#ITNOLItsAllComingBackToMe
A/N: May aalis, at magbabalik. Here's the next update! Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
Welcome aboard, passengers.
Rinig kong sabi ng intercom ng eroplano. Yes, I'm now inside the airplane. Biglaan man pero right after they called me, I immediately booked a flight two days after that and the same day nag file kaagad ako ng tatlong buwan na leave na madali namang na-aprubahan sa tulong na rin ni Robin. Yes, leave lang. Hindi pa ako aalis ng London. Babalik ako dito in three months time. Pupunta lang ako ng Pinas dahil aattend ako ng wedding. Yun lang, walang labis walang kulang.
Robin's not going with me. Gusto ko man siyang isama para naman may kasama ako at makilala rin siya ng mga kaibigan ko, but he has a lot of work to do. Tsaka tinatamad daw. Amputa, anong klaseng rason yun diba? Hindi ko naman pinilit na kasi magagalit sakin yun. So, I'm trying to keep calm since I'll handle things in the Philippines all by myself. Mag-isa akong kakayod, mag-isa akong makikipaghalubilo at mag-isa akong tatayo ulit.
Hindi na ako mabibigla kung andun si Ogie. Of course, kabilang siya sa circle of friends. Hindi siya pwedeng kalimutan ni Lea, tatadtarin pa ako ng asar ng dalawang bobitang yon. Hindi na rin ako mabibigla kung balak nila kaming pagbalikin ulit dalawa ni Ogie, edi sige go, let them do what they want. Alam ko ang mga limitasyon ko, alam ko ang tama at mali, alam ko ang dapat sa hindi dapat gawin. Kung hindi nila maintindihan ang salitang 'tapos na', bahala na sila sa buhay nila.
One reason why I'm coming back also is to see Sarah. Gusto ko na siyang makita, mayakap, makausap, makatabi sa pagtulog, lahat lahat na. Sobrang dami ko ng utang sa kanya. I know she's a big fine lady now pero anak ko pa rin siya at nangangailangan pa rin siya ng kalinga ng kanyang ina. I should give her what she deserves for being a great child to me. Siya ang buhay ko. Siya ang mundo ko.
Nadama kong may umupo sa aking tabi. I looked at that someone, and it was a man. May newspaper ito sa mukha, halatang tinatakpan ang mukha nito. Is he hiding from someone? Argh, let's not meddle with a stranger's buisness Regine. Baka mapahamak pa tayo self. Chill lang.
Tinuon ko ang atensyon ko sa bintana. I was looking at the bluish gray skies of London. Yes, medyo makulimlim rin pero may mahinang sikat naman ng araw. Kinakabahan nga ako sa magiging flight namin, sana naman hindi kami magkaka-aberya habang lumilipad kami sa ere. Lord, please bless me and everyone in this plane. Gabayan niyo po kami Panginoon.
"Gusto kitang isayaw ng mabagal...hawak kamay, pikit matang sumasabay sa musika..." the man sang at napalingon ako dahil doon. He was singing the latest trend with his semi-deep voice and God knows how that voice is famillar to me.
Putangina.
"Surprise." he winked. "Akala mo papakawalan lang kita ng ganun-ganun lang? Hell no."
"Alam ko para kang kiti-kiti. Sulpot ka lang ng sulpot." I rolled my eyes at my buddy, Robin. Oo, siya lang naman at wala nang iba. Pero hehe, medyo ayos rin siyang kumanta o bagay lang talaga sa kanya ang kanta.
"Kiti-kiti for you." banat nito. "BDO ako e, I always find ways." he winked again.
"Leche, isa pang kindat ako na dudukot sa mga mata mo!" I growled at him. Tumawa lang ito at inayos ang seatbelt.
"If you're wondering why I'm here, well secret na yon. Ang importante, tinabihan talaga kita at kasama mo ako sa pag-uwi mo sa Pilipinas." he pointed at his shoulder. "Libreng sandalan pag iyong kailangan." he smiled.
BINABASA MO ANG
In The Name of Love (COMPLETED)
Romance"Masaya ka na? Nakuha mo na ang gusto mo Regine. I'll make your life a living hell; sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo sa piling ko." The woman who sacrificed herself on this marriage, na kahit labag sa kalooban ng isa ay nagpatuloy...