Tahimik na binabagtas nila Carla ang daan patungo sa mansyon na tinutuluyan ni Patrick. Kanina nang dumating sila sa border ng barrier, agad siyang binitawan ni Patrick. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ng lalaki kanina pero nasaktan siya ng iiwas nito ang kanyang kamay at mauna na itong maglakad.
Mula kanina ay nasa likod lamang siya ng lalaki. Hindi siya iniimik nito at sa tuwing kakausapin niya ito ay maikli lamang ang sagot nito sa kanya. Nasasaktan siya sa pakikitungo sa kanya ni Patrick. Maski ang mukha nito ay hindi makikitaan ng bakas ng emosyon. Hindi niya alam kung anong nangyari. Bakit napakalamig ni Patrick sa kanya?
Hindi dapat ganito...Hindi dapat ganito ang nagmamahalan...
Panandaliang napawi ang lungkot niya ng makita ang mala kastilyong mansyon ng lalaki. Naisip niya kung gaano kayaman ang lalaki sa dami nitong pag-aaring mga ganito kalaking bahay.
Dinala siya ni Patrick sa isang kwarto sa ikalawang palapag.
"Dito ang kwarto mo. May mga damit na diyan. Iwan muna kita. May gagawin pa ako."walang emosyong sabi ni Patrick. Hindi na siya nakasagot dito dahil lumabas na ito agad.
Napabuntong hininga nalng siya upang mabawasan ang bigat sa dibdib niya. Nasasaktan siya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito si Patrick. Bakit pakiramdam niya ay hindi siya gusto ng lalaki dito? Nanatili siyang nakahiga hanggang sa hindi na niya kinaya. Lumabas na siya ng kwarto upang hanapin ang lalaki.
"Miss pinapatawag na po kayo ni Sir Patrick para sa hapunan."magalang na sabi ng isang bampirang kasambahay na nakasalubong niya. Natuwa nmn siya dahil inaya siya ng binata. Masaya siyang nagtungo sa kusina.
"Patrick"masayang bati niya sa binata.
"Kung may kailangan ka sabihin mo nalang kay Jin at siya nang bahala."sabi ni Patrick bago ito tumayo at inilagay sa lababo ang kinainan bago umalis.
"Ako nga po pala si Jin. Ang personal bodyguard niyo po."magalang na sabi ng isang binata. Sa lahat ng tauhan ni Patrick, ito ang mukhang pinakabata. Mukhang kaedad niya lamang ito.
Nadismaya siya dahil hindi niya kasabay si Patrick sa pagkain.
"Kumain na po kayo miss."sabi ng maid at hinainan siya nito ng pagkain. Si Jin nmn ay naupo lamang sa isang tabi habang nangangalikot sa cellphone nito.
Naiinis na siya. Kung tratuhin siya ni Patrick ay tila isa siyang basura na walang halaga. Ginawa niya ang lahat. Siya na nga ang gumagawa ng move samantalang babae siya. At ganito lamang siya tatratuhin ni Patrick? Hindi na niya ito kaya. Ibinalibag niya ang kutsara't tinidor.
"Nasaan si Patrick?"tanong niya sa kasambahay.
"M-Miss hindi niyo pa po nauubos ang pagkain n-niyo"sabi ng maid. Tinitigan niya ang maid ng masama. Napayuko nmn ito.
"N-Nasa o-office niya po"nauutal na sabi nung maid.
"Dalhin mo ako sa kanya."maawtoridad na sabi niya.
"M-Miss a-ayaw po kasi ni s-sir Patrick na may ibang pumupunta sa office niya"nauutal na sabi ng maid sa kanya. Naiinis na siya lalo na't napakarami pang sinasabi ng maid na kaharap niya.
"First of all sino ba ang masusunod sa atin? Ako o ikaw? Second, hindi ako IBA kaya pwede akong pumasok sa office niya. And third, dadalhin mo ba ako sa kanya o gusto mong takutin pa kita?"mataray na sabi ni Carla. Punong puno na siya. Mukha namang natakot ang maid sa sinabi ni Carla.
"S-Sorry po M-Miss. Dito po"sabi nito. Dinala siya nito sa tapat ng isang double door. Bubuksan na niya sana ito pero pinigilan siya uli ng maid.
"M-May kameeting po kasi si s-sir."sabi nito.
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampireJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...