Katarungan 1.1

439 7 1
                                    



"Patay na ang isang to!"

.

.

.

.

.

"Patay na rin ang nasa kabinet!"

.

.

.

.

.

"Sarg! meron pang isa sa terrace! Humihinga pa."

.

.

.

.

.

"Magpatawag ka ng medic!"

.

.

.

.

.

"AAAAHHHHHH!"

.

.

.

.

.

Nagising si Jenny na hinihingal. Di pa rin niya malaman kung tungkol saan ang napanaginipan niya. tatlong araw na ang nakararaan nang magising siya sa tabi ng kalsada na nag-iisa at walang kasama. Puro galos ang kanyang katawan. Ni wala na siyang maalala tungkol sa nakaraan niya. Tinulungan lang siya ng isang babae na nagpakilalang si Devine. Dinala siya ni Devine sa bahay niya at ginamot. Simula noon, magkasama na silang namumuhay.

"Jenny, gising ka na pala. Anong problema at parang hingal ka?" bungad ni Devine sa kanya. "Napanaginipan ko na naman ang senaryong iyon. Ano ba talagang nangyari noon?" Tanong niya kay Devine at iling lamang ang naisagot nito. Bumaba na sila upang mag-almusal at umalis na si Devine upang magtrabaho.

Malaki ang bahay ni Devine ngunit wala itong katabing bahay kundi mga puno. Wala ding makikitang tao sa paligid. Kaya naman nakabibinging katahimikan lamang ang bumubungad kay Jenny. Lalo na kapag umaalis si Devine, pakiramdam niya ay mababaliw na siya.

Lumabas siya ng bahay upang maglibot-libot. Ang bahay nila ay malapit sa kalsada ngunit iilang sasakyan lang ang dumadaan doon. Madalang pa. "Taga saan ba talaga ako?" ang tanging tanong niya sa kanyang sarili. Tatlong araw na siyang nawawala kaya malamang ay hinahanap na siya ng pamilya niya. Pero ang ipinagtataka niya ay kung paano siya nakarating sa lugar na iyon.

Ilang oras din siyang namalagi sa labas ng bahay. Binibilang niya ang mga sasakyang dumadaan. Wala siyang magawa sa loob ng bahay dahil wala pa si Devine. Malamang namili ulit siya ng kakainin namin. Bumalik siya sa bahay upang magtanghalian at namalagi naman siya sa terrace ng bahay.

"Ang laki ng bahay na ito para sa isang tao lang. Mayaman siguro ang pamilya ni Devine." nasambit niya sa sarili. Habang nagmumuni-muni siya sa labas ng bahay ay nakarinig siya ng kaluskos sa loob ng bahay. Pumasok siya upang tignan kung sino iyon. "Devine? Devine andiyan ka na ba?" Hinanap niya kung saan nanggaling ang kaluskos at nagtataka naman siya dahil sa maagang pagdating ni Devine. Gabi na kasi dumadating si Devine kapag umaalis siya.

Biglang bumukas ang radyo sa sala sa baba. Dinig sa buong bahay ang kanta ni Katy Perry na Last Friday Night.Medyo kinabahan siya dahil iniisip niyang may ibang nakapasok sa loob ng bahay. Dahan dahan siyang bumaba at sinilip ang sala. "Devine?" mahinang tawag niya sa kaibigan. Pinatay niya ang radyo at luminga linga sa paligid. May nakita siyang dumaan sa kusina ng bahay. Mabilis ito kaya di niya malaman kung sino ito. "Devine?" Muli niyang tawag sa kaibigan. Medyo kinakabahan na siya at natatakot na rin.

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon