Chapter 17

965 40 16
                                    

#ITNOLConsultation

A/N: Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

-

"Mm? You called?"

"Hi, I received your velvet macarons." I informed the other line. "Sorry, ngayon lang nakatawag since something came up. I am pretty sure those macarons didn't came from the café, san mo nakuha yung mga yun 'ha?"

"I snatched it from Trina's table." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Sakto namang red light at napahinto ako sa pag-ddrive. Jusko!

"Anong katangahan ang pumasok sa utak mo ha? You got something away from Trina without even her knowing. Kawawa naman yung tao, para kaya sa kanya yun." sabat ko sa asawa ko. Tama nga si Trina, ugok talaga siya. Minsan.

"Pinalitan ko naman e. Napilitan lang akong kunin yun kasi favorite mo yun. Tsaka, nagustuhan mo naman diba? Hehe." he said in a persuasive voice.

"Ang yaman-yaman mo, di ka makabili nun! Papapalitan ko yun bukas, I'll give something to Trina, nakakaloka ka minsan Ogie ha. Maghinay-hinay ka sa mga kalokohan mo." I said. The light went back to green and I steered the wheel again.

"Opo, sorry po. Hindi na mauulit, ma'am." he seriously said but failed to maintain it. Gago talaga e. "I heard some cars on your background. Where are you going?"

"Pauwi na ako," I made a right turn to the subdivision I'm in. "Papasok na ako ng subdivision. Are you going home tonight?"

"Yes. I would never miss any of your cookings from now on." he let out a sweet laugh. Damn. How I love this man.

"Good, I'll cook pagdating ng bahay. Tsaka may sasabihin kasi ako sa'yo e." I informed him ahead of time.

"Okay, let's talk about it at dinner. Mga 8 siguro makakauwi na ako dyan. So see you later?" he replied.

"See you later. Ingat ka ha, I love you." I said. I ended the call since nakarating na ako ng bahay.

Pinark ko ang sasakyan sa garahe at bumaba na rito. The maids got my things from the car and went straight to my office. Bago ako pumunta ng kusina ay ni-bun ko muna ang mahaba at nakalugay kong buhok. Time check, 6 at the evening. I have sufficient time to prepare and I got the ingredients that I need. So I guess I'm ready to go.

Let's leave myself as a doctor at magpapaka-asawa muna ako sa mga sandaling to.

Kinuha ko na ang mga rekados sa ref at nagsimulang maghiwa. My attention diverted to my vibrating phone and it was the two gals ringing me for FaceTime. Naghahanap naman ako ng masasandalan ng phone and I chose to stand it by the big cabbage. Sinagot ko ang tawag at binaling ulit ang atensyon sa paghihiwa.

"Ay pak, nagluluto si huwarang maybahay!" Pang-aasar ni Lea.

"Gaga," I retorted. "Ano bang meron at napatawag kayo?"

"Jusko Reg, kunin mo na kami dito please." Ha? "Andito kasi yung tatay ni  Piolo, nakakaloka pinagsisita kaming lahat dito! Bad mood si Tatay e. Ikaw lang ata di sisitahin nun for sure. Favorite ka nun e." Pops frustrately said.

"Sus, parang di pa kayo nasanay." sinalang ko na lahat ng rekados sa kawali at nagsimulang magluto.

Nagkibit-balikat si Pops. "Bakit ba kasi ang aga ng offs mo tuwing Tuesday? Nakakainis tuloy. Every Tuesday nalang kaming lahat dehado dito. Hmp." Sinabihan ko si Manang kung tapos na ba ang sinasaing niya, and well it's already done.

In The Name of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon