Lihim 1.1

553 9 0
                                    


"Sumosobra ka na talaga! Ano ba talaga nangyayari sayo ha?!! Una, na kick-out ka dahil sa pagdadala mo ng balisong sa school, at nagbanta ka pa sa prof mo. Tapos nakabuntis ka ng babae, at sinuhulan mo pang ipalaglag! Walang hiya ka talagang lalaki ka! At ngayon ano?!! tinawagan ako ng mga pulis para piyansahan ka na naman sa kulungan dahil nanggulo ka na naman sa isang bar!! Pang ilan mo naba yan ha?!! Di ka ba nagsasawa sa kulungan? Sa susunod na makulong ka, hahayaan kita mabulok dun!" halos sapakin na ni Mr. Rodriguez ang anak niya na si Andrei dahil sa galit. Gumawa na naman ng gulo ang anak niya. Kaya naman halos pumutok na ang litid niya sa pagsigaw dito.

"Eh dad, he started it! Akala naman niya kung sino siyang....." "shut up! SHUT..UP!" pagputol ng ama sa paliwanag ng anak, "hindi ko na kaya pa ang ginagawa mo Andrei. Kaya naman papadala kita sa Quezon at dun ka titira hangga't di ka natututo."

"ayoko dun!" sabat ni Andrei. "Wala akong pakeelam kung ayaw mo dun dahil di ko hinihingi ang opinyon mo ukol sa desisyon ko! Dun ka bilang parusa and that's final! Mag-ayos ka na ng gamit mo ngayon din at ihahatid na kita dun."

"Ma?" baling ni Andrei sa kanyang ina na tila nakikiusap upang baguhin ang desisyon ng kanyang ama. Tanging iling na lamang ang naisagot nito dahil alam niya ang lahat ng kalokohan ng kanyang anak.

Padabog na umakyat si Andrei sa kanyang kwarto. Tatakas sana siya at dadaan sa kanyang bintana tulad ng ginagawa niya noon ngunit nakita niyang may bars na ito, "Bullshit! Fuck!! Wala ka talagang kwentang ama kahit kailan! Shit shit shit!!!" sinapak sapak ni Andrei ang pader sa sobrang inis at halos maluha na siya sa sobrang galit sa ama.

"Kuya?" dahan dahang binuksan ni Isshie ang pintuan. Nakababatang kapatid niya ito, 2 years lang ang tanda niya sa kapatid niya. Si Andrei at si Isshie ay super close sa isa't isa pero malayo ang loob ni Andrei sa mga magulang niya. "Ano? Ano na naman?" sagot ni Andrei.

"Aalis ka kuya? Totoo bang narinig ko?" tuluyan nang pumasok si Isshie sa kuwarto.

"Oo, pinapalayas na ako ng tatay mong perpekto." umupo si Andrei sa higaan niya at halatang nasaktan sa pagsapak sa pader.

"Hanggang kelan ka dun kuya?"

"Di ko alam. baka di na ako pabalikin nun dito! alam mo namang galit sakin mga tao dito!"

"Kaw naman kasi, nagpasaway na naman! Alam mo namang may record ka pa kay daddy" napangiting sagot ni Isshie na tila nangaasar.

"Sus. okay lang. sanay na naman ako ee."

"Wag ka mag-alala kuya, malapit nang matapos ang sem na ito, at summer vacation ko na!. Pag bakasyon ko, pupuntahan kita dun. Sasamahan kita. Babatayan kita para di ka na ulit gumawa ng kalokohan, hehe" ngumiti bahagya si Andrei at tumingin sa kanyang nakababatang kapatid, "Sige, sabi mo eh. Halika at tulungan mo akong mag-impake." Tinulungan ni Isshie ang kanyang kuya para mag-impake. Hinatid din niya hanggang sa kotse ang kanyang kuya hanggang sa umalis na ang sila ng kanyang ama. Kumaway lang si Isshie sa kapatid niya at muling pumasok sa loob ng bahay.

.

.

.

.

.

Mahaba haba din ang biyahe patungo sa bahay kung saan tutuloy si Andrei. Tanging cellphone, iPad at PSP na lamang ang magiging kaibigan ni Andrei sa bahay nila. At upang makasigurong hindi siya magdadala ng kaibigan, meron siyang bantay, si Manong Ward, ang bantay ng bahay bago pa man bilhin ng daddy niya ang bahay. Nasa 70's na din ang edad ni Manong Ward, may kapayatan pero makikita padin naman ang kalakasan nito.

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon