Chapter 24: Jane

2.6K 74 4
                                    

"Nasan tayo?"tanong ko sa kanya.

"I dont know anything about dates but I hope this will make you happy."sabi niya habang nakangiti. Nasa tapat kami ng isang malaking mansyon. It looks old and dark. Nakakatakot nga kung tutuusin.

Dinala niya ako sa loob. Kulay black ang wallpaper na medyo sira na. Kung gaano kaliwanag ang araw sa labas, ganun din naman kadilim dito sa loob dahil sa makakapal na kurtinang nakatakip sa mga bintana. Ang nagsisilbing ilaw lang ay ang mga nakasinding kandila.

Tahimik dito sa loob. Dinig na dinig ko ang mga yabag ng aming mga paa. Malamig din dito.

Dinala niya ako sa kusina. May mga nakahandang pagkain sa mahabang mesa. Parang sa ibang lugar kanina sa mansyon, ang ilaw lang din dito ay ang kandila sa mesa at sa pader kaya medyo madilim.

Pinaupo niya ako sa isang dulo ng mesa at sya nmn ay naupo sa kabila kaya naman ay napakalayo namin sa isat isa. Tahimik lang kaming kumain. Wala naman akong masabi para basagin ang katahimikan kaya nanatili nalang akong tahimik.

Maya-maya nagulat ako ng bigla niyang pabalibag na binagsak ang kanyang kutsara't tinidor. Napalingon ako sa kanya pero walang emosyon ang kanyang mukha. Tumayo siya at lumapit sa kinauupuan ko. Nilahad niya ang kamay niya sa akin.

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Magsasayaw tayo."sabi niya. Ibang klase talaga siya. Kung ang iba ay tinatanong ang babae kung maaring magsayaw, siya nmn parang nag-uutos lang.

"Nang walang tugtog?"sabi ko habang nang-aasar na nakangiti sa kanya. Gusto kong makita yung Dylan na carefree. Hindi yung Dylan na ito na masyadong pormal at tensyonado. Napaiwas siya ng tingin sakin.

"Oo nga pala. Tama ka. Psensya na."walang emosyong sabi niya bago siya tumalikod at pumunta sa isang gilid. Napangiti ako. Hindi dahil sa wala siyang emosyon, kundi dahil sa pag-iwas niya ng tingin, nakita ko ang namumula niyang tenga. Nahihiya din pala ang isang Dylan Cruz.

Maya-maya pa ay nadinig ko na ang musika at nasa harap ko na muli si Dylan. Wala din naman akong gaanong alam sa mga date pero talaga bang pang patay ang tugtog kapag nagsasayaw?

Natahimik uli kami habang nagsasayaw. Wala kang ibang madidinig bukod sa musika na akala mo ay mayroong inililibing. Nang matapos ang tugtog ay atsaka lang siya nagsalita.

"May ibibigay nga pala ako sayo. Sandali lang at kukunin ko."sabi niya. Umalis siya saglit at pagbalik niya ay may hawak na siyang mga bulaklak at kendi.

Napangiti ako. Halatang wala siyang alam sa mga ganito pero nag-effort padin siya. Napatingin ako sa bulaklak na hawak ko. Gusto ko sanang matawa dahil nakapaso pa ito pero baka masira ang atmosphere. At kendi? Kung iba siguro ay tsokolate ang ibibigay pero siya...nakakatuwa siya..

"Salamat."iyon nalang ang sinabi ko at nginitian ko siya.

Dylan's POV

Wala akong alam sa ganito. Hindi naman kasi uso ang ganito sa mga demonyo. Ni minsan ay hindi ko ito ginawa maski sa iba ko pang naging kasintahan. Kaya naman nagtanong tanong ako kung ano ano ba ang mga karaniwang ginagawa dito.

Sabi nila karaniwan daw ay kumakain kaya naman ay naghanda ako ng pagkain. Mas romantic daw kung isasayaw ko siya sa isang mabagal na musika kaya naman hinanap ko ang pinakamabagal na kanta na meron ako.

Sabi din nila kailangan daw may bulaklak at tsokolate akong ibibigay. Wala akong tsokolate kaya kendi nalang tutal matamis din naman iyon. Sa bulaklak naman ay kinuha ko ang paso ng pinakamagandang bulaklak ko sa hardin.

Akala ko sapat na pero bakit parang natatawa siya sa bawat gagawin ko? Mali ba ang mga ginagawa ko? Hindi man niya ipakita, halatang inaasar na niya ako sa isipan niya. Ano pa bang kulang? Ginawa ko naman ang mga sinabi sakin ni Light. Bakit parang mali. Ah tama. May isa pa akong hindi nagagawa. Maganda daw kung manonood kami ng pelikula.

Vampire's Slave 2: The Twins of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon