Die

445 9 0
                                    

Nagdesisyong pumunta sa Maynila si Steph upang makapghanda sa pasukan sa La Salle. Nagrent siya ng Boarding House at labis na itong pinaganda at nagmukha itong Villa. Bumili siya ng computer parts, CPU, Monitor, Speaker, UPS, Webcam, at ang pinakamisteryoso, ang Keyboard.

Pagkauwi ni Steph sa inuupahan niyang boarding house, inexamine niya ang keyboard at may napansin siyang nakakatakot, may naform na “DIE” diagonally sa mga letters sa keyboard. Kinilabutan si Steph dito, pero hindi niya ito masyadong pinansin.

Gumising si Steph, at chineck ang kalindaryo, first day ng klase sa La Salle. Nakapagready na siya at handa na siyang pumasok, ngunit napansin niyang maaga pa, so in-on niya ang computer at clinick ang isang browser at biglang nagtype ang keboard ng magsarili at ipinunta sa mga pornographic sites at social networking sites, Skype, etc..

Nagulat si Steph sa nakita niya, binalewala niya ito at klinose ang mga ito. Nagfacebook siya, at makalipas ang ilang oras, nagdesisyong pumasok na. Nakilala ni Steph si Hara, at di nagtagal naging best friend niya ito. Nagkasundo silang mag sleep-over pagkagabi.

Pagka-uwi ni Steph, naghintay siya sa kanyang kaibigan, nakaidlip siya ng konte. Gumising si Steph, namamawis, hindi niya alam kong bakit. May kumatok sa pinto niya, binuksan niya ito, at inakalang si Hara. Pagkabukas, nakita niya ang isang kano, kanong duguan, exaggerated ang bibig at may mga keyboard keys sa bibig, at punung-puno.

Biglang sinunggaban si Steph at sinakal siya. Nagising si Steph at nagalak na panaginip lang pala. Nakarinig si Steph ng malalakas na katok sa pinto. Tinatawag ito, si Hara.

Hara: Steph? Andyan ka ba?

Steph: Wait lang ‘Ra, andyan na.

Binuksan ni Steph ang pinto at pinapasok si Hara. Bago sila matulog ay nagbrowse muna sa internet at naghanap ng Hunks sa ilang social networking sites. Nakipagchat sa mga kano, at nakakita pa ng ilang bastos na nagpeperform sa cam. At natakot sila sa isang nagpeperform sa cam, nafamiliarize ni Step hang mukha ng kano, ito yung napanaginipan niya, kinakain ang keyboard at naglalaslas ng leeg. Umexit sila sa chatroom at binalewala ang nangyari.

Pagkatapos ng kalokohan nila ay natulog na sila. May napanaginipan si Steph, isang kano ang nakikipagchat sa iilang pinay at nagmamasturbate sa harap ng camera. Biglang pumasok ang parang asawa nito na Pinay at nagalit ito. Nag-away ang dalawa at hinampas ng misis nito ang keyboard sa mukha ng kano. Pinakain ng Pinay sa kano ang keyboard keys sa kano. Inilibing ng Pinay ang kano sa isang lugar.May isinumpa ang Pinay na babalik ang keyboartd sa dati nitong anyo na parang bago at kung sino man ang gagamit ng keyboard na iyon ay magkakaroon ng masamang kapalaran. Pagkatapos,nagpatiwakal ang Pinay.

Nagising si Steph, at nakita si Hara, patay at may iilang keyboard keys sa bibig, R, A,Y,D,E, at “?” ang mga letra sa bibig ni Hara. May bumulong sa kanya, babae, “May 30 seconds ka para masolve ang puzzle. Pag hindi alam mo na ang mangyayari. Dahil sa nerbyos, natapos na lamang ang 30 seconds at dun nasolve ang puzzle.

R E A D Y ? ang sagot… pero huli na ang lahat…

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon