#ITNOLCrystalClear
A/N: More OgRe 'stolen' moments ahead! Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
"Finish your lunch people, magsusukat pa yang si Regine." Lea reminded us like she is our mother. We just rolled our eyes at her, kitang nasa kalagitnaan pa kami ng masarap na kainang to. Nakakaloka.
"Madam Lea, pwede bang chill lang tayo?" Robin finally opened himself up to the team. Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko dahil sa pa-Madam niya. Hahahaha! "Masama sa sistema kapag sobrang bilis ng pagkain natin."
"Hindi ko alam kung san tayo aabutin ng pachill-chill mong yan." Lea sarcastically said to Robin as she rolled her eyes on us.
I swallowed my chewed food up and then said, "Pinagtalunan na namin yan dati." natatawa kong sagot. I remember those days na dinidib-dib ko yung pagiging asal-kalye niya kahit nasa disenteng lugar na kami. Yung mga araw na feeling niya Tondo lang ang London. Hahaha, grabe, natatawa nalang ako kapag naalala ko ang mga alaalang iyon.
"Wow? Pinagtalunan?" Pops reacted. "Are you two really are friends? Parang may something talaga sa inyo e! Never ba talaga naging kayo? Regine, di ka pa ba ready? Masakit pa rin ba? Di mo ba type yang basagulerong yan? Robin, ayaw mo ba ng commitment? Ganun ka na ba talaga ka-gago? Di mo ba type si Regine? Wala ba talagang spark pag magkasama kayo?"
"Ano to, Tonight with Boy Abunda!?" I overreacted. "Mga siraulong to, makapagtanong kayo kala niyo nasa Startalk tayo, kalkal hanggang balun-balunan! Mas malalim pa sa Marianas Trench kung makapagbitaw kayo ng ganyang mga tanong! Gosh." I rolled my eyes in annoyance.
"Joke lang. Pero wala ba talaga? Bagay kaya kayo, hello!" Lea second-demotioned.
"Wala nga." / "Wala nga." It was Robin and mine's statement.
"MERON!!!!! SABAY KAYO NAGSABI NON EDI MEANING MUTUAL YON!!!!" The two girls squealed like a teenager, sounding like squishy dolphins. Leche, sarap ilunod sa Pacific Ocean! Arrrrgh! "Charot lang, peace na tayo. Tama na, konting respeto naman sa mga pagkaing nakahapag hehe." Buti naman at naisip nilang tumahimik na.
We finished all we ate at nagsihugas na ng mga kamay. Robin's just glued on his phone, waiting for us girls na matapos ang mga gawaing babae namin. Ogie was just staring blankly outside, habang nakapikit ang mga mata nito. Dinadama ata ang malamig na simoy ng hangin galing sa mga mayayabong na puno sa restaurant. By just looking at his side profile, he really is handsome. No wonder, I fell for him back then.
Fell. Past tense. And not going to fall again.
Whatever. Bulong ko sa sarili habang lumalabas na ng restaurant. We immediately went to the back part ng restaurant since andun naman nakapark ang mga sasakyan namin. The two women giggled lavishly, na para bang may pinaplanong hindi maganda laban sa'kin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Robin, wondering what could it be all about. Hindi naman kami nakipagchismisan pa at sumakay na ng sasakyan.
The atmosphere felt stuffy as soon as we rode Lea's car. Natahimik ang lahat habang si Lea naman ay abala sa pag-ddrive. May maingay namang radyo pero batid pa rin ang katahimikan sa loob ng sasakyan. We stopped a bit because of a traffic encounter. Napatingin naman ako sa rear view mirror at nakita si Ogie na nakasunod naman sa'min. Buti nalang at hindi niya ako nakita dahil nakatingin ito sa kanan niya. Umusad kami ng konti nang maramdaman kong hindi na tama ang takbo ng sasakyan namin.
"Shit. Flat." Pops commented. Lea stopped in a corner and Robin stepped out to check out and confirm. Tama nga. Flat ang gulong nito. "Lei, wala ka bang spare tire?"
BINABASA MO ANG
In The Name of Love (COMPLETED)
Romance"Masaya ka na? Nakuha mo na ang gusto mo Regine. I'll make your life a living hell; sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo sa piling ko." The woman who sacrificed herself on this marriage, na kahit labag sa kalooban ng isa ay nagpatuloy...