Chapter 3

949 37 8
                                    

#ITNOLOneSelflessNight

A/N: Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

-

Two years after.

"Velasquez, tawag ka ni Cespedes. ER."

Agad naman akong napatakbo sa emergency area. I even sped up eating my cheese whopper na padala sa'kin ni Piolo kanina. Siningit ko na rin kasi ang pagkain since we, interns, doesn't have time to relax and enjoy everything. May monthly evaluation kami at pag kami bumagsak don, we might not end up as doctors and I can't let that happen. Kahit na tao ako ni Piolo at under ako ng fellow niya, ayoko namang kumapit sa mga koneksyon nun. I can do this.

"Mag-ready kayo ng maraming antiseptics, banggaan. Bus." tugon ng isang head nurse. Maraming tao ang pumapasok sa emergency room. May mga sugatan pero hindi iniinda ang sakit na nararamdaman kasi ang mga mahal nila sa buhay ay nasa bingit ng kamatayan na, may iba ring mga middle-aged na tao na humaharurot papasok ng ER. Kaya pala, may aksidenteng nangyari.

Hindi ko alam kung saang pasyente ako unang rereport.

But a situation caught me off guard. It was a child. Punong-puno ng dugo ang damit, hagkan ang nanay nito. My adrenaline went up and immediately rushed to that area. Agad kong sinuot ang stethoscope na nasa leeg ko at chineck ang heartbeat ng pasyente. I tried to find her pulse and check if it's still palpitating. May kaagapay naman akong nurse at umaksyon naman sa pagkuha ng vital signs ng pasyente.

"Dra, she's losing blood." Sambit ng nurse. Agad akong humablot ng type O bag at kinonekta ito sa dextrose ng pasyente. Her pulse and heart beat is getting normal and that's better now.

"What's happening here?" Dra. Cespedes approached me.

"She encountered loss of blood po, buti nalang nasalinan agad. She's stable now but she's not waking up yet." Report ko naman sa kanya.

"May kasama ba?" I nodded and looked at the child sitting down over there. Tumingin din naman si Dra. Cespedes and she got what I gestured. "Yan yung batang...goodness. Kamamatay lang rin ng tatay niya."

My mouth opened. Sa mura niyang edad nawalan na siya ng tatay. Mahirap kaya yung ganun, yung lalaki ka na walang didisiplina sayo. I mean, a father's discipline is really far different from a mother's. Ngayon naman, posible rin siyang mawalan ng nanay.

No. I will save your mother no matter what.

"Velasquez, you did a good job today hija." She patted my shoulder. "Pwede ka nang umuwi. Makukuha mo na yung evaluation mo bukas since patapos na rin ang buwan. Ikaw pa ang nakikita kong pinakadedicated at may puso kung magtrabaho. I'll definitely miss you."

"Si Doc naman oh. Hahahaha! Ako rin po, thank you for everything." I smiled back at her. Hinubad ko na ang gown ko at nilagay sa braso ko. "Mauna na po ako sa inyo, Dra. Salamat po." I kissed her cheek and went away.

In The Name of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon