marami silang memory nung kaibigan nila" tss. Ang saklap naman nun.

"Tapos.. Pati yung mga boyfriends nila, lumipat rin sa ibang school. Balita ko nga miserable na raw yung buhay nung boyfriend nung Leader nila." nako. Ano siguro ang pakiramdam nun?

Yung bigla ka nalang namatayan ng girlfriend?

It must be really hard for him.

"Kaya naman ayan! Ayan ang kapalit ng dating may ari. Jusko! Ang gwapo talaga!" Kanina kalmadong nagkkwento, tapos ngayon halos sumabay na siya sa mga babaeng kinikilig dito.

Tumayo rin ako para makita naman yung Ji-yong.

Nang makita ko siya..

Okaaay.

Gwapo rin. Pero mas gwapo si Martin ko ^__________^


Nakatitig lang ako sa Ji-yong nang magtagpo ang mata namin.

I don't know. If it's just me or talagang nginitian niya ako..

Pero may parang lungkot, saya ang mga mata niya.

Mahirap basahin eh.

-

"Hay nako! Sayang talaga! Wala na si Ji-yong" siguro pang-anim na beses na niya yan sinasabi.

Umalis na kasi yung Ji-yong eh.

Balita ko rin eh minsan minsan lang raw yung pumupunta dito. But this time, talagang iiwan na niya 'to. Magiging busy raw kasi siya sa States.

Hot Gangsters VS Cold PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon