"Tch"kanina pa naghihintay si Jane sa mga kasama niya. Napag-usapan nilang ngayon nila pupuntahan ang eskwelahan ng mga demonyo. Tinuro na ni Cloak sa kanila ang location.
"Ayan. Ayos na. Tara na."sabi ni Tripp na kalalabas lang ng kwarto. Nakasuot ito ng isang school uniform at magulo pa ang buhok nito. Lumabas ito habang inaayos pa ang tie.
"Oh halika na tara na."sabi naman ni Neil na kalalabas lang din. Katulad ni Tripp, magulo pa din ang ayos nito. Napailing na lang siya sa dalawa.
Naabutan niya ang mga ito kaninang umaga na natutulog pa. Nakalimutan ng mga ito ang lakad nila kaya tinanghali ng gising. Kaya ito ngayon ang dalawa. Nagmamadali. Minsan ay nagtataka siya kung ito nga ba ang dalawang lalaking nakilala niya noon sa eskwelahan. Hindi niya akalain na ganito ang mga ito.
Nilapitan niya ang dalawa at tinulungan na ang mga ito sa pag-aayos ng sarili. Wala si Pina ngayon. Nasa Europa. Gumagawa ng misyon. Kaya naman wala siyang katulong sa dalawang ito.
Nang mukhang maayos na studyante na ang dalawa, dumiretso na sila sa garahe para kunin ang kanikanilang sasakyan.
Ang eskwelahang pupuntahan nila ay isang elite boarding school. Nasa gitna ito ng gubat at grabe ang security nito kaya ang tanging paraan lang para mapasok nila ito ay ang magpanggap na studyante.
Hindi lang sila ang nagpapanggap. Ang buong eskwelahan ay nagpapanggap. Demonyo ang may-ari ng eskwelahan. Ang eskwelahan ay binuo para magkahalubilo ang bampira, demonyo at tao. At sa ganitong ayos, hindi na niya kailangan mag-isip ng malalim para malaman kung sino ang magiging biktima sa eskwelahang ito.
Agad siyang sumakay sa kotse niya. A pink lamborghini aventador. Nauna siyang lumabas sa garahe at sumunod sa kanya sina Neil at Tripp.
Sa bilis nilang magpatakbo, mabilis nilang narating ang eskwelahan. Enrolled na silang tatlo. Inasikaso na ito ni Ren. Ngayon ang unang araw ng klase kaya kita ang mga mamahalin ding sasakyan ng mga studyante na papasok sa eskwelahan. Nang maipark nila ang sasakyan, agad silang bumaba pero may tumawag kay Jane.
Carla Calling...
Tumatawag ang kakambal niya.
"Carla"sagot niya sa tawag.
[Kamusta na ang aking mahal na kapatid?]mapang-asar na sabi nito.
"Buhay pa. Mamaya na tayo mag-usap Carla. May gagawin pa ako."sabi niya dito.
[Kelan ka pa natutong magsungit?]sabi ni Carla. Alam niyang nakangisi ang kapatid niya ngayon.
"Nakalimutan mo Carla. Ikaw ang nagturo sakin nito."sabi ni Jane habang nakangisi din.
[At dahil diyan, lumingon ka sa likod mo at tignan mo ang dyosang papalapit]sabi ni Carla bago ibaba ang tawag. Agad naman siyang napalingon sa likod niya at nakita niya ang kapatid niya at si Ken na papalapit sa kanya.
Nagulat siya. Anong ginagawa ni Carla dito? Huwag mong sabihing nandito ang target ni Carla?
"Pwede ba Jane. Snap out of it. Wag kang tumulala. You look stupid"mataray na sabi ni Carla pagdating nito sa harap nila. Kita din ang pagkagulat sa mukha nina Tripp at Neil.
"Anong ginagawa mo dito Carla?"naguguluhang sabi ni Jane.
"Nalaman kong nandito ka kaya ako pumunta dito. Plus hanggat hindi pa nakikita ni Ken yung mga info na kailangan ko kay Rousseau, wala pa akong magagawa. So for the mean time ng hindi ako mabored, makikisama muna kami sa inyo."sabi ni Carla. Jane just shrugged. Wala namang promblema sa kanya kung nandito ang kapatid niya. Maganda nga iyon. Hindi din naman siya nangangamba sa kaligtasan nito dahil alam niyang kaya nito ang sarili.
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampireJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...