Sa likod ng Tagumpay 1.1

614 9 0
                                    


Si Ms. Ruth Ignacio ay isang midwife ng kanilang lugar. Hindi na rin siya nakapag-asawa magmula nang nabigo siya sa unang pag-ibig niya. Nag-ampon na lamang siya ng batang babae at minahal at inilagaan na parang tunay na anak. Dalawampung taon na siyang nanilbihan sa mga kanayon bilang isang magaling na midwife. Bihasang-bihasa na siya sa larangang ito. Katapat na niya ang mga Obstetricians sa bayan kung skills lamang ang pag-uuspan. Ginawang klinika ang babang bahagi ng kanilang bahay. Doon siya tumatanggap ng pasyente at isinisagawa ang normal delivery sa mga manganganak. Masasabing tagumpay na nga siya sa kanyang karera ngunit sa likod ng tagumpay ay may malaking nakatagong lihim. Ang kanyang sariling nakaraan ay siyang nagdala sa kanya ng limpak-limpak na salapi at sariling kasiyahan. Nagmula si Ruth sa mga angkan ng makapangyarihang aswang ngunit siya na lang ang natitira sa kanyang henerasyon. Napatay na kasi ang ama’t-ina niya noong nalaman ng mga kanayon na sila ay lahi ng mga aswang at siya lang ang nakaligtas. Kaya napadpad siya sa lugar na ito na walang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. Namasukan siya bilang tindera ng panaderya sa umaga at nag-aaral naman sa gabi. Dahil sa kasipagan at determinasyon ay nagtagumpay siya. matapos makapasa para maging registered midwife ay pumasok siya sa isang clinic bilang assistant ng doctor at doon siya nakapag-ipon. Noong siya ay nasa labing-walong taong gulang na doon na nagsimula ang lahat. Nagiging aswang na siya at hindi niya ma control ang sarili. Ayaw na ayaw niya ng kanyang katangian ngunit wala na siyang magagawa sa itinakda na. Sa halip na tao ang kanyang biktimahin ay nagkakasya na lang siya sa mga bubuwit na nasa loob ng inuupahang silid niya. Para sa kanya mabuti na lamang ang ganoon para hindi na siya mamihasa sa pagkain ng karne ng tao kung sakali man. Kakapasa lang niya noon nang nabuntis siya ng kanyang nobyo. Nang nalaman ng huli ay bigla na lamang itong naglaho na parang bula. Kaya wala siyang pagpipilian kundi ang ipalaglag ang kanyang dinadala. Meron na siyang konting background dito. Nangoleksiyon siya ng iba’t-ibang ugat ng halaman na ayon sa mga kaibigan ay pampalaglag at saka pinakuluan at agad ininom. Hatinggabi noon nang biglang humilab ang tiyan niya, kasabay ng pagpalit niya ng anyo bilang isang aswang. Ewan nga ba niya na sa haba ng oras magmula ng ininom niya ang pampalaglag kaninang umaga ay kung bakit ngayon pa ito tumalab. Habang nagpapalit ng anyo ay tumitindi ang sakit na nararamdam sa bahagi ng tiyan niya at saka dumaloy ang masaganang dugo sa magkabilang paa.

“Arrrggggg!” paghihinagpis niya.

Ang sumunod na nangyari ay parang may lumabas ng kung ano sa pwerta niya. Kaya inalis niya ang panloob niya at saka nahulog ang apat na buwan na fetus sa sahig. Napaluhod si Ruth, habang dinadampot ang walang kamuwang-muwang na anghel. Tumulo ang kanyang luha at dinala ang fetus sa dibdib nito at saka bumulong “patawad anak!”

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon