2 years later...
[Tswak!]
Ibinaon niya ang espadang hawak niya sa demonyong nasa harap niya. Matapos niyang bunutin ang espada, umagos ang masaganang itim na dugo ng demonyo. Nag-apoy ito bago tuluyang naglaho.
"Grabe! Pinahirapan din tayo nung demonyong yun ah. Ang tagal nating hinabol!"sabi ni Tripp.
"Oy Jane tara na! Balik na tayo sa kampo!"tawag ni Neil kay Jane.
"Oo saglit!"sagot naman ni Jane habang pinupunasan ang dugo sa espada niya.
Dalawang taon na ang nakalipas simula noong nagkita sila ni Carla. Linggo linggo ay bumibisita siya dito o kaya naman si Carla ang bumibisita sa kanya.
Sa dalawang taon ay marami na ang nangyari. Naging hunter siya pero wala pa ring nakakaalam ng sikreto niya bukod kanila Neil at Tripp. Sa loob ng dalawang taon, silang tatlo nina Tripp at Neil ay naging kilalang mga hunters. Legendary Trio tawag ng iba. Bigyan mo ng misyon, siguradong matatapos nila.
Pagdating nila sa kampo ay agad silang sinalubong ng head.
"Kamusta ang Legendary Trio ko?"bati sa kanila ng head.
"Tigilan mo ang pag-puri samin masyado Ren. Baka lumaki ulo niyang dalawa haha"natatawang sabi ni Jane.
"Anyway, may bagong mission kayo."sabi ng head nila na si Ren.
"Ayun! Sana naman medyo challenging para d boring dba?"mayabang na sabi ni Tripp.
"Oh its challenging all right. Mag-aattend kayo ng party."nakangising sabi ni Ren.
"Tss party? As in party? Challenging yun?"sabi ni Tripp.
"Oo party. A demon's party.."sabi ni Ren. Napangiti naman si Tripp sa sinabi ni Ren.
"Paano kami magfi-fit in? Mabilis kaming mabubulyaso dun."sabi ni Jane.
"Its a demon's party pero may ilang taong ding bisita. Some businessmen, politicians and the like. You'll fit in just fine Jane."kampanteng sabi ni Ren.
"Ok then. Kelan ba yung party?"sabi naman ni Neil.
"Mamayang gabi. 7pm. Its a masquerade ball. Kaya maghanda na kayo."sabi ni Ren.
"Ok cool. Mamaya na lang Ren!"sabi ni Tripp bago sila umalis para pumunta sa kanikanilang kwarto.
Pagkasara na pagkasara ng pinto ng kwarto ni Jane, nag-inat agad siya. Napagod siyang habulin yung demonyo kanina sa gubat. Ibinaba niya ang espada niya sa isang tabi. Nilabas din niya ang dalawang baril na nakakabit sa bewang niya. Tinanggal din niya ang kutsilyo sa hita at binti niya. Ibinaba niya ang lahat ng ito sa ibabaw ng side table niya.
Malaki ang pinagbago niya sa dating Jane. Hindi na siya ang mahina at iyaking Jane noon. Natuto na siyang lumaban simula noong naging hunter siya. Kung dati ay kinakatakutan niya ang mga demonyo, ngayon siya na ang kinakatakutan ng mga ito. Walang demonyo,bampira,lobo o kahit ano pang nilalang ang nagkamaling humarang sa kanyang daan dahil mabilis pa sa kisap mata'y tatapusin niya ang buhay nito.
Dumiretso siya sa banyo upang maligo. Pagkatapos niyang makapaglinis ng katawan ay nagpalit siya sa isang oversized T-shirt at shorts. Ganito ang normal niyang suot pag mag-isa lang siya. Mas komportable kasi. Nahiga muna siya sa kama. Maaga pa naman. Magpapahinga muna siya bago siya sumabak sa mission niya mamaya.
Pagdating ng 5pm ay nag-umpisa na siyang mag-ayos. Black ang kulay ng dress niya. Hindi gaano mahaba para madaling gumalaw mamaya kapag nagkagulo na. Hindi din naman masyadong maikli para maitago niya ang ilang mga gamit niya tulad na lamang ng baril at espada niya.
Espesyal ang espada niya. Sa unang tingin maliit lang ito. Kasing laki ng isang kutsilyo. Pero pag-inikot mo ang handle nito, atsaka ito hahaba sa normal na laki nito. Regalo ito sa kanya ni Tripp noong 17th birthday niya.
Dala din niya ang baril niya na ikinabit niya sa magkabilang hita niya. Ngayon handa na siya. Hindi na niya kailangan magmake-up dahil natural na mapula ang labi niya. Isa pa, masquerade party ito. Hindi din naman makikita ang mukha niya. Hinayaan lang niyang nakalugay ang itim niyang buhok. Kinuha niya ang kanyang maskara na kulay itim din na may mga spirals na silver bago siya lumabas ng kwarto niya.
Naabutan niya sa labas s
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampireJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...