Jane's POV
"Huh huh huh" takbo lng Jane. Takbo lng. Hingal na hingal na ako. Bwiset kasing baboy damo. Puro puno lang ang nakikita ko. Malamang nasa gubat ako.
[eeeeeek! Eeeek! ]
Paano ko ba maliligaw itong baboy damong 2?! Pagod na pagod na ako kakatakbo sa gubat na 2. Konti nalng at maaabutan na ako ng hayop na 2.
Katangahan nmn kasi eh!
Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong ito?
-------------------------------------------------------
FLASHBACK
"Jane? Anak?"nadinig kong sabi ni Nanay.
"Po?"
"Maghanap ka nmn ng mga panggatong oh. Wla na kasi."
"Ah sige po Nay."sabi ko bago lumabas. Magdidilim nadin kaya nagdala ako ng flashlight
Simple lng buhay ko. Nakatira kmi sa isng maliit na bayan sa gitna ng gubat. May kuryente nmn kht na masyado ng liblib pero d gaano ginagamit. Umiikot ang araw ko sa bayan at gubat lng pero d ako gaano lumalayo. Sabi kasi nila, may mga bampira daw. Mga demonyo, mga ganun pero Psh syempre d ako naniniwala. Siguradong mga panakot lng yun ng mga matatanda sa mga bata d2 samin. Though sigurado akong may mga mabangis na hayop sa gubat.
Ito nmng bayan na ito, maliit lng. Nabubuhay kami sa pagtatanim at panghuhuli ng mabangis na hayop. May eskwelahan din d2. Sabi nila yung mga guro daw na yun ay yung mga pinalad na makapunta sa ibng bayan bago nagkaroon ng gulo mahigit 10 taon na ang nakakalipas. Dun sa eskwelahan ang tinuturo ay english, math, yung mga normal na subjects. Currently 4th year high school ako dun.
Ang pamilya ko nmn ay d mayaman. May sakit si Itay kaya ako ang tumutulong kay Nanay sa gawaing bahay. Katulad nalng ng paghahanap ng panggatong. Hindi ko sila tunay na magulang. Iniwan lng daw ako sa tapat ng kanilang pinto mahigit 10 taon narin ang nakakalipas. Iniwan ako kasama ang isang sulat. Ang sabi sa sulat, ang pangalan ko daw ay Jane. Ako daw ay isa sa~~at doon naputol ang sulat. D din daw nila alam kung ano yung dapat kadugtong. Isa ako sa? Saan? Hindi ko din alam.
Hindi ako galit sa tunay kong magulang. D ko alam kung buhay pa cla. D ko alam kung buhay pa ba ang naghatid sakin sa pinto ng bahay nila Nanay lalo na at may bahid ng dugo ang sulat na iniwan kasama ko. Siguro iniwan ako dun ng tunay kong magulang dahil kailangan hindi dahil sa wla syang pagmamahal sa akin. Atleast yun ang pagpapakahulugan ko dun sa bahid ng dugo sa sulat.
Nand2 ako sa gubat. Nagpupulot ng mga kahoy na pwedeng gawing panggatong.
Ay butiki!
Patay may baboy damo...dahan dahan akong umatras then bigla itong tumakbo papunta sakin. Takbo na!
-------------------------------------------------------
Bwiset nmn oh! Ang dilim na! Ang hirap makita kung saan ako pupunta! Naliligaw na ako.
[Eeeeeek! Eeeeeek!]
Nadidinig ko padin yung tunog ng baboy damo na humahabol sakin. Ayun! Kumokonti na yung mga puno. Baka malapit na ako sa bayan. Ng makalabas ako sa gubat, d na sumunod sakin yung baboy damo. Tumigil ito bigla na para bang natatakot at tumakbo pabalik ng gubat. Hingal na hingal ako.
Lumingon ako sa likod ko at tumambad sakin ang isang malaking gate na medyo naka-awang ang bukasan. Tinignan ko yung sign sa itaas.
HELL SCHOOL
Hell school? May eskwelahan pla d2? Pero cnong matinong tao ang magpapangalan sa eskwelahan nya ng Hell school? Ano impyerno? Weird. Yung gate nya puro baging. Parang abandoned na itong lugar na 2 eh. Madilim na masyado. Mahihirapan na akong makauwi. Siguro d2 na muna ako magpapalipas ng gabi.
Pinasok ko ang gate at tumambad sakin ang isng malawak na patag at sa d kalayuan may mga building. Yung mga building na yun d mo makikita sa labas ng gate. May ilaw yung mga bintana so ibig sabihin may tao? May nagkaklase kasi school dba? Baka pdeng magpalipas muna ako ng gabi d2. Naglakad ako hanggang sa marating ko yung unang building. Pagpasok ko wlang tao sa lobby. Siguro dhl on going ang klase. Dumiretso ako sa loob at pinuntahan ko yung hallway papuntang mga classrooms. Sinilip ko yung bintana ng unang classroom na nakita ko. May klase nga. Puro studyante ang una kong nakita. Sa harap may teacher at may dinedemonstrate sya. D ko makita yung ginagawa nung teacher kaya tumuntong ako sa isng upuan sa labas para matanaw ko yung ginagawa nung teacher. Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Sinakmal ako ng takot.
Sa isng operating table may isng babaeng nakahiga. Sya yung dinedemonstrate nung teacher. Gising yung babae. Nakita ko kung paano sya pilit pumiglas dun sa lamesa. May hawak na patalim yung teacher at ibinaon nya yun sa tyan nung babae. Nakita kong duguan na yung babae na para bang kanina pa ito ginagawa sa kanya bago ko pa makita. Marami nang nakabaon na kutsilyo sa ibat ibang bahagi ng katawan nya. Siguro may 15 na kutsilyo nadin ang nakabaon sa katawan nya. Napalingon sakin yung babae at nakita kong wla na ang isa nyang mata na para bang sapilitan itong dinukot. Gusto kong masuka sa nakikita ko.
Kumuha ng isa pang patalim yung teacher at hinalikan nya yung babae atsaka nya tinarak yung kutsilyo sa lalamunan nito.
[Tswak!]
Nakita kong tumalsik ang dugo ng babae sa mukha nung teacher habang pilit nyang binabaon ang kutsilyo sa lalamunan nito pero d nya pinapansin ang tumatalsik na dugo.
"Run..." Yun yung huling sinabi nung babae sa porma ng bibig nya habang nakatingin sakin bago ito malagutan ng hininga. Napatingin sakin yung teacher at sinakmal ako ng takot. Napaatras ako at nahulog ako sa upuang tinutuntungan ko. Dali dali akong tumakbo pabalik sa labasan pero may tao nadun kaya tumakbo ako sa kabilang direksyon.
Takbo lng ako ng takbo. Pagliko ko sa isang likuan, nabunggo ko ang isng studyante kaya natumba ako. Napatigil ang mga humahabol sakin at yinukuan nila ang binata.
"Master Damien"sabi ng isng humahabol sakin at yumuko. Wla nmng makikitang kahit na anong emosyon sa mukha ng binata. Saglit lng nyang tinignan ang humahabol sakin at binalik nya ang malamig nyang tingin sakin. Tinitigan nya ako. Yung titig na ginagawa ng tao sa isng bagay. Kinikilatis kung maganda ba o matibay. Yung ganong klaseng tingin. Napatitig ako sa itim na itim nyang mata. Nakakatakot. Nakakatakot ang mga matang iyon na para bang kaya ka nyang patayin sa pamamagitan ng tingin lamang. Pero ang mukha nya... Napakakisig. Yung mga tipo ng lalaki na tinitilian at kinahuhumalingan ng mga babae at ang malalamig nyang mga mata ay nakakadagdag pa sa kagwapuhan nya. Matapos nya akong titigan, nilahad nya ang kanyang kamay sa akin. D ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Gusto niya akong tulungang tumayo? Inabot ko ang kamay nya at itinayo nya ako at nilapit sa kanya na halos magdikit ang aming mukha. Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at bumulong.
"Simula ngayon...akin ka na." sabi nya at ako ay nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampirJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...