Chapter 34

3K 69 4
                                    

3 weeks later

"Tito aalis na muna ako."sabi ni Carla sabay halik sa pisngi ni Nick.

"Nagpaalam ka na ba sa papa mo?"tanong nmn ni Nick. Biglang nagbago ang ekspresyon ni Carla.

"Matagal na akong wlang ama tito."sabi ni Carla bago ito tumalikod.

"Dont be too hard on him. He's grieving too. Kailangan ka niya. Lalo na ngayon..Kahit ngayon lang Carla, bisitahin mo ang papa mo."pahabol ni Nick. Tuluyan nang umalis si Carla.

Tatlong linggo na ang nakalilipas mula ng maghiwalay sila ni Patrick. Sa loob ng tatlong linggo mula ng siya'y bumalik ay hindi pa niya uli nakita ang kanyang ama. Ni minsan ay hindi ito lumabas ng kwarto nito. Dinadalhan ito ng pagkain ng ilang mga katulong pero hindi ito nakakapasok sa kwarto. Maski ang kanyang tito ay hindi rin makatuloy.

Simula din noon ay lagi siyang pinapaalalahan ng kanyang tito na bisitahin ang ama pero ni minsan ay hindi niya ito ginawa. Simula noong pinaalis nito ang kanyang ina at kapatid at iniwan nito sa kanya ang lahat ng trabaho sa kaharian ay kinalimutan na niyang may tatay pa siya. Pero sa di malamang dahilan, binabagabag siya ng sinabi ng kanyang tito. Napabuntong hininga nalng siya.

Nagtataka siya kung bakit ganito umakto ang kanyang ama kung sa umpisa pa lang naman ay ito ang nagpaalis sa kanyang kapatid at ina. Nagtataka siya kung bakit kung umakto ito ay tila nagdadalamhati ito sa pagkawala ng kanyang ina. Dala ng kuryosidad, naisipan niyang puntahan ang kwarto nito. Kinatok niya ang pinto ngunit walang sumagot. Mas pinakinggan niya ang nangyayari sa loob at nadinig niya ang pagkabasag ng ilang mga gamit na tila ibinato ang mga ito. Mayamaya ay biglang nanahimik ang kwarto. Nangunot ang kanyang noo at dalidali niyang binuksan ang pinto ng kwarto.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay umalingasaw kaagad ang amoy ng alak. Madilim ang kwarto. Walang maski katiting na ilaw. Kapansin pansin din ang nagkalat na mga gamit at bote ng alak. Sira at nakataob ang karamihan sa mga kagamitan at basag naman ang iba.

Nilibot niya ang kanyang paningin at nakita niya ang kanyang ama. Nakaupo ito sa sahig habang nakasandal sa paanan ng kama. Magulo ang buhok nito at namumula ang mga mata na mukhang nanggaling sa iyak. Nakahawak ang isang kamay nito sa noo habang nakatitig sa dalawang singsing na nasa kamay nito. Puno ng kalungkutan at pagsisisi ang mukha nito.

Ikinuyom nito ang mga palad sa mga singsing at napapikit ito.

"Naging mahina ako...Patawarin niyo ako..."bulong nito bago tumulo ang luha nito. Nagulat siya sa nakita. Isang napakamakapangyarihang lalaki ay lumuluha para sa isang babae. Sa mga panahong ito ay nagtataka na siya. Kitang kita niya na mahal na mahal ng kanyang ama ang kanyang ina kaya nmn ay hindi niya maintindihan kung bakit nagawa nitong palayasin ang kanyang ina't kapatid. Sigurado siyang mayroon pang ibang dahilan bukod sa pagiging tao ni Jane pero...ano?

Napalingon ito sa kanya.

"Jade?"puno ng kalungkutang sambit nito. Agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya nito.

"Patawarin mo ako...Naging mahina ako...Hindi ko kayo naprotektahan..."sabi nito habang nakayakap sa kanya. Ramdam niya ang pagkabasa ng kanyang balikat dahil sa luha ng kanyang ama.

"H-Hindi ako si mama..."mahinang sabi niya habang unti unting kumakawala sa kanya ang ama. Sigurado siyang nasa ilalim ito ng impluwensya ng alak. Kumawala ito sa kanya at naupo muli. Kita niya ang pagtulo ng luha nito.

"A-Alis na ako..."nauutal na sabi ni Carla bago siya nagmamadaling lumabas ng kwarto. Hindi niya na kayang makitang ganun kawasak ang kanyang ama. Sa kanyang paglabas ay hindi sinasadyang nakabungguan niya si Nick.

"Tito.."sabi niya. Nakita ng tito niya na nanggaling siya sa kwarto ng kanyang ama.

"Carla..."sabi nito. Nakita niya ang paghihirap sa mukha ng kanyang tito dahil sa pinagdadaanan ng kanyang ama.

Vampire's Slave 2: The Twins of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon