#ITNOLWayBackFifteenYears
A/N: Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
15 years ago.
Finally, I'm free! Katatapos lang ng first sem and sembreak is in my hands now. I'm in my 4th year of doctorateship, gagraduate na ako. Pauwi na sana ako nang may narinig akong tumawag sa'kin. "Regine!"
Agad ko naman nilingon para malaman kung sino ito. "Michelle?" Hingal na hingal itong lumapit sa'kin. What's with all the rush ba?
"Buti nalang naabutan pa kita. Walwal tayo sis!" She clutched my arms around hers. Napangiti naman ako sa ideya niya. Hmm, not bad.
"Sino kasama natin?" I asked her to be sure. Baka eto na namang mga ka-blockmates niyang mga may saltik sa utak. I once went with them but everything just blew up.
"Lani, Pops, Lea, Aga, Janno, Martin, Herminio, and a friend daw?" Mich spoke.
Herminio.
Herminio Jose Alcasid.
"Mga tropa natin nung high school," wala sa wisyo kong sambit.
"Oh? Natulala ka dyan?" She looked at me. "Ay alam ko na. Curious ka kung sinong 'friend' yun no? Ayieeeee! Taga ibang branch daw yun ng University kaya madaling nakatransfer dito. Palipat-lipat kasi ng bahay kaya ayan," kinurot niya ang tagiliran ko. Patuloy lang ako sa paglalakad.
They never knew that I'm in love with Ogie Alcasid. Ba't ko naman hahadlangan ang pagmamahalan nila ng bestfriend ko? Ever since the group was formed, I was just a display. A nuisance. Tsaka from the start, they are together. Sila na talaga, hanggang sa kahuli-hulihang sandali. Sabi ni Michelle, pang-forever na talaga si Ogie para sa kanya; and so does Ogie too. Who am I to break that kind of connection? Masaya ako para sa kanilang dalawa. Masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Mich at agad pumunta doon sa bar na kung saan magkikita ang tropa. Medyo maliit lang pero sobrang enjoy dito kasi may mga separated rooms kada cubicle. Parang KTV bar, ganun. Hindi naman sa lagian kami dito but we really are religious on going here every end of the semester. Naging nakasanayan na rin. Pampatanggal stress.
Never thought Michelle already booked a room for us. Hinila na niya ako agad agad para maglakad. Karamihan, mga estudyante ang nasa loob ng cubicle. Then we stopped walking and found ourselves in front of a door. A red one. Binuksan ito ni Michelle nang marahan and saw the troops' wavered eyes, as if they're so enchanted to see us both.
"Regine!" Halos lumundag sa'kin si Lea sa aktibong pagkakayakap sa'kin. Sira ulo talaga tong bobitang to kahit kailan. I just smiled at her gesture. "Kamusta ka na? Miss na miss na miss na miss ka na namin ni Pops! Nagsasawa na nga ako sa itsura niyan e. Hmp." Napatingin ako sa dalawa at nagirapan. Jusko, hahahaha!
BINABASA MO ANG
In The Name of Love (COMPLETED)
Romance"Masaya ka na? Nakuha mo na ang gusto mo Regine. I'll make your life a living hell; sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo sa piling ko." The woman who sacrificed herself on this marriage, na kahit labag sa kalooban ng isa ay nagpatuloy...