Limang taon na ang nakakaraan nang ako ay lumipat ng bahay sa Alabang, maliit lang ang bahay na pinili ko dahil ako lang naman mag isa ang titira at nakuha ko ito sa murang halaga, emergency daw at kailangan ang pera e ako naman nangangailangan din ng matitirahan kaya kinuha kuna, isang lalaki na siguro 35 years old, nung una duda ako na may pagka adict yung lalaki pero nalaman ko na sa kanya talaga ang bahay kaya binili ko narin,makalipas ang isang araw habang nililinis ko ang bahay na nilipatan ko ay may nakita akong isang aparador sa kwarto, siniyasat kong mabuti kung magagamit ko pa ito, at sa palagay ko ayos pa naman, sa isip ko (siguro sinadyang iwanan ng may ari ang aparador na to..) pero nakalimutan ata na ibigay sa akin ang susi, naisip ko na itabi nalang eto malapit sa pintuan ng sala, at maayos kong nailagay ang aking mga gamit sa dapat kalagyan, makalipas ang ilang linggo sinamantala ko ang katahimikan ng gabi habang umiinom ng champagne at nanonood ng balita sa TV. Nung mag aalas dyes na ng gabi (10:00pm) nang magsimula akong makarinig ng tila boses ng mga bata galing sa aparador sa tabi ng pintuan, kung hindi ako nagkakamali ito ay tunog ng mga batang umiiyak at tila humihingi ng tulong, at sinundan ng kalabog na tila may bagay sa loob na gustong makalabas ng aparador, inisip ko nalang na siguro ay marami na akong nainom kaya kung anu-ano nalang ang napapansin ko, kaya naman napagpasyahan ko nalang na pumunta sa kwarto at matulog na lamang, sumunod na umaga, habang umiinom ako ng kape at kumakain ng almusal sa kusina, nakarinig ulit ako ng ingay pero ngayon kalabog na ng pinto, ito ang pinto malapit sa aparador BLAG.!BLUG.!BLAG.!BLUG.! bukas sara bukas sara ito. Ang ipinag tataka ko lang hindi pa ako nakakalabas ng bahay kaya dapat naka lock pa ang pinto, at ako lang ang may hawak ng susi ng bahay, kaya agad akong tumakbo sa sala at nakita kong nakabukas ang pinto ngunit wala namang tao tinignan ko pati sa labas walading tao. nagsimula na akong kabahan at isipin na totoo lahat ng nangyayari. Kinagabihan nang araw na iyon naisip ko nalang na bumili ng lutong ulam sa labas para sa hapunan at sa bahay kainin, pag uwi ko ng bahay paglagpas ko palang ng pintuan sa sala nang may narinig akong animo’y sigaw na ikinagulat ko at agad akong lumingon humarap ako sa aparador at sumigaw ng “SINO ANG NANDYAN.?!!” At sinundan iyon ng mas malalakas pang sigaw , sigaw na humihingi ng tulong, (TULONG!!,TULONG!!,TULUNGAN NYO KAMI,!!) agad akong tumakbo sa bodega at kumuha ng martilyo at pilit kong binuksan ang aparador, nang mabuksan ko ito bahagyang nawala ang maingay na tinig at pinalitan ng malansang amoy animo’y nabubulok na laman, at kinilabutan ako sa nakita ko sa loob ng aparador, dalawang bangkay ng mga bata na tinakpan ng isang telang puno ng dugo, tumaas ang aking balahibo at agad ako tumawag ng pulis. Makalipas ang imbestigasyon nalaman ko na pinatay pala ng huling may-ari ng bahay ang kanyang dalawang anak na babae sa hindi malaman na dahilan. Kaya siguro nagmamadaling mabenta ang bahay at makaalis dito, wala na akong pakialam kung anong naging problema ng pamilyang iyon, basta naniniwala at nakasisigurado ako na tinig ng mga bata na humihingi ng tulong ang aking naririnig…
![](https://img.wattpad.com/cover/25151046-288-k743015.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwento
Horrorpangatlo na po to.... basa basa