Chapter 25: Carla

2.4K 69 3
                                    

Halos mamatay na ako sa nerbyos habang minamaneho ko ng napakabilis ang aking sasakyan. D*mn it!

Bwiset na mga traydor na yan! Kaya ayokong sumali sa association na yan eh! Dapat kasi nagsolo nalang din yan si Jane!

Pagdating ko sa warehouse ay agad akong bumaba ng sasakyan. Papasok na sana ako ng may makita akong isang demonyong papalabas ng warehouse.

Hinanda ko ang baril ko at itinutok ito sa lalaki. Kilala ko ito. Isa siya dun sa mga lalaki dun sa Saint Loise. Sa pagkakatanda ko, Dylan ang pangalan niya.

Walang pang-itaas yung lalaki at duguan ito. May dalawang malalaking itim na pakpak ito sa likod at walang kaemoemosyon ang kanyang mukha habang nakatingin lamang sa harapan ang kanyang malalamig na mga mata.

Nilagpasan niya lang ako na parang hindi niya ako nakikita kaya naman hinarangan ko siya at tinutukan ng baril.

"Nasan ang kapatid ko?"malamig kong tanong sa kanya. Tinitigan niya ako saglit sabay iwas ng tingin.

"Babawiin ko siya..."yun lang ang sinabi niya bago niya balutin ang sarili ng mga pakpak at nang malagas ito, naglaho na siya.

Agad akong pumunta ng warehouse at naabutan ko doon si Neil at Tripp na nakasalampak sa sahig. Kinabahan ako sa itsura nila.

"N-Nasan si Jane?"kinakabahang tanong ko. Tinignan lang ako ni Neil at nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha.

"Sagutin niyo ako! Nasana ang kapatid ko?!"naiiyak kong sigaw.

"Nakuha siya ni Damien..."nakayukong sagot ni Neil. Damien? Sinong Damien?

"Iyo naman pala eh! Bakit nakaupo lang kayo diyan?! Bakit hindi niyo pa hinahanap?!"sigaw ko.

"Hindi mo ba naiintindihan?! Wala nang pag-asang makita natin siya! Isang Piere si Damien! Impossibleng makita pa natin sila!"biglang pagsigaw ni Tripp. Namumula ang mga mata niya. Halatang nanggaling sa iyak.

Tuluyan nading bumagsak ang mga luha ko.

"Sinungaling ka. Hindi ako susuko. Hahanapin ko ang kapatid ko."malamig kong sabi bago ako tumakbo palayo.

Patrick's POV

Nakatingin ako mula sa beranda ng aking mansyon kung saan tanaw na tanaw ko ang aking buong kaharian.

Napangiti ako. Kulay pula. Punong puno ng kulay pula ang aking kaharian.

Lumingon ako sa aking kama na nababalot din ng pula at pinagmasdan ko ang isang paslit na nakahiga dito. Katulad ng aking kapaligiran ay nababalutan din siya ng pula. Lalo na ang kanyang butas na dibdib.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Patawarin mo ako Veronica...Kinailangan lang ni kuya ang buhay mo para makuha ng buo ang aking kapangyarihan..."bulong ko sa kanya at nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Mga luha para sa kapatid kong walang awa kong pinaslang.

Nanginginig ako. Hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa galit.

Si Veronica nalang ang meron ako. Ang aking kapatid nalang ang kasiyahan ko sa mundong ito..Siya lang, ayos na ako.

Walang kwenta ang aking mga magulang. Ilang beses nila kaming pinagtangkaang patayin. Natakot sila nang magpamalas si Veronica ng kakaibang kapangyarihan kaya naman sinubukan din nila itong kitilin. Katulad ng pagtatangka nilang paglason sakin.

Dahil dito kaya ko sila pinatay at namuhay kaming magkasama ni Veronica.

Siyam. Siyam na buhay na ang meron ako. Isa nalang ang kulang. Dahil dito ay lumalabas ang kapangyarihan ko pamimsan minsan ngunit hindi ko ito makontrol. Kailangan ko na ang ikahuling buhay para maging kontrolado ko ito. Nagsaliksik ako. At nanlumo ako sa nabasa ko.

Vampire's Slave 2: The Twins of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon