Sakit. Ito ang unang naramdaman ni Jane ng magising ang kanyang diwa. Napakasakit ng kanyang katawan. Hindi siya makagalaw sa sobrang sakit. Maski ang imulat ang kanyang mga mata ay hindi niya magawa.
May nadidinig siyang mga boses sa kanyang paligid. May sumisigaw. May umiiyak.
"Carlo ayaw tanggapin ng katawan niya ang kapangyarihan ko!"dinig niyang sabi ng isang babae habang humahagulgol ng iyak. Matapos nito ay nakarinig siya ng tunog ng mga bagay na nasisira.
"Carlo kumalma ka!"nadinig niyang sigaw ng isang lalaki.
"Paano ako kakalma kung nag-aagaw buhay ang anak ko?! Ha sabihin mo nga Nick!"dinig niyang sigaw pa ng isang lalaki.
Unti unting nanlalamig ang kanyang katawan. Kasabay nito, ang knyang pamamanhid. Unti unting nagiging payapa ang paligid. Unti unti siyang bumabalik sa pagkakahimbing.
"Carlo! Si Jane!"dinig niyang sigaw uli ng babae at mas lalo itong umiyak. Jane? Hindi ba ako yun? Ito ang nasa isip ni Jane habang unti unti siyang hinahatak ng pagkahimbing.
"Shit!"dinig niyang sabi ng isang lalaki at mayamaya may naramdaman siyng humawak sa magkabila niyang kamay. Its warm at kumakalat ito sa buo niyang katawan pero mabilis din nmng natatabunan ng lamig.
"Carlo ayaw parin niyang tanggapin ang kapangyarihan ko!"sigw uli ng babae. Naramdaman niya uli ang init ngunit mabilis din itong nawala.
Wala na siyang nararamdamang sakit. Napakapayapa ng lahat. Unti unting humihina ang mga boses...Gusto na niyang mahimbing muli.
"Shit I cant feel her pulse. Wag kang bibitaw anak. Wag kang bibitaw."dinig niya ang papahinang boses sa kanyang paligid hanggang sa tuluyan na siyang wlang narinig. Unti unti na siyang nahihimbing nang may nakita siyang imahe sa gitna ng kadiliman
"Ganun na lang yun? Youre leaving?"dinig niyang sabi ng lalaki sa hrap niya.
"Dylan? No. Hindi ako aalis. Magpapahinga lang ako sandali..."she said sleepily.
"But if you sleep hindi na tayo magkikita uli. You'll go into the light. At alam mo nmng hindi ako pwede sa liwanag."sabi ni Dylan. Nanghihina na siya. Gusto na niyang mahimbing pero hindi niya magawa dahil kay Dylan.
"I love you Dylan. Hindi kita iiwan. Matutulog lang ako sandali.."sabi niya dito at unti unti nanamn siyang hinahatak ng pagkahimbing.
"Wait. Dont go...Youre mine Jane...You cant go..."sabi ni...Damien? Huh?
Ang natatandaan niya ay si Dylan ang kaharap niya kanina. Ngayon biglang si Damien na.
"Mahal na mahal kita Jane...Hanggang sa puntong kaya kong baguhin ang sarili ko para sayo..Dont go..."sabi ni Damien at nilahad nito ang kamay nito sa kanya. Napakunot ang kanyang noo.
"Take my hand Jane...dont go please...I'll die if you leave.."sabi pa nito sa malungkot na boses habang nakalahad ang kamay sa kanya.
"But...Im just going to sleep.."naguguluhang sabi niya dito.
"Take my hand..."sabi pa ni Damien. Gustong gusto na niyang mahimbing. Pagod na ang kanyang katawan pero nang makita niya ang malungkot na mukha ni Damien, hindi niya ito magawang tanggihan. Hindi rin siya natatakot dito. At bago siya lamunin ng pagkahimbing, inabot niya ang kamay ni Damien.
Nang magdikit ang kanilang palad, para siyang hinila pabalik at napabalikwas siya ng bangon.
"Damien."sambit niya pagmulat ng kanyang mata. Isang panaginip?
"Shit. Thank God..."sabi ng isang lalaki. Agad siyang napalingon sa lalaking nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan niya. You could see relief in his eyes.
BINABASA MO ANG
Vampire's Slave 2: The Twins of Time
VampirosJane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him to end my life...But then i experienced love... Carla: To love is hard enough..But to love a crimina...