Magkasama sina Carla at Patrick sa balkonahe habang nakatanaw sa papalubog na araw. Magkasama man ang dalawa, pareho nmng malalim ang iniisip.
Hindi alam ni Carla kung tama ba ang kanyang ginagawa. Hindi niya alam kung tama bang maging masaya siya habang naghihirap ang kanyang kapatid. Ganito man ang iniisip niya, hindi rin nmn niya kayang mawalay kay Patrick. Kahit nga napakaarte niya ay hindi na nga siya nagpaligaw dito. Hindi niya kayang iwan ang lalaki. Tawagin na siyang makasarili pero para sa kanya wla nmng maitutulong sa kapatid niya kung hihiwalayan niya ito.
Katulad ni Carla, malalim rin ang iniisip ni Patrick. Gulo. Ito ang nakapalibot sa kanya. Ayaw niyang isama ang dalaga sa gulong nakapalibot sa kanya. Ngunit kay tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito kaya namn sa ngayon ay isinantabi niya muna ang kanyang mga problema at itinuon ang kanyang pansin sa dalaga.
Tinitigan niya ang dalagang kahawak niya ng kamay ngayon. Kung tutuusin ay napakaswerte niya upang mapatawad at mahalin nito sa kabila ng mga kag*guhang ginawa niya dito. Nagulat siya ng biglang magsalita ang dalaga.
"Yung lalaki..yung lalaking tinawag mong Damien..siya ang kumuha sa kapatid ko hindi ba?"mahinang tanong ni Carla.
"Oo"maikling sagot niya. Humigpit ang hawak ni Patrick sa kamay ng dalaga. Nakokonsensya siya. Siya ang dahilan ng paghihirap ng kapatid ng dalaga. Kung hindi lang sana niya hinabol papuntang Hell School si Jane edi sana ay hindi nito nakilala si Damien. Oo siya ang humabol dito. Siya yung baboy damo. Siya ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan ito.
"Ililigtas ko siya.."sabi pa ni Carla. Nagulat siya sa sinabi nito.
"Carla, hindi mo naiintindihan. Makapangyarihan si Damien. Isa siyang taong hindi mo gustong banggain. Hindi siya mag-aalinlangang patayin ka."sabi ni Patrick.
"Bahala na. Gagawan ko ng paraan."sabi ni Carla bago ito pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto nito. Naiwan nmn si Patrick na nakatingin sa ngayong madilim ng langit. Nagsisisi... Nagsisisi sa kanyang ginawa noon dahil sa galit...
Pagkapasok ni Carla sa kanyang kwarto agad siyang napabuntong hininga. Hindi niya kayang maging masaya ng tuluyan hanggat hindi niya naililigtas ang kanyang kapatid.
Mayamaya ay nagulat siya ng may biglang sumira ng pinto ng kanyang kwarto. Agad siyang naging alerto. Sa pintuan ay nakita niya ang lalaking tinawag ni Patrick na Damien.
Lukot ang suot nitong damit. Magulo ang buhok at kulay itim ang mga mata. Agaw pansin din ang mga itim na ugat na nakapalibot sa katawan nito. Mayroon ding itim na usok na lumalabas sa bibig nito. Nagulat siya sa nakita pero hindi siya nito pinansin. Tila may hinahanap ang mga mata nito. Hindi nagtagal ay umalis din ito.
Agad niya itong sinundan at nakita niyang papasok ito sa kwarto ni Jane. Sinubukan niya itong pigilan ngunit nagpalabas ito ng mga flesh eaters.
Sa kabilang banda nmn, kagigising lang ni Jane nang biglang pumasok si Damien sa kanyang kwarto. Napasinghap siya sa itsura nito. Ngayon niya lamang nakita nagbagong anyo si Damien. Tila isa itong halimaw.
Ngunit mas lalo siyang natakot nang mapansin niyang sa kanya ito nakatingin.
Naglakad ito papalapit sa kanya. Sa bawat hakbang nito ay nabibitak ang sahig. Maski ang kulungang salamin ay nabasag ng hawakan ito ni Damien. Sinubukan niyang maghanap ng armas ngunit wla siyang nakita.
Nanlilisik ang mga mata nito nang siya ay hablutin nito. Nilapit nito ang mukha nito sa kanyang leeg at inamoy siya nito.
"Flesh..."sabi nito habang nakadikit parin ang ilong nito sa kanyang leeg. Kinilabutan siya sa boses nito. Malalim, malamig, garalgal at matalim ang boses nito. Nararamdaman niya ang itim na usok na lumalabas sa bibig nito habang humihinga si Damien.
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampireJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...