Chapter 32

2.4K 61 4
                                    

Nagising si Carla dahil sa mahinang ingay sa labas ng kanyang tinutulugan. Agad siyang tumayo at sinilip ang kaguluhan sa labas.

Paglabas niya ay naabutan niya ang mga tagasilbi na hindi magkandaugaga sa pag-aayos ng paligid. Nang may madaanan siyang ilang tagasilbi, nagsiyukuan ang mga ito habang nakangiiti ng malawak. Agad siyang tinanong ng mga ito kung may kailangan siya pero tinanggihan niya ang mga ito.

Dumiretso siya sa bulwagan at nakita niya ang iba pang tagasilbi na nagkakabit ng mga dekorasyon.

"Nakita na ang kambal!"dinig niya sa usapan ng ibang tagasilbi. Tila nagdidiwang ang lahat.

Habang naglalakad ay nakita niya ang isa sa itinakda na sinasabi nilang kanyang ina na kausap ni Jane.

"Carla!"sabi nito at agad siyang niyakap nito. Nagulat siya lalo na't hindi pa niya ganun kakilala ang babae pero nagtataka man, hindi siya naiilang sa babae at tila napakagaan ng loob niya dito. Siguro nga ay dahil siya ang kanyang ina.

"Mom..."sabi ni Carla habang nakangiti. Masaya siya. Sa wakas ay nagamit din niya ang tawag na ito nang hindi nag-aalinlangan dahil alam niyang ito ang tunay niyang magulang. Napakasarap sa pakiramdam. Maaring kahapon niya lamang nakilala ang kanyang mga magulang ngunit hindi niya maitatanggi na napapamahal na siya sa mga ito.

"Anong meron?"tanong niya dito.

"Birthday niyo na bukas. And everyone is preparing para sa party niyo ni Jane mamayang gabi."masayang sabi nito.

"Ayos nmn na ang isang maliit na salo salo. Hindi na kailangan ng ganito kaengrandeng selebrasyon."nahihiyang sabi ni Jane.

"Oh no. Kailangan ito. Importante ang 18th birthday niyo. Ito ang araw na magpapalit anyo kayo. So this night is really special."sabi nito habang nakangiti.

"Magpapalit anyo?"takang tanong nila dito. Ngumiti muna si Jade bago ito nagsalita.

"Katulad ko isa rin kayong damphir. Kalahating tao, kalahating bampira. At sa pagsapit niyo ng 18, ito ang oras na makukuha niyo ng buo ang inyong kapangyarihan. Dito magaganap ang inyong transpormasyon. Magiging bampira kayo. Ang pinagkaiba lamang ay hindi niyo kailangang uminom ng dugo para mabuhay at kaya niyo ring mag-anyong tao. Ito ang dahilan kung bakit nagdidiwang ang lahat. Dahil ito ang araw na magiging ganap na bampira ang mga prinsesa nila."sabi ni Jade habang nakangiti. Matapos ang kanilang usapan, nagpaalam ito sa kanila at sinabihan silang mag-ayos na.

Mabilis na lumipas ang oras. Hindi nagtagal ay maggagabi na at maguumpisa na ang kasiyahan. Isang masquerade ball ang party kaya naman pareho silang nakamaskara ni Jane. Kulay pula ang kanyang damit samantalang kulay asul nmn ang kay Jane.

Napatingin sa kanila ang lahat ng pumasok sila ng bulwagan. Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang sayawan. Napakaraming lalaki ang nakipagsayaw sa kanila ni Jane. Nang akala nila ay tapos na, atsaka nmn nagumpisa ang 18 roses.

Nagulat pa sila nang makasayaw nila si Ken, Neil at Tripp. Imbitado din pala ang tatlo. Naalala niya si Patrick. Gusto niyang makasayaw ang binata pero alam niyang hindi ito imbitado. Lumipas ang oras hanggang sa hindi niya namalayan, malapit na palang maghatinggabi.

Pigil ang hininga ng lahat ng biglang lumakas ang hangin. Kasabay nito ang pagbagsak ng kambal. Tila may ipo ipo sa loob ng bulwagan dahil sa hanging bumabalot sa kambal. Nag-uumpisa na ang transpormasyon.

Napahawak si Carla sa kanyang dibdib. Napakabilis ng pintig ng kanyang puso. Ramdam niya ang pagbabagong nagaganap sa kanyang katawan. Masakit. Napakasakit. Pakiramdam niya ay sabay sabay na binabali ang kanyang mga buto. Napahawak siya sa kanyang mga mata dahil pakiramdam niya ay magdudugo ito.

Vampire's Slave 2: The Twins of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon