Chapter 16: Carla

2.5K 61 3
                                    

[tok tok]

May nadinig akong kumatok sa pinto ng kwarto ko. Ano ba ito tanga? Naka-lock sa labas tapos kakatok? Psh mga stupid.

"Pasok"sabi ko at pumasok naman ang inutil. May pumasok na isang babae. Yung babae kanina. Ano nga uli pangalan nito? Ah oo nga pala, Yanna.

"Gusto mo magpalit? May dala akong mga damit dito oh."sabi niya sakin oh so sweetly. Inirapan ko nga. Makangiti wagas eh.

"Ano ba namang mga damit yan? Walang ka-class class. Ang babaduy. Sino ba pumili niyan at mukhang walang taste sa fashion?"maarteng sabi ko. Nakita kong nagulat siya sa attitude ko. Bakit akala ba niya mabait ako? Ako si Carla Gomez. Ako mabait? Siguro sa ka-close ko. At FYI d kami close. Hmp

"Damit ko yan"nakasimangot na sabi niya.

"Ay ganun ba? Wala ka palang taste sa fashion?"sabi ko sa kanya. Nakita kong nanggagalaiti siya sa galit. Ha pikon. Wala pa nga akong ginagawa eh.

"Kung ayaw mo edi wag!"sigaw niya sakin.

"Psh ok na yan. Pagtyatyagaan ko nalang."sabi ko na mukhang nandidiri dun sa mga damit.

"Ang daming sinabi tatanggapin din naman"bulong niya. Tingin ba niya d ko nadinig? ~_^

"Sure ka bang malinis ito? Alam mo kasi sensitive ang skin ko. Baka mangati ako."sabi ko habang tinitignan yung mga damit. Sa totoo lang, maayos naman yung mga damit. T-shirt and jeans. Gusto ko lang talagang mambwiset.

"Magdamit ka nalang. Tapos kakain na. Bitch"sabi niya sabay walk out palabas ng kwarto. Inirapan ko nalang siya tapos kinuha ko na yung mga damit at pumasok sa banyo. Heck oo nga pla, hindi pwede mabasa itong mga sugat ko, paano ako maliligo niyan? Ughh! D*mn those wolves! Sila may kasalanan nito!

Nagbihis nalang ako at nag-ayos ng sarili. Tapos ay dumiretso ako sa pinto at kumatok kasi nga naka-lock. Pagkakatok ko bumukas yung pinto at naabutan ko dun si Yanna at dumiretso na kami sa kusina.

Pagdating namin dun walang bakanteng upuan para sakin bukod dun sa upuan ni Yanna at ni Cloud na wala pa. Naupo na si Yanna sa upuan niya at ako naman ay dumiretso sa upuan na bakante.

"Uhmm Carla kasi...upuan ni Cloud yan eh"sabi sakin ni Bryle habang nakamot sa ulo. Ano siya may kuto?

"Pakialam ko?"mataray kong sabi at kumuha ako ng kanin at ulam. Hindi ko na sila hinintay na alukin ako. Bahala sila diyan.

"Ehem"sabi ng isang asungot sa likod ko. Oh speaking of Cloud.

"May ubo ka?"pamimilosopo ko sa kanya.

"Thats my seat."kalmado niyang sabi.

"And so?"sabi ko habang diretso ako sa pagkain. Nagulat nalang ako ng itulak niya ako paalis kaya nahulog ako sa upuan. What the?!

"Pagsilbihan mo muna kami. Mamaya ka na kumain pagkatapos namin"sabi ni Cloud. Dafuq! Hindi ba niya ako kilala?! Ako si Carla Gomez. Maganda at mayaman. At ako pagsisilbihan sila? Hell no!

Tinitigan ko siya ng masama at nung isusubo na niya yung kanin, pasimple kong tinadyakan yung upuan kaya naman napasubo siya sa kanin at nabulunan.

"Oops sinasadya"sabi ko sabay irap at walk out pabalik sa kwarto. Binalibag ko yung pagkakasara nung pinto at nahiga nalang ako sa kama. Mga bwiset.

After an hour may nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Psh cno ba itong istorbo?!

"Ikaw maghuhugas ng pinggan."sabi ni Cloud. Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ni hindi nga nila ako pinakain tapos ako paghuhugasin nila? Aba ang kapal nga naman ng mukha nila ano?

Vampire's Slave 2: The Twins of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon