"Sh1t"i cursed sabay yuko para makailag sabay takbo uli. Tinatakbo ko parin ang gubat at sa kasalukuyan ay maraming humahabol sakin na flesh eater at hellhound. Wala akong problema sa flesh eater. Mabilis kong natatakbuhan ang mga ito. Ang problema ko ay ang mga hellhounds. Kanina pa ako sinusunggaban ng mga ito at ako naman ay ilag lang ng ilag.
I am running out of breath pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo kung gusto ko pang mabuhay. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Hindi ko alam kung papalabas na ba ako ng gubat o mas papalalim pa ako sa loob nito.
Tss dejavu. Parang dati lang pero baboy damo lang ang humahabol sakin noon.
"Are you really trying to kill yourself?!"bumalik ang diwa ko dahil sa isang sigaw.
"Ano titig ka na lang ba?! I told you not to leave! F*ck! Youre still hard headed after all those years! D*mn!"frustrated na sabi niya. Tinitigan ko lang siya. Hindi padin maprocess ng utak ko ang nangyayari. May isang hellhound na nakahandusay sa tabi ko. Nasa harap ko si Dylan at duguan ang kanyang mga kamay..
Hinawakan niya ang braso ko at hinatak niya ako. Doon lang ako natauhan at inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ano pa bang kailangan mo sakin Dylan?"i said coldly.
"Ikaw ang may kailangan sakin. Kung wala ako, kanina ka pa sana nalapa ng hellhound."malamig na sabi niya sakin.
"Hindi ko kailangan ang tulong mo."
"Doon ka na sa mansyon magpalipas ng gabi. Siguradong mamamatay ka kung ipagpapatuloy mo itong kahibangan mo."sabi niya bago siya tumalikod at naglakad palayo.
"Wala na akong rason para manatili sa mansyon mo."sagot ko nang hindi umaalis sa pwesto ko. Napatigil siya sa paglalakad.
"Ang buhay mo. Hindi pa ba sapat na rason iyon?"sabi niya at nagpatuloy na uli siya sa paglalakad. Napatiim bagang ako. Naiinis ako dahil tama siya. Mamatay ako panigurado kapag nagpatuloy ako. Kasalanan niya ito, kung hindi niya sana sinira ang espada ko wala ako sa sitwasyong ito. Bakit pa nga ba siya nandito?
Wala akong ibang nagawa kundi humabol sa kanya.
"Bakit hindi mo nalang sila patigilin katulad ng ginawa mo kanina?"tanong ko sa kanya. Nakita kong ngumiti siya sa itinanong ko.
"And what made you think I would help you?"sabi niya.
"Arent you helping me now?"naguguluhang tanong ko.
"Am I?"sabi niya habang nakangisi bago kami pumasok sa gate ng kanyang mansyon. Sabi na eh. A demon will always be a demon. May binabalak siya. Hindi niya ito gagawin kung wala siyang mapapala dito. Pero ano? Ano ang makukuha niya sa pagligtas sakin?
Agad niya akong dinala sa kwarto kung saan nagising ako kanina at walang sabi sabi siyang lumabas.
Bakit ba niya ako niligtas? Niligtas ba niya ako o may pinaplano nanaman siya? Gusto kong malaman. Kaya naman agad akong lumapit sa saradong pinto para sana sundan si Dylan pero pagpihit ko, nagulat ako...
Its locked. He never locked my door. Ni minsan ay hindi niya ako ikinandado sa loob ng isang kwarto. Ni minsan hindi niya ako tinuring na alipin o bihag. Napangiti na lang ako ng mapait. Talagang nagbago na siya. Talagang napakagaling niyang umarte noon. Napaniwala niya ako na iba siya.
Marahas kong iniling ang ulo ko. Hindi. Nakaraan na iyon. Hindi ko na dapat binabalikan ang nakaraan. Hindi na dapat ako magpaloko uli.
Mukhang wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi matulog at hintayin ang umaga. Nahiga na lang ako at mabilis naman akong dinalaw ng tulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/11280366-288-k648896.jpg)
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampirJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...