#ITNOLTeased
A/N: Okay, another sloppy title—arrrrgh. An early update dahil early bird si author today! Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!
-
"Please fasten your seatbelts and get ready for take off." the plane intercom said.
I did what they said, I fastened my seatbelt and kept myself laid down. It's already 1 PM here in the country and yes, I underwent another boring and wasteful 13 hours of my entire life. I don't know kung susunduin ba ako ni Ogie. Hay. Kung pwede lang sana kaso tunog busy yun kanina habang kausap ko siya sa telepono. I didn't even bother to ask him to pick up me here in NAIA.
We, the passengers, felt the land touching the mini tires of the plane as it made a soft thud underneath. It ran around the runway for quite some time and finally made it's destined parking spot. Nang makitang pwede nang tumayo ay kinuha ko ang hand carry bag ko na nasa taas at tumayo na para bumaba ng eroplano. I flipped myself to see if Piolo is on my back. Kita ko na naman ito sa malayo, kaya nagdesisyon akong magtuloy tuloy at magkita nalang kami sa baggage area. Nakakaloka, don't tell me sisingit pa ako dun, sa sobrang daming taong palabas ng eroplano!
I went out on that accordion-like passageway and finally reached the baggage area after minutes of walking around. Someone clunged his right arm around my back neck and I could kill that person for making me startle, really.
"Piolo, nanggugulat ka naman e." I reacted. "Nakakainis ka, akala ko holdaper na. Che!" pilit kong winakli ang kamay niya pero I failed. I'm so weak right now.
Tahimik lang ito at tumatawa. Ano na, nagmumukha talaga akong clown sa harap ni Piolo. So ganon, tinatawanan lang niya ang kagandahan ko? Manigas siya diyan! Papangit din siya as soon as possible! Hindi dapat ganyan ang trato sa mga magaganda!
Nakita na namin ang bagahe namin at kinuha ito sa machine. Piolo got us a cart to put our luggages for easy transport. Sinigurado naman naming wala nang naiwan at hindi kami nagkamali nang kuha ng gamit. Baka mapagkamalan pa kaming scammer at budol, mahirap na.
"Do you want to grab some food first?" Piolo asked me out of concern. I shook my head and himala, tumatawa na naman ito habang nakatingin sa malayo. Nakayuko lang ang ulo ko the whole time, ngayon pa lang naaabsorb ang jetlag. "Grabe Regine. Mahal na mahal ka talaga ng asawa mo."
Ha?
Agad napaangat ang buong diwa ko sa tinitignan ni Piolo. It was a bit blurry but I can sense a man wearing his company suit, his smell was around the area, his heartwarming smile that makes my whole insides melt, and his charm that I could never resist. It was him that I miss, it was him that I love.
"Stay here." I said to Piolo, my eyes still glued on my husband.
I almost tripped while running to his direction but it was worth it when I finally got the chance to hug him so tight as if he couldn't breathe anymore. I miss him so damn much like to the 10000x! Inis na inis ako sa sarili ko kasi hindi ko siya madalas natatawagan nung nasa London pa kami.
"God knows how much I missed you..." he sticked out his lips and placed it on my forehead. I was still hugging him the whole time.
"Akala ko hindi ka makakarating? I thought you were busy and all kaya hindi nalang kita ginambala na kunin ako-" I slightly parted my body on him and asked.
He just laughed and slightly pinched my nose. "Next time, learn to ask, okay? I wouldn't miss your arrival for the world. Hindi ako obliged at lalong hindi ako responsable na sunduin ka dahil susunduin talaga kita kasi namiss kita. Gets?"
"Ewan ko sa'yo." I hugged him again.
Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa dinaanan ko kanina, papunta sa bagahe namin. Piolo was just standing there beeping on his phone. "So, where are you planning to go now?" my husband asked me.
"Bahay." tipid kong sagot. "Why, any other ideas? Gusto ko matulog e."
"Everytime we see each other, hindi talaga maalis yang tulog sa usapan. Sleep deprivation talaga?" he cackily said. Napatawa naman ako dahil dun.
"At least tulog lang ang kaagaw mo sa'kin." I winked at him. Hahahaha!
"E yung isa dun..." turo niya kay Piolo. "Kaagaw ko rin naman yun ah."
"Sira. Not anymore." I assured him. "He has been so gentle with me during the trip. Nirespeto niya ako at ang mga necessities ko. He respected our situation. Kung tutuusin, ako nga dapat tong nagpapakasuperior saming dalawa kasi mas mataas ang rank ko during the conference." I chit-chatted.
Nakarating na kami sa kinatatayuan ni Piolo and they just gave each other a warm smile. "Ah, Reg. Off duty ka daw for three days. Reward sayo ng board."
"Pwede bang ngayong araw na lang?" I pleaded. As much as I want to, hindi pwede. Sobrang tambak na ako nun sa trabaho at madedelay na ako sa mga report na kailangan ipasa. I don't want to deal with shits like that.
"Sa'yo ko lang talaga narinig yang pinapaiksi ang rest days kahit kagagaling lang sa international conference. " he blurted out. Agad naman siyang tumawag sa audit.
Nang nakita kong hindi pa sinasagot ng kabilang linya ang tawag ni PJ ay agad na akong napasingit ng sabi, "Piolo, alis na kami ha? Thank you ulit sa lahat."
"You're welcome. So, see you tomorrow." he tapped my shoulder and smiled at me.
Inalis ko na sa cart ang dalawang maleta ko at inalalayan ako ni Ogie. He carried one of the luggages pero syempre I tried to get it back on him pero he insisted to bring it by himself. We reached the exit at kitang-kita ko ang nakapark na itim na BMW sa may silong na parking slot. He opened the compartment as I put my two mallets inside it. Akala ko hindi kakasya pero ayos naman pala. I opened the passenger's seat for me to sit in, sakto namang sumunod sa akin si Ogie na nags-seatbelt na bago kami makaalis dito sa airport.
"Ayaw mo bang kumain muna tayo?" he asked me. "Hindi pa ako nag lunch e."
Nanlaki naman ang mga mata ko. "What did you just say? Hindi ka pa nag la-lunch? Oh tara, kain tayo! Jusko, diba sabi ko sayo wag kang magpapalipas ng gutom? Kainis ka naman love e."
"Sorry na, nakalimutan ko lang kumain ngayong araw na to. May inayos pa kasi ako sa opisina e." he truthfully said. Medyo nainis ako sa kanya pero I admire him na umamin siyang hindi pa nga siya kumakain sa harap ng asawa niyang doktor.
He decided to stop over on a Jollibee branch just along the highway. Bumaba naman kaming dalawa at pumasok sa building na iyon. I lined up and asked him what he wants. "Anong gusto mong kainin?"
"Ikaw na bahala, gusto mo ako nalang mag-order." he offered but I insisted.
"Ikaw tong gutom kaya maghanap ka na lang ng mauupuan." I said to him at agad naman itong naglaho sa paningin ko.
I ordered two meals of one piece chicken na ginawang coke float ang drinks, isang yum burger, large fries na rin at dalawang peach mango pie. I carried one tray at yung isang tray ay dala dala nung isang service crew. I looked for my husband and saw him sitting, second table near the window. I walked to that direction at inayos lahat ng kakainin namin.
"Kamusta naman yung kailangan ko pang gumawa ng storya para lang makakain tayo?" he spitted out nonchalantly. What? Anong sinasabi nito?
"Anong pinagsasasabi mo dyan? Kumain ka na nga lang. Ikaw tong gutom e." I slurped on my Chickenjoy.
"I made up that story, love. Nag lunch na talaga ako kanina pa together with the staff. I never missed one instruction you gave me. Ginawa ko lang yun para naman makakain ka na." he explained. "E, ikaw pa yung mas gutom sa'ting dalawa e."
Tawang tawa siya ganon? Nandidilim ang paningin ko sa kanya!
"Herminio Jose! Wag na wag kang uuwi sa bahay mamaya kung gusto mo pang mabuhay!" singhal ko.
BINABASA MO ANG
In The Name of Love (COMPLETED)
Romance"Masaya ka na? Nakuha mo na ang gusto mo Regine. I'll make your life a living hell; sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo sa piling ko." The woman who sacrificed herself on this marriage, na kahit labag sa kalooban ng isa ay nagpatuloy...