#ITNOLPilitTinatago
A/N: Good afternoon, people! Here's an update kasi nasa mood magsulat hehehe. Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
"Wait...aray pucha!" Napasigaw ako dahil sa mabato-batong daan na tinatahak namin ngayon. We're actually going to a strawberry farm to see strawberries, obviously.
"Ang ingay mo naman maglakad Regine." komento naman ni Robin na kasalukuyang umaalalay sa'kin ngayon. Kasalanan ko ba kung bakit mabato tong nialalakaran namin ha!? Ang sakit kaya sa paa!
"Whatever Robin." I rolled my eyes and let him do his thing. "Pabayaan mo nalang ako kung dada ka lang ng dada dyan."
"Gaga, tayo na na yung nahuhuli sa grupo nagrereklamo ka pa dyan. Pasalamat ka nga inalalayan ka e." Robin retorted.
Yes, nahuhuli na kami dahil sa kaartehan ko. Sorry naman ano! Maputik tapos madamo tapos mabato, magkakarashes ata ako neto ng wala sa oras or worse magkaka-allergic reaction ako. Kaya ayoko talaga netong nature nature na to e. Jusko, the sanity sis!
Naglakad lang kami nang naglakad. Eto pa rin ako, pakendeng kendeng at nag-iingat sakaling madulas o makatapak ng kung ano. Damang dama ko ang frustration ni Robin sa'kin. Nakokonsensya na ko kaya pinili kong bilisan ang lakad ko hanggang sa makarating kami sa entrance gate.
"Hoy Robin, ang tagal niyo! Halos mag isang oras kayong naglakad sa isang kilometrong lakarin?" singhal ni Pops saming lahat.
"Hoy din Chicken Popsicle, etong kaibigan niyo ang kausapin niyo. Gusto ko na ngang magmarathon papunta rito e yang si Regine sinapian ng kaartehan!" singhal sa'kin pabalik ni Robin. "Dinamay niya ako sa kagagahan niya, promise."
"Sana binuhat mo nalang siya?" hindi ba talaga sila magpapatalo!?
"Ano siya, sinuswerte?" he retorted at dun nag-init ang ulo ko.
"Gago ka! Akala ko ba friends tayo ha!?" hinampas ko siya sa braso nang pagkalakas-lakas. Napa-arouch naman ito sa sakit. "Ewan ko sa'yo Robinhood. Simula ngayon di na kita papansinin!"
Lea was approaching us already. "Ang ingay ingay niyo! Imagine ha, ang layo ng cashier, naririnig ko ang mga nakakarindi niyong boses. Mygosh!" she frustratedly said. "Oh, eto na. Pwede na tayo pumasok."
Pumasok na ako nang hindi pinapansin si Robin. Kinukulit niya pa rin ako, nanatili pa ring nakabusangot ang mukha ko at padabog na naglalakad. Akala niya madadaan niya ako sa mga ganyan? Akala niya i-jojoke time ko nalang yung ginawa niya? Akala niya palalampasin ko lang yun? E gago pala siya e!
Mabilis akong naglakad at nalampasan ko pati si Ogie. I was expecting him to ignore and just let me go this time pero hinila nito ang braso ko. Nabigla naman ako sa ginawa niya at napalingon ako agad dito. I stared at him for a while, asking a question why.
"May balat ng saging. Baka madulas ka." he said. Nakakunot pa rin ang noo ko at tinignan ang daan na lalakarin ko sana kanina, and yes, I found a banana peeling.
Inangat ko na ang tingin ko and I was about to thank Ogie for what he did but he left right away after he said those words. I was left stunned and stoned. Weird, di ko na naman siya madrawing this time. Jusko, Herminio Jose! Ayus-ayusin mo yang buhay mo!
I proceeded walking nang maabutan na naman ako ni Robin. "Anong ginawa nun sa'yo?" he asked me.
"Wala." tipid kong sagot.
"Sorry na po kamahalan." he bowed down.
Hindi ko naman siya natiis at nilock ko ang mga braso ko sa kaliwang braso rin nito. He smiled and we walked together, entering that strawberry farm. Kitang-kita ko na mula dito ang malawak na taniman ng mga strawberry. I could see the little red fruits out here.
BINABASA MO ANG
In The Name of Love (COMPLETED)
Romance"Masaya ka na? Nakuha mo na ang gusto mo Regine. I'll make your life a living hell; sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo sa piling ko." The woman who sacrificed herself on this marriage, na kahit labag sa kalooban ng isa ay nagpatuloy...