Chapter 28

2.6K 73 7
                                    

Carla's POV

Nandito ako sa beranda ng kwarto ko. Dito ako dinala ni Patrick.

I feel played. I feel betrayed. Luke is Patrick..And Patrick is Luke... Iisa lang sila. At ako ito si tanga na nagtiwala.

Ano bang ginawa ko sa kanila para lokohin niya ako? F*ck I even tried to fix things between me and Luke. Tapos ito ang malalaman ko... He played me.

"Carla..."nadinig kong tawag niya sakin.

"Lubayan mo ko Luke~~Patrick~~whoever you are!"galit kong sigaw. I hate him.. I hate him for taking me away..I hate him for making me leave everyone I care about...And I hate him for tricking me...

"Carla...hindi mo naiintindihan..."sabi niya. Tinitigan ko siya. I see Luke's face. Ang galing niyang manlinlang. Lumapit siya sakin at nagbago nanaman ang kanyang mukha. Ngayon mukha naman ni Patrick ang nakikita ko. Pinigilan ko siyang lumapit sakin.

"Ano pa bang hindi ko naiintindihan?! Its clear that you tricked me! Pinaniwala mo ako na iba si Patrick at iba si Luke! And for f*ck's sake malalaman ko na iisang tao lang sila?! Akala ko iba si Patrick..akala ko karamay ko siya..then sh1t happen. Hiningi mong sumama ako sayo! Pumayag ako! Nagbago ang tingin ko sayo pero mapapatawad pa sana kita eh...Pero ito. Malalaman ko na sa umpisa pa lang pinaglalaruan mo na ako?! Bakit Patrick?! Ano bang ginawa ko sayo para g*guhin mo ako ng ganito?! "Sigaw ko sa kanya.

Ngayon lang ako umiyak sa harap ng ibang tao. Ngayon ko lang pinakita na may kahinaan din ako. Hindi niyo ako masisisi. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito...Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung bakit ganito kasakit.

Bata pa lang ako sanay na ako sa mga taong mapagpanggap. Sanay na ako sa mga mapagkunwaring kaibigan dahil sa pera nila Daddy. Sanay na akong niloloko ng kaibigan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasakit!! Pareho lang naman ito ng dati eh. No. Hindi ito pareho. Ni hindi ko nga kaibigan si Patrick o si Luke eh. Pero bakit parang sinasaksak ako ng paulit ulit tuwing naaalala ko ang panloloko niya sakin?! Ang sakit sakit...

"Oo pinaglaruan kita! Niloko kita! Alam mo kung bakit?! Kasi mahina ka Carla! Mahina kayong magkakaibigan. Kaya para sa isang bampirang tulad ko na mayroong napakalakas na kapangyarihan, isang laro lang ang buhay niyo."sabi niya sakin. Para akong sinaksak sa sinabi niya. Ganun ba talaga ang tingin niya sakin?

"Kaibigan? Anong kinalaman ng mga kaibigan ko dito?"kinakabahang tanong ko. Ngumisi siya sakin.

"Sa tingin mo ba coincidence lang ang lahat? Sa tingin mo ba coincidence ang pagkakapadpad ng kapatid mo sa Hell School? Sa tingin mo, sa dinamidami ng eskwelahan bakit kaya yung inyo ang sinakop namin? Sa tingin mo ba coincidence ang pagkikita niyong magkapatid? Hindi Carla...Simula pa lang, planado ko na ang lahat.."nakangising sabi niya.

"Hayop ka! Ang sama mo! Bakit kami?! Bakit sa dinamidami, kami pa ang naisipan mong paglaruan?!"sigaw ko sa kanya.

"Hindi mo alam?! Bakit kayo?! Alalanin mo si Kiel, Carla! Alalanin mo ang kaibigang pinaglaruan mo! Alalanin mo ang lalaking niloko mo! Alalanin mo si Kiel na iniwan mo!"galit na sigaw niya sakin. Naalala ko ang nakaraan..

------------------------------------------------

"Bata! Bakit ka mag-isa? Ayaw mo bang maglaro?"kulit ko sa isang batang lalaki na mag-isang nakaupo habang naglalaro ng robot.

8 years old ako noon. Tuwing linggo ay pumupunta kami ni Kuya Red sa park para maglaro. Pero isang araw, mayroon akong nakitang batang lalaki na nag-iisang naglalaro. Nilapitan ko siya noon at kinulit hanggang sa naging magkaibigan kami.

Simula noon ay hindi na kami mapaghiwalay. Kiel became my bestfriend. Hanggang sa tumuntong kami ng high school. May isang sikat na grupo noon at gustong gusto kong sumali. Wala kasi akong kaibigan dati bukod kay Kiel dahil lahat sila natatakot sa bodyguards ko.

Vampire's Slave 2: The Twins of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon