Marami ang nagbago. Kung dati ay nagtitinginan ang lahat tuwing dadaan si Jane, ngayon naagaw ni Tripp ang lahat ng atensyon. Nagtataka ang lahat kung paano naging estudyante ng eskwelahan ang isang tao lalo na at nasanay sila na alipin lang ang mga ito.
Isa pang pagbabago ay ang pagiging malayo ni Jane kay Dylan. Sa tuwing lalapit kasi si Dylan para makipag-usap, napapatigil agad siya tuwing nakikita niya ang takot sa mga mata nito. Para itong isang kuting. Naliligaw. Natatakot sa mga mababangis na hayop na maaring kumitil sa kanya.
Nasasaktan siya. Hindi naman ganyan ang tingin sa kanya ni Jane dati. Hindi siya sanay na takot ito sa kanya. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ito natatakot. Ano naman kung pumatay siya sa harap nito? Hindi naman na lihim dito na isa siyang demonyo. At ang pagpatay ay normal lang para sa mga katulad niya. Isa pa ay hindi na ito bago. Pumatay nadin siya noon at alam din iyon ni Jane. Yung tatlong studyanteng gumalaw kay Jane. Pinatay niya ang mga iyon at pinugutan ng ulo. Ipinadala pa nga niya sa kwarto nito ang mga ulo nito bilang regalo kaya hindi na bago ang pagpatay sa kanya. Ano ba ang kaibahan ngayon at natatakot ito sa kanya.
Maingay ang mga studyante sa classroom nila. Lahat ng atensyon ay nakapokus kay Tripp na prenteng nakaupo habang nakataas pa ang mga paa at mukhang natutulog.
"Hindi ko alam kung paano nakapasok bilang isang estudyante ang taong iyan dito pero sisiguraduhin ko na matatapos agad ang buhay niya."sabi ng isang babae.
"Ano ka ba naman Leila, maganda nga yun eh. May mapaglilibangan tayo. Basta akin siya. Gusto ko siyang maging alipin"sabi pa ng isa pang kaklase nilang babae.
Hindi manlang napansin ng mga studyante ang pagdating ni Dylan at ni Jane. Masyado silang nakapokus kay Tripp.
"Bahala ka. Basta papatayin ko na sya."sabi nung babaeng nagngangalang Leila. Naglabas ng isang boteng may lamang asido yung babae habang nakangisi at nakatingin sa natutulog na si Tripp. Gustong sumigaw ni Jane para sana babalaan si Tripp pero mas mabilis si Tripp.
Nang akmang ibubuhos na nung babae yung asido,mabilis pa sa hangin ay nakuha na kaagad ni Tripp ang kutsilyo sa kanyang belt at initsa ito sa babae. Bumaon ang kutsilyo sa lalamunan nung babae. Gulat na gulat pa ito habang hawak ang nagdudugo niyang lalamunan at unti unting bumabagsak kasama ang boteng may asido. Bago pa man bumagsak sa sahig ang babae ay nagliyab ito bago tuluyang naglaho ang katawan.
"Ang ganda naman ng pambati niyo sakin. Papatayin niyo agad ako. Ito ang gusto ko sa mga demonyo eh. Hindi makalat ang pagkamatay ninyo. Magliliyab at maglalaho. Wala akong problema sa basura"sabi ni Tripp habang pinupulot niya ang yung kanyang kutsilyo sa sahig na nababalutan ng itim na likido.
Ito ang pinagkaiba ng tao sa demonyo. Ang demonyo pagnamatay, masusunog lang at maglalaho. Pwera nalang kung puputulin mo ang isang parte ng katawan nito. Ang parteng ito ay mananatiling buo. Kulay itim naman ang dugo ng demonyo imbes na pula.
Hindi malaman ni Jane kung uupo ba siya sa dati niyang upuan o hinde. Kung doon siya uupo, siguradong katabi niya si Dylan. Kung hindi naman, natatakot siya at baka magalit ito. Sa isang banda, iba padin ang tingin niya kay Dylan. Kahit na nakita na niya itong pumatay sa harap niya, iba padin talaga ang tingin niya dito kumpara sa ibang demonyo. Gusto man niyang ibalik ang closeness nila dati, hindi niya magawa dahil aminado siya na natatakot siya dito.
Napagdesisyonan ni Jane na dumiretso sa likod kung saan nandun ang iba pang slave na tulad niya. Nakatatlong hakbang palang siya ng mag-salita si Dylan.
"Huwag ka nang magtangkang maupo sa likod para lang iwasan ako. Ayokong may nakakatabi kang iba."sabi ni Dylan.
Nanigas siya sa kinatatayuan niya at dahan dahang bumalik at naupo sa dati niyang puwesto. Nakayuko siya pero inaabangan niya ang pag-upo ni Dylan sa katabi niyang upuan. Pero laking gulat niya nang lampasan siya ni Dylan at dumiretso ito sa likod. Sa upuan ng mga alipin. Doon ito naupo. Napatitig siya dito at nakatingin din naman ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampiroJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...