The Unforgetable Night

598 13 1
                                    

Introduction.

(Hindi lahat ng nasa paligid mo ay alam mo ang nangyayari sa kanyang buhay, at masakit na malaman na isinisikreto niya ang mga bagay na nangyayari sa kanya, lalu na, na siya ay kapatid mo.)

Isang gabi ng oktubre 31 2004 (7 years ago) at ako ay kasalukuyang labing dalawang taong gulang palamang, ay may isang nakakapangilabot na pangyayari ang aking nasaksihan. kami ay masasabing isang ordinaryong pamilya lamang, hindi mahirap at hindi gaanong mayaman, dalawa lang kaming magkapatid na parehong lalaki at sya ay si kuya alex labing siyam na taong gulang, ang aking ama ay isang hepe sa pinakamalapit na istasyon ng pulis sa aming lugar habang ang aking ina naman ay nasa bahay lamang at ginagawa ang lahat ng gawain bahay. Malapit kami sa isa’t isa ng aking kapating (as in close) kaya naman nakapagtataka ang nangyari nood gabing iyon, gabi ng oktubre 31 2004 nang niyaya ng kuya kong matulog sa bahay namin ang kanyang matalik kaibigan at ka klase na si robert, siya ang bestfriend ng kuya ko, mag-kaibigan na sila mula pa na elementarya. at ayun ang gabing hindi ko malilimutan. pasado alas dyes na ng gabi na naririnig ko pa na nag tatakutan at nag tatawan ang kuya ko at si robert habang nanonood ng nakakatakot na pilikula, ako naman bagamat naiinis na, pinag papasensyahan ko nalang tutal minsan lang naman iyon, pero noong mag aalas onse na ng gabi (11:00 pm) ng may roon akong narinig na kakaiba, ung una ay nag tatawanan lang sila kaya’t dedma lang ako, pero nung napasigaw na si robert na tila my nakitang kakaibang bagay napatayo na ako sa aking higaan at mabilis na napalabas ng aking kwarto, at laking pag tataka ng masalubunga ko si robert galing sa kwarto ng aking kapatid na maputlang maputla ang muka at tila pawisan, ako naman, dala narin ng nerbyos pasigaw kong naitanong “ANUNG NANGYARI.!!!?”, at na uutal utal na sagot ni robert “TIGNAN MO ANG KUYA MO.! ANU ANG NANGYAYARI SA KANYA.!?”, sabay hawak sa aking kamay at patakbong tumungo sa kwarto ni kuya. At pag pasok palang sa pinto ay napatigil na ako sa aking nakita, ang aking kuya na nakadapa sa kama at ang kanyang ulo ay halos nasalikod ng kanyang tiyan at tila nakangiti ngunit sumisigaw nang tila sinusunog ng buhay, kaya hindi na ako nag dalawang isip at kusang tumakbo patungo sa kwarto ng aming magulang, ang pinag tataka ko lang ay kung bakit hindi sila magising sa ingay na nangyayari sa labas,(bakit ngayun pa.!?) ang pabulong kong sabi sa aking sarili, kaya naman sinipa kuna ang pintuan ng kanilang kwarto at dali-daling ko silang ginising, at sabay kami ng aking ama na tumakbo patungo sa kwarto ni kuya, at nakita na naming tumatawa sa kakaibang paraan ang kuya ko, sabay lapit ng aming ama at pinapakalma si kuya, ngunit matigas ito at lumalaban na at tila pinag haharian na ng dimonyo ang buong katawan nya. Kaya dali dali kaming bumaba sa sala ng aking ina para tumawag ng pari, nung sandaling iyon hinahampas na ng kuya ko ang sariling niyang ulo sa simentong pader ng kwarto nya at naging puti na may pagka pula ang mga mata nito, lumayo muna ako sa kwarto ng kuya ko dahil hindi kuna kayang makita ang nangyayari sa kanya. At pag dating ng pari’y agad niyang tinignan ang kuya ko sabay sabi ng “binabalot ng isang masamang ispirito ang batang ito”sabay bukas ng bibliya at saboy ng holy water at iba pang gamit niya habang nakikita at naririnig namin ang kuya ko na nag sasalita ng pasigaw ngunit hindi maintindihan ang kanyang sinasabi na tila ba ibang lengwahe ang kanyang binabanggit. Napapa iling ang pari at nasabing “magiging mahirap ito, baka hindi kayanin ng bata at ikamatay niya ang susunod pang mangyayari” agad akong napaluha at sa isip-isip ko ay (napakalakas ng dimonyong sumasapi kay kuya at halos angkinin na ang buo nitung katawan.) sinabi ng pari na makabubuti kung iwanan nalang sila ng kuya ko sa kwarto, kaya naman isinara namin ang kwarto at patuloy kaming nakakarinig ng matinding pag sigaw at tila humahalakhak pa. mag aalasdos na ng madaling araw (2:00 am) ng mawala ang ingay sa loob ng kwarto ng aking kapatid kaya bahagya kong binuksan ang pinto at nakita ang kuya ko na nakabukas ng malaki ang bibig at nakabaluktot na tila nakatupi sa sahig at may nakakatakot na muka, natakot ako kaya agad ko ulit isinara ang pinto, at napansin ko na parang napakainit sa kwarto ng kuya ko, sa tantya ko mga 90 degrees ang init sa loob. at nag hintay pa ako kasama ang pamilya ko at si robert na hindi iniwan ang kuya ko hanggang sa huli. matapos ang kalahating oras lumabas ang pari sa kwarto at tila wala na ang kuya ko.sabay sabing (Nag karoon na malalalang pinsala ang bata sa bahagi ng kanyang ulo dahilan ng pakamatay nito, kasabay ng pag alis ng dyablong sumapi dito at nakasisiguro ako na hindi na ito babalik pang muli sa pamamahay na ito.) Lahat kami ay umiyak nung mga oras na iyon at hinintay nalang namin na mag umaga para mahatid sa punirarya ang labi ng aking kapatid. At sa kanyang burol ay nagdatingan ang ilang matatalik na kaibigan ng kuya ko, at may nabangit sila tungkol sa huling ginawa nila bago ang gabing iyon, at kinwento nila sa akin ang pang yayari na kinagulat ko dahil sinabi nila na nakapatay na pala ng isang matandang lalaki ang kuya ko nung gabi na nag inom silang mag totropa, napag tripat daw nila ang pulubi na nakahiga sa tabi ng kalsada, pero laking gulat daw nila ng biglang ibagsak ng kuya ko ang bato na mahigit limang kilo sa ulo ng kawawang pulubi habang nakahiga sa daan. At sabay tawa padaw ng pa halakhak, kinabukasan ay pinag usapan nila ang nangyari noong gabing iyon at ipinayo nalang ng best friend ni kuya na si robert na walang mag sasalita tungkol sa pangyayaring iyon, at simula noon ay naging balisa na ang kuya ko sa mga sumunod na araw hanggang yayahin niya ang best friend nya na si robert na matulog sa aming bahay…

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon