Carla's POV
"Carla. Anong kailangan mo?"takang tanong sakin ni Ken nang bigla ko nalang sila istorbohin sa training room. Nginitian ko nalang siya at binaling ko ang tingin ko kay Luke.
"L-Luke? Pwede ba tayong mag-usap..?"seryosong tanong ko sa kanya. Tumango lang sa kanya si Ken at lumabas naman siya kasama ko. Pagkasara na pagkasara ng pinto ay isa lang ang kanyang sinabi.
"Rule 1"walang emosyong sabi niya bago siya tumalikod. I just rolled my eyes. Yeah rule no. 1. Hindi ko siya kakausapin pero~~ bago pa siya makalayo, agad ko siyang hinawakan sa braso.
"Luke. Please. Just this once."pigil ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon pero hindi rin siya umalis. I guess he's listening. Humugot muna ako ng hininga bago magsalita. Here goes nothing.
"Luke pwede ba ako humingi sayo ng pabor? Uhmm paki bigay naman ito kay Ken bukas oh."mahina kong sabi sabay abot sa kanya ng isang sulat.
Anim na araw na ang lumipas mula nung araw na yun. Naging maayos naman ang lahat maski ang so called 'friendship' namin ni Luke. Tuwing may sasabihin siya, lagi ko nalang sinasang-ayunan kahit labag sa loob ko. Oo. Masakit mang isipin, sinunod ko ang mga rules niya.
Ngayon na ang aking huling araw...mamaya aalis na ako... Hindi ko kayang magpaalam sa kanila ng harapan dahil alam kong pipigilan nila ako kaya naman naisipan kong isulat nalang ito.
"Kung love letter yan para sa kapatid ko, bakit hindi nalang ikaw ang magbigay? Hindi yung pati ako dinadamay mo diyan sa kabaliwan mo."inis na sabi niya bago niya tabigin ang kamay kong nakahawak sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Agad ko naman siyang hinabol.
"Luke! Please wait! Hindi ito love letter."sabi ko sabay pigil uli sa kanya. Tinitigan ko ang kanyang likod. Si Luke ito. Wala siyang pakialam sakin. Wala siyang pakialam kahit na umalis ako. Baka nga matuwa pa siya eh. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya ang binabalak kong pag-alis. Makakatulong din ito para pumayag siyang iabot kanila Ken ang sulat.
"Hindi ba gusto mo na akong mawala? Hindi ba gusto mo nang layuan ko na kayong magkapatid?"tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa tanong ko. Silence means yes...
"Gagawin ko na Luke..Hinding hindi niyo na ako ulit makikita. Im leaving Luke... Kaya naman please, for the last time, do this for me. Pakiabot itong sulat sa kapatid mo."sabi ko habang nakayuko.
Naramdaman kong humarap siya sakin.
"Y-Youre crying.."d makapaniwalang sagot niya. Atsaka ko lang napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Pinahid ko ito pero ayaw nilang tumigil sa pagbagsak. The thought of leaving everyone behind is just too d*mn painful...
"Ganun ba kasakit ang iwan sila..? Na maski ang dakilang si Carla ay umiiyak..?"mahinang bulong niya habang nakayuko.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at kunin niya ang sulat. Binulsa niya ito at inabutan ako ng panyo bago siya tahimik na naglakad palayo. Bago siya tumalikod, I saw guilt in his eyes pero agad din naman itong nawala. Guilt? For what?
Dumiretso ako sa gubat.
"Masaya ka na?! Iiwan ko na silang lahat! Iiwan ko na silang lahat..."sigaw ko sa hangin habang umiiyak bago ko inilabas ang rosas na ibinigay sakin ni Patrick. Akala ko dati magiging karamay ko si Patrick...Akala ko lang pala...
"I hate you..."bulong ko bago ko binali ang tangkay ng bulaklak. Matapos nito ay nangamoy bulaklak ang paligid at sa isang iglap ay naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likod ko. Nilingon ko ito at nagulat ako sa nakita ko.
"L-Luke? A-Anong ginagawa mo dito..?"
Patrick's POV
"L-Luke? A-Anong ginagawa mo dito..?"gulat na tanong niya.
"Hindi ba't sinabi ko sayo na kapag binali mo ang tangkay ay darating ako..?"walang emosyon kong sagot. Nakita kong mas lalo siyang naguluhan sa sinabi ko kaya naman ibinalik ko sa dati ang aking anyo. Unti unting nagbago ang anyo ng aking mukha at hindi nagtagal ay ang mukha ni Luke ay napalitan na ng mukha ni Patrick. Isa ito sa kakayahan ko. Kaya kong magpalit ng anyo kahit kailan ko gusto.
Nakita kong nagulat siya sa kanyang nasaksihan.
"P-Paanong..?"gulat na tanong niya. Nilapit ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong.
"Hindi mo parin ba naiintindihan Carla? Ang kinikilala mong Luke at Patrick ay iisa.."walang emosyon kong bulong sa kanya.
Jane's POV
Kinapa ko ang aking leeg. Nakakabit nanaman dito ang kwintas na suot ko noon sa Hell School. Ang kwintas na nagpapakita na pag-aari ako ni Damien. Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo nadin mula noong nagkita kami ni Damien. Ang huli naming pagkikita ay noon pang ikinabit niya sakin ang kwintas.
Nagulat ako nang may lalaking nakaitim na suit ang pumasok.
"Pinapatawag ka ni Master Damien."sabi nito at iginiya niya ako palabas ng kulungan. Dinala niya ako sa tapat ng isang malaking double door. Itinulak niya ako kaya naman ay binuksan ko ito at pumasok sa loob ng napakalaking kwarto.
Sa loob ay nakita ko si Damien. Nakatayo siya doon habang nakatingin sa napakalaking bintana. Pagpasok ko ay agad niya akong hinarap.
"Katulad ng dati ay nandito ka para pagsilbihan ako."walang emosyong sabi niya. Kung ako ang dating Jane, malamang nanginig na ako sa takot dahil sa mga malalamig niyang mga mata. Pero hinde. Nagbago na ako. Imbes na matakot ay nginisian ko siya.
"Kahit anong gawin mo Damien, hinding hindi kita susundin. Kaya nag-aaksaya ka lang ng panahon."sabi ko sa kanya habang nakangisi padin. Nanatili namang blangko ang kanyang mukha.
"Ang laki na talaga ng pinagbago mo.."sabi pa niya. Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya. Tama yan Damien. Hindi na ako ang dating Jane na mahina. Hindi na ako natatakot sa kanya.
"Naalala mo ba noong huling beses mo akong tinawag sa aking pangalan? Mukhang nakalimutan mo na ang leksyong itinuro ko sayo noon. Hayaan mong ipaalala ko sayo."malamig niyang sabi. Ngumisi lang ako. Hindi na niya ako matatakot. Kaya ko nang protektahan ang sarili ko.
"Hindi na ako natatakot sayo Damie~~"
[Tswak!]
Nanlaki ang aking mga mata at napatingin ako sa duguan kong binti.
"Aaaahhh!!"napasigaw nalang ako sa sakit. Napaupo ako habang hawak ang duguan kong binti. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang sakit. Mula sa bakal na ikinabit sakin noon nung mga lalaking nakalab coat, may lumabas na isang patalim na parang isang napakahabang pako at bumaon ito sa aking binti. Nakita ko ang pagtagos nito sa aking laman.
Tinignan ko si Damien at nakita kong may hawak siya na kung anong remote. Pinindot niya ito at naramdaman ko nanaman ang pagbaon ng isa pang patalim.
"Aaah!"napasigaw ako muli dahil sa sakit. Nakita kong pipindutin niya ito muli kaya sumigaw ako.
"Tama na Damien!"pagmamakaawa ko pero pinindot parin niya ito.
"Aaaahhh!"sigaw ko muli. Dirediretso ang pagtulo ng dugo mula sa mga patalim na nakabaon. Sinubukan kong tanggalin ang mga nakakabit sa aking mga binti pero hindi sila matanggal.
"Ano nga uli ang tawag mo sa akin?"malamig niyang tanong. Habang naglalaro ang kanyang daliri sa remote. Alam kong kapag hindi niya nagustuhan ang sagot ko ay pipindutin niya ito muli.
"T-Tama na...Pakiusap tama na..."umiiyak kong pakiusap. Pinindot niya ito uli at sa ika-apat na pagkakataon ay napasigaw ako muli sa pagbaon ng patalim. Napakasakit na..Halos hindi ko na nga magalaw ang paa ko dahil sa sakit.
"Ano nga uli iyon..?"malamig niyang tanong. Tinignan ko siya...wala siyang puso..
"Tama na...Tama na...M-Master Damien..."mahinang bulong ko habang patuloy sa pag-iyak.
-------------------------------------------------------------
The update. Just as I promised. Sorry ito lang nakayanan ng brain cells ko eh peace! ^o^V
VOTE|COMMENT|FOLLOW
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampireJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...