Chapter 14

1K 34 22
                                    

#ITNOLMakeItUpToYou

A/N: Sorry for the grammatical errors and misspelled words. Thank you, enjoy reading!

-

"Ginawa niya yun!?"

Nasa kalagitnaan kami ni Pops at Lea sa hallway ngayon. Nakikipag-chikahan sa'kin kasi wala sila kagabi at hindi na nawari kung anong naganap. Mga hampaslupang to. Shocked na shocked naman sa ginawang gesture ng asawa ko kagabi.

"Siraulo ba kayo? Hinaan niyo nga mga boses niyo at baka marinig tayo dito," I shushed them two. Nagmumukha kaming magkapitbahay na nagchi-chismisan dito, nakakaloka. "Oh, basta ayun na nga ginawa niya kahapon."

"Kilig na kilig ka naman?" sinunod ni Lea ang tagiliran ko. I reacted upon her gesture. Gagang to.

"Finally, after 15 years Regine! Magdasal ka sa Quiapo ngayon din! Samahan mo yung mga matatanda na mag-novena! Mag ala-relihiyosa ka! Isa tong malaking himala!" Pops preached jokingly na ikinatawa naman ni Lea. Pinadiliman ko lang sila ng mata. Kainis talaga tong mga to o.

"Totoo na ba talaga to mga sis? Kung panaginip lang to, pwede bang gisingin niyo nalang ako?" wala sa wisyo kong sabi.

"Tanga talaga to o. Ngayong andyan na sa harap mo ang opportunity, ngayon ka pa uurong dyan? Nako Regina umayos ka nga! Diba eto ang gusto mo? Oh, ayan na! Nakahain na si Papa Ogie!" Lea squealed. "This is what you wished for and now it's here!"

"Kasi ano...baka niloloko niya lang ako. Baka joke time lang to lahat. Baka ginagamit niya lang ako para makaget-over kay Michelle..." I replied. Hesitant pa rin ako kahit hinihiling ko na sana pansinin niya naman ako.

"E, yun naman ata purpose mo sa buhay- aray ko." biglang binatukan ni Lea si Pops. "Joke lang. Malay natin Regine, pero alam mo look at the bright side! Maybe he finally saw you shining up there at hindi na si Michelle. Maybe he realized that you are the one who's here and not someone from the dead, at napagtanto niyang mas kailangan at dapat kang pahalagahan. Maybe narealize niya na kailangan na niyang mag move on and he wanna do it with you. Ikaw ang first step niya. Sobrang daming possibilities and what-ifs, Reg."

"I guess you guys are right." turan ko sa kanila. Nako, ewan ko nalang kung saan ako pupulutin ng kabobohan at katangahan ko pagdating sa mga ganito. I swear to God that I am thankful because I have these girls on my side.

"And now seeing na sinusuyo ka na niya, makes it more exciting! Kyaaaah!" Lei and Pops squealed. "Ang gwapo-gwapo niya tapos imagine araw araw ka may rose, may harana ka every time, may romantic dinner na mag-aantay sayo, tapos may magpapainit na ng mga gabi mo-"

Sinapak ko si Lea dahil sa mga kahalayang pinagsasabi niya. "Alam mo OA ka. Sobrang OA. Itatapon kita dun sa TOTGA mo e, gusto mo yon?"

"Ay nako sis no! Sornamern." Lei peaced out.

"Pa-virgin ka sis!" natatawang sabi ni Pops. "Kala mo naman wala kang sabit ha. Hahahaha!"

"Isa ka pa Pops ha. Baka punitin ko yung original copy ng divorce papers niyo ni Martin nang matigil kang gaga ka." Irap ko sa kanya at natahimik naman ang dalawa.

"Out na ako, 6 am na e. I'll be back at 1. Bye mga depungal." I put my hands on my lab gown's pocket at rinig na rinig ko ang halinghing ng mga gaga sa likuran.

I only brought my phone, my wallet, and myself going out on that hospital. Siguro uuwi nalang muna ako. God knows how I want to sleep right now. Naglakad nalang ako papuntang taxi alley at umupo doon seeing no taxi was on standby na pwedeng ipara. I checked the time and it was already 7:30 am.

In The Name of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon