Taksil

623 10 1
                                    


Mabilis ang kilos ni Mr. Cuevas habang palinga-linga siya sa kanyang paligid. Hinay-hinay niyang binuksan ang nakaawang na gate ng bahay na iyon. Isang subdivision sa Malate ang kanyang pinuntahan. Dali-dali siyang pumasok sa loob nang malamang hindi iyon naka-locked. Kabisadong-kabisado niya ang looban ng silid ng bahay na iyon. agad siyang pumanhik sa taas at kumatok sa isang silid. “Flexie! Buksan mo ang pinto Darling, bilis!” Agad namang tumalima si Flexie na noon ay seksing-seksi sa suot na manipis na nighties. Malaporselana ang kutis niya sa kinis at lantad ang dalawang malulusog na hinaharap. Napalunok si Mr. Cuevas sa kabuuan ni Flexie nang siya ay mapagbuksan nito. Tunay ngang isang diyosa sa kagandahan si Flexie. Hindi siya nagsisisi nang binigyan niya ito ng bahay sa subdivision na iyon at sinunod ang mga luho nito. Bise-presidente si Mr. Cuevas ng isang malaking kompanya at secretary niya si Flexie. 50 anyos na si Mr. Cuevas at si Flexie naman ay 26 anyos pa lang. Dahil na rin sa angking kaartehan at kahiligan sa mga luho nito ay agad niyang sinuggaban si Mr. Cuevas nang minsang nagpakita ito ng motibo sa kanya. Doon nagsimula ang kanilang relasyon. Alam ni Mr. Cuevas na pera lang ang habol sa kanya ni Flexie pero balewala iyon sa kanya dahil sobrang napapaligaya naman siya nito sa kama.

“Darling kanina pa kita hinihintay, ang tagal mo!” maarteng sabi ni Flexie.

“Pasensiya na Ling, na trapik kasi ako, uhmmm kumusta naman pinaka-hot kong darling?” sabi ni Mr. Cuevas habang hinalik-halikan ang leeg ni Flexie.

“Hmmm teka lang muna ling, may sasabihin ako sa’yo.”

“Ano naman iyon? May gusto ka bang hingin?”

Kapag ganito kasi ang eksena, alam na alam na ni Mr. Cuevas na may kaylangan ito sa kanya.

“Oo, ling.” Matipid na sagot ni Flexie.

“Ano naman iyon, Darling ko?”

“Gusto ko ng Iphone 4s ling, kalalabas lang sa market.” Sagot ni Flexie.

“Sure darling, kahit anong gusto mo.” Sabi nito habang inilalabas ang isang tseke sa kanyang pouch at saka pinirmahan ito.

“Thank you so much, ling!” napayakap si Flexie habang hawak-hawak ang tseke.

Bigla namang nag-init si Mr. Cuevas nang lumapat ang malalaking hinaharap ni Flexie sa kanyang dibdib. Agad niyang inihiga si Flexie sa kama. Mapupusok ang kanyang mga halik at agad namang bumigay si Flexie. Kahit matanda na si Mr. Cuevas pero malakas pa din ang sex appeal nito at sobrang magaling sa kama. Tinulungan siya ni Mr. Cuevas na maghubad at saka dali-dali rin itong naghubad ng damit. Wala na sila parehong saplot. Tuluyan na nga silang nilunod ng makamundong pagnanasa. Habang nasa kalagitnaan ng eksena ay biglang umiba ang itsura ni Flexie.

“Mga traydor! Taksil!” ayon ng tinig.

Ang magandang mukha ni Flexie ay napalitan na ng anyo ng asawa ni Mr. Cuevas. Mapupula ang nanlilisik at galit nitong mga mata. Napakugulo ng buhok nito at ang haba ng dila nito. Nakakatakot ang itsura ni Mrs. Cuevas.

Ang dating nag-iinit na katawan ni Mr. Cuevas ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Kakawala na sana siya ng biglang pinagsasakal siya nito.

“Akala mo hindi ko alam na ikaw ang pumatay sa akin?!! para wala ng balakid sa pambabae mo! Bwahahahaha!!” malademonyong halakhak ni Mrs. Cuevas habang humihigpit ang pagkakasakal nito sa kanya.

Pinilit makawala ni Mr. Cuevas nang mga sandaling iyon. Ibinuhos niya ang lahat ng puwersa niya. At nagtagumpay naman siya, naabot niya ang flower base sa side table at saka malakas na ipinukpok sa ulo ni Flexie na ang akala niya ay si Mrs. Cuevas. Laking gulat niya nang siya ay mahimasmasan. Nakita niya ang walang buhay na katawan ni Flexie at basag ang bungo nito, umaagos doon ang sariwang dugo.

“Hindi!” sigaw niya. Sa sobrang kalituhan ay napa takbo si Mr. Cuevas sa labas ng bahay. Nakalimutan niyang hubo’t hubad pala siya. Pinagtitinginan siya ng mga tao na nasa loob ng subdivision na iyon. Linapitan siya ng security guard at sinita siya. Ang isa naman ay pumasok sa looban para tingnan kung ano ang nangyari. Inaresto si Mr. Cuevas ng mga pulis at doon ay nahatulan ng habambuhay na pagkakulong.

Nagbaliktanaw si Mr. Cuevas sa kanyang mapait na nakaraan habang siya’y nasa loob ng piitan. Ibig mang magsisisi ngunit huli na ang lahat. Nakaganti na nga sa kanya ang asawang si Cora. Sinabotahe ni Mr. Cuevas ang kotse ng asawa noon. Kinunan niya ito ng preno nang minsang may lakad ang asawa nito. Sa pagkakaalam ng lahat ay walang foul play na nangyari kaya kamapanti siya na hindi siya mahuhuli…

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon