Jane's POV
Hinalikan niya ko.. Bakit niya ako hinalikan? Ano ibig sabihin ng halik na yun? Nangangahulugan ba yun ng pag-ibig? Kamatayan? Ano? Hindi ko alam.
Hindi nagtagal ay lumabas na din si Dylan. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero inilayo ko ito. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako kay Dylan.
Hindi ko nga naman talaga siya kilala. Eh si Damien ba kilala ko? Hindi din naman.
"Galit ka pa rin ba sakin?"tanong ni Dylan habang nakayuko.
"H-Hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi hindi kita kilala. Atsaka may karapatan bang magalit ang isang aliping tulad ko?"tanong ko sa kanya.
"Alam mong hindi kita tinuturing na alipin Jane. At alam mo, sa palagay ko ikaw lang ang nakakakilala sa tunay na ako. Kung ano ako ngayon, ito ako."sabi niya.
"Sorry."sabi ko sabay hawak sa kamay niya. Nginitian niya ako. Tama. Iba siya. Hindi siya katulad ni Damien. Ginugulo lang ako ni Damien.
"Ako dapat ang nag-sorry. Inagawan mo nanaman ako ng linya."sabi niya habang nakangiti.
"Ano ba pinag-usapan niyo kanina?"tanong ko.
"May bagong estudyante"simpleng sagot niya.
"Oh ano meron doon sa estudyante?" Takang tanong ko sa kanya. Natutuwa ako at ayos na kami. Ito siya. Maalaga at sweet and at the same time cold and brutal. Kailangan kong tanggapin na isa siyang demonyo. At kahit anong gawin ko, nasa dugo na niya ang pagpatay. Kahibangan nga siguro pero, tanggap ko siya sa kung ano siya ngayon.
Pumapatay siya oo pero kung kailangan lang. Ito ang kaibahan niya.
"Anong meron sa studyante? The student...is another human."sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ang ibig mo bang sabihin ay katulad ni Tripp?!"gulat na tanong ko sa kanya. Isang tango lang ang isinagot niya sakin.
"Kaklase natin siya"sabi pa niya sakin bago kami pumasok sa susunod niyang klase.
Matatalim na tingin ang ipinukol sa akin ng mga kaklase niya ng pumasok kaming magkahawak ang kamay. Yumuko ako pero pinisil niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Hindi kita ikinakahiya kaya wag kang yumuko."sabi niya sakin habang nakangiti sa akin. Nang dahil sa sinabi niya, matapang kong hinarap ang mga matatalim na tingin sa akin ng mga kaklase niya.
Hawak niya ang kamay ko hanggang sa makarating ang teacher at pumasok ang isang estudyante. Nag-umpisang magbulungan ang mga kaklase niya nang pumasok yung lalaki.
"Ano ito? Isa nanamang tao?! Sigurado akong si Dylan nanaman ang may pakana nito."sabi ng isang kakalase niyang babae. Hindi siya nilingon ni Dylan pero alam kong nadinig niya ang sinabi ng kaklase niyang iyon.
"Silence. Alam kong nagtataka kayo. Ako rin ay nagtataka kung bakit ipinasok ng head master ang estudyanteng ito dito."sabi nung teacher habang nandidiring nakatingin doon sa lalaki.
"Head Master? As in yung tatay ni Damien? Ano bang nangyayari sa eskwelahang ito?"takang tanong ng mga kaklase ni Dylan.
"Hi. Uhmm ako nga pala si Sub."sabi nung lalaki sabay ayos ng salamin niya. Mukha siyang nerd sa totoo lang. Walang pumansin sa kanya kaya naglakad na siya papunta sa mga upuan. Pumunta siya sa isang upuan sa may tabi ng isang babae.
"Umupo ka dito at papatayin kita human."sabi nung babae kaya naman pumunta siya sa upuang nasa harapan ko.
"P-Pwede ba akong maupo dito?"tanong niya kay Dylan. Tumingin muna sakin si Dylan bago siya tumango doon sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampireJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...