Epilogue

4.6K 118 18
                                    

JANE

"D-Damien..?"sabi ni Jane. Nagbalik na ang mga memorya niya. Naaalala na niya ang lahat.

"Jane..."sabi ni Damien na nasa harapan niya. Napakatagal na mula ng makita niya ang lalaki. Tinitigan niya ito at naramdaman niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan.

Tug. Dug. Tug. Dug.

Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Binalot siya ng pagkabigla at takot sa kanyang naramdaman.

"H-Hindi...Mali ito...Si Dylan ang mahal ko..."maluha luhang sabi niya. Mali ito. Hindi dapat. Kilalang kilala niya ang ganitong pakiramdam. Ang huling beses na tumibok ng ganito kabilis ang kanyang puso ay noong...mahalin niya si Dylan. Hindi. Imposible. Imposibleng maramdaman niya ito kay Damien na walang ibang ginawa kundi saktan siya.

Natatakot siya. Hindi kay Damien kundi sa sarili niya at sa kanyang nararamdaman. Natatakot siya dahil pakiramdam niya ay mahal niya ang demonyong nasa harapan niya ngayon. Hindi. Si Dylan ang mahal niya. Ito ang sinasabi ng kanyang isipan ngunit iba ang sinasabi ng kanyang puso.

"Fear...Until now youre still afraid of me...I...Im leaving..."mahinang sabi ni Damien bago ito dahan dahang tumayo.

"Dont"sabi niya bago pa niya mapigilan ang kanyang sarili. Napatakip siya sa kanyang bibig. Bakit niya ito pinigilan? Gusto niyang paalisin ang lalaki pero iba ang ginawa ng kanyang katawan. No it cant be. D maaring totoo ito.

Nag-uumpisa na siyang magpanic. Nagtatalo ang kanyang isip at puso. At unti unting natatalo ng puso niya ang kanyang utak.

Hindi ko siya mahal. Imposible.

'Dahil...mahal kita Jane...'nadinig niya sa kanyang utak ang sinabi ng lalaki kanina at nag-umpisa nanamang kumabog ang kanyang dibdib.

"Mali...Hindi maari...Mali ito..."wala sa sariling sambit ng dalaga. Kita ang pagkagulo sa mukha ni Jane. Nag-umpisang lumakas ang ihip ng hangin. Lumakas ito ng lumakas hanggang sa tila may ipo ipo sa loob ng kwarto. Humarap si Damien kay Jane.

"Anong mali? Anong nangyayari?"tanong ni Damien kay Jane pero tila walang nadinig ang babae. Nag-umpisang umikot ang paligid. Tila nagfaflashback sa paligid nila ang mga nangyari noong nakaraan.

"Hindi! Mali!"umiiyak na sabi ni Jane. Gulat na nakatingin si Damien sa kanilang paligid. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong mahika. Umiikot ang paligid at tila naglalakbay sila sa nakaraan ng napakabilis. Napalingon siya kay Jane at nakita niyang nanlalabo ang pigura nito. Sa takot na mawala nanaman sa kanya ang dalaga, hinawakan niya ang dalawang braso nito at pilit na hinarap sa kanya.

"Anong mali Jane?"sabi ni Damien kay Jane. Dahan dahang tumingin ang mga nanlalaking mata ng dalaga sa kanya.

"Mali...Mali ang nararamdaman ko sayo...Mali ang mahalin kita..."mahinang sabi ni Jane habang nakatingin sa mga mata ni Damien.

"M-Mahal mo ako?"d makapaniwalang sabi ni Damien. Tumigil sa pag-ikot ang paligid at nilamon sila ng kadiliman.

DAMIEN

Noon pa man ay mayroon na siyang kakaibang nararamdaman sa dalaga. Naguguluhan siya noon. Isa siyang demonyo at bago sa kanya ang kanyang nararamdaman. Lumipas ang panahon na magkasama sila ng dalaga. He ignored it thinking it will pass but it didnt. He treated her different. Like a priced valuable he owns. Dinadamitan niya ito ng mga magagandang damit at sinisiguradong walang ibang demonyong o ano mang nilalang ang kukuha dito sa kanya. Kanya si Jane. Pag-aari niya ito at walang maaring kumuha nito sa kanya. Ganito niya pinakita ang pagpapahalaga niya dito.

Ito ang nasa isip niya habang unti unti silang binabalot ng dilim.

He would beat her so she wont escape and for her to stay by his side. He thought its good. He thought she understands what he feels towards her because she never left. He killed her spirit so she will stay with him. Akala niya sa ganitong paraan ay mananatili si Jane sa kanya pero nagkamali siya. Kinamuhian siya ni Jane. Ang inakala niyang pagmamahal sa kanya ng dalaga ay galit at takot lang pala. Para siyang pinatay ng nalaman niya ito.

Vampire's Slave 2: The Twins of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon