"Ano ba yan Ken. Ang bagal mo!"mataray kong sabi kay Ken. Nandito ako ngayon sa spa ng school. Kasama ko si Ken. PA ko. Personal Alalay haha.
"Tss akala mo naman maganda."bulong nung babae sa gilid ko. Aba may gusto atang masampolan.
"Ako ba pinaparinggan mo?"mataray kong sabi sa kanya.
"Ay tinamaan ka ba? Sorry ah. Ang pangit mo na nga kasi, ang landi pa. Akala mo naman boyfriend mo si papa Ken. Ambisyosa"sabi nung babae. Aba pinapainit ulo ko nito ah.
"Tapos ka na ba miss whoever you are? Ako naman ah?"sabi ko sa kanya while smiling sweetly. Isa lang ibig sabihin nito, kabahan ka na.
"Ako pangit? Have you checked the mirror sweetie? Kasi kung ako ang basehan ng pangit, baka ang salitang halimaw hindi pa maging sapat para idescribe ka."sabi ko sabay tayo para lumabas na. Wala na ako sa mood.
"And oh by the way sweetie, kung ako malandi ano pa kayang tawag sayo? Higad? Ciao"sabi ko sa kanya sabay alis. Naiwan siya doong namumula sa galit. Ha! Ako pa talaga kinalaban niya. Ako si Carla Gomez. Maganda at mayaman.
"Ken."tawag ko kay Ken.
"Hmmm?"sagot niya sakin habang kumakain siya ng Oreo ice cream. Tss ang takaw talaga ng lalaking ito.
"May balita ka na ba kanila mommy at kuya Red?"tanong ko sa kanya. Matagal ko nang hinahanap ang foster parents ko lalo na si Kuya. Nakakainis kasi yun si Pula. Masyadong workaholic. Nalaman ko na nasa school din siya nung sinakop ang school. Siya kasi ang namamalakad ng school. So yeah kasama siya sa mga naibenta.
"Oh about that. According sa mga sources ko, yung parents mo ay nasa America na. California i think. Yung kuya mo naman, wala akong balita. Wala na kasi akong access sa files dun sa slave market kaya d ko alam kung sino ang nakabili sa kanya."sabi ni Ken habang nakamot ng ulo.
"So kailangan ko talagang makita ang kapatid mo noh para makita ko si kuya..?"mahina kong sabi. Simula nung napunta ako sa wolf territory, hindi ko na uli nakita si Luke. Pero ngayon, mukhang magkikita uli kami...
"Ganun na nga..."sabi niya.
"Kung ganun pagkatapos natin dito sa Saint Loise Academy, babalikan natin ang slave market."desidido kong sabi. Nalaman kasi namin ni Ken na hindi ka maaring lumabas ng school. Naputol nadin ang lahat ng connection namin sa labas dahil dito. Bwiset. May mga trabaho pa naman akong naiwan.
"Para mapabilis ang trabaho, tulungan nalang natin ang kapatid mo!"masayang sabi ni Ken. Sinamaan ko siya ng tingin. Kilala ko itong damuhong ito eh.
"Subukan mong pormahan ang kapatid ko at sasamain ka sakin Ken"banta ko sa kanya.
"Grabe ka naman. Tutulungan lang pinopormahan na agad?"sabi ni Ken sabay pout. The hell! Bakla ba ito?!
"Tara na nga."sabi ko sa kanya sabay alis.
Naglalakad kami papuntang dorm ng makita ko si Jane na papasok ng gubat. I checked my watch. 4pm na. Hapon na. What is she up to? Whatever. Malaki na siya. Kaya na niya yan. Mabuti pa, makapaglibang na nga lang.
"Uy Carla! Bakit ka sumusunod dito sa dorm ko?"takang tanong ni Ken sakin.
"Wala lang"sabi ko habang nakangiti. Nasa dorm B kasi si Ken samantalang ako sa dorm C.
"Bahala ka na nga. Kakain na lang ako ng Oreo."nailing na sabi ni Ken. Alam niya kasi na may kalokohan nanaman akong naisip.
Jane's POV
Pumasok ako sa gubat. Nang medyo nakalayo layo na ako, tumigil ako sa isang puno at kinuha ko doon ang ibang armas kong itinago.
Naglakad lakad lang ako. Tahimik sa gubat na ito. Wala kang ibang madidinig bukod sa tunog ng mga hayop.
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampireJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...