Lihim 1.2

471 10 0
                                    

"oh, napatawag ka?" sinagot ni Andrei at phone niya, tumawag si Isshie. "Namimiss na kasi kita kuya eh! 3 days ka nang wala dito hehe. Ngaun na ang last week ng pasok ko. Isang thesis na lang gogora na ako diyan. Kamusta ka na ba diyan kuya?" sagot naman ni Isshie na may pananabik sa boses. "Eto, walang magawa, bored na! May t.v nga wala namang cable! kainis. Buti na lanag mabait si Manong Ward, yung katiwala dito.Masarap din magluto yung asawa niya. Ikaw ba? kamusta ka na diyan? baka may boyfriend ka na bigla diyan ahh!" kwento ni Andrei sa kapatid. Masyadong pinoprotektahan ni Andrei ang kapatid niya dahil takot siyang maloko ito. "Haha, ayan ka na naman, protective kuno, pero kung makapang babae, wagas!" panunukso ni Isshie, "pero pinayagan na ako ni Daddy na magbakasyon diyan. Para naman daw may kasama ka! But he forbids me to bring some of my friends" nagbuntong-hininga siya. "Sayang, magaganda yung friends mo diba? Kung wala lang bantay eh, pwede pa sana makalusot yan hahah!" "Kuya talaga! babaero! Sige na, papasok pako sa school, tawagan na lang kita ulit mamaya o bukas. Ingat diyan ahh, magsara ng pinto sa gabi. Baka paggising mo may katabi ka nang duguang babae diyan" pananakot ni Isshie sabay tawa. Biglang namatay ang phone ni Andrei nang di pa nakakapagpaalam sa kapatid. "Oh, kaka charge ko lang nito ahh! Empty bat agad. Tss."

Kinuha niya ang charger at chinarge ang phone. "Oh, ang dami pa ngang battery ee, baka sira na ang phone ko ah. Di pwede yun! Di ako mabubuhay pag nawala ang phone na to! Totally out of reach nako pag nangyari yun." Chineck niya kung may sira ang phone nang biglang bumukas ang pintuan niya. "Ano ba Manong Ward, nakakagulat kayo, di ba kayo marunong kumatok?" galit na bungad niya sa matanda, nagulat kasi siya at pakiramdam niya napahiya siya. "Pasensya na iho, tinignan ko lang naman kung maayos ka, may narinig kasi akong malakas na kalabog." paghingi ng dispensa nito, at dahil nakita niyang maayos naman ang binata, lumabas na ito ng kwarto at bumaba.

"Ginulat na nga ako, tinakot pako. Kainis ah!" kinilabutan siya dahil sa sinabi ng matanda at naalala niya ang narining niya nung unang araw niya sa bahay na iyon. Agad niyang binaling ang atensyon niya sa phone niya dahil bahagya siyang nakaramdam ng takot.

Binaling na lamang ni Andrei ang atensyon sa paglalaro sa iPad niya, “haha! High score ako!” bigla siyang napatigil sa paglalaro dahil napansin niya ang nakabibinging katahimikan sa loob ng bahay. “Nasan kaya si Manong Ward? Di kaya nagalit nang masigawan ko? Hays! Hihingi na lang ako ng sorry, mabait naman siya eh.” Lumabas siya ng kwarto upang hanapin ang matanda at upang magpahangin na din sa labas ng bahay. Medyo nabubulok na siya sa loob ng kwarto niya. Ngunit hindi niya mahanap si Manong Ward kaya naman napagpasyahan niyang umupo na lamang sa balkonahe at magpahangin.

“Ang sarap ng hangin dito ahh, walang polusyon.” Pinikit niya ang mata niya nang may narinig siyang hikbi ng bata. Nagmulat ulit siya at nakita niya sa ilalim ng puno, katapat ng balkonahe nila, ay ang batang umiiyak. “Hoy bata! Pano ka nakapasok dito? Trespassing ka ahh!” Tumingin ang bata kay Andrei na siyang ikinatakot nito. Naliligo sa sariling dugo ang bata at walang isang mata. Tumayo ang bata at naglakad papunta sa likurang bahay. Susundan sana ito ni Andrei nang biglang mawala ang bata. Panandalian siyang hindi nakagalaw sa kanyang kinatatayuan.

“Iho!” lumapit si Mang Ward kay Andrei at tinapik, “May problema ba? Anong nangyari sayo at bakit namumutla ka?”

“W-wala ho. A-akyat na ho ako s-sa kwarto ko.” Dali-daling pumasok si Andrei sa bahay. “Ano kayang nangyari sa batang iyo?” ang tanging naitanong ni Mang Ward sa sarili, napansin niyang nanginginig si Andrei na tila natakot.

“Shit! Shit! Shit! Ano ba tong nangyayari sakin?” nanginginig padin si Andrei, umupo siya sa kama at pinakalma ang sarili saka niya kinuha ang phone niya upang tawagan si Isshie.

“hello? Kuya? O? Bakit? Anong problema mo?” tanong ni Isshie na tila nagtaka sa biglaang pagtawag ng kapatid. “Ah wala, kailan ka ba pupunta dito? Tanong naman ni Andrei na pilit kinakalma ang boses. “Sa Friday kuya. 2days nalang at anjan na din ako. Bakit? Miss mo nako? Haha” biro ni Isshie. “Oo, wala kasi akong nakikitang panget. Haha, pagpumunta ka dito, dalhin mo laptop mo ah, dala ka na din ng broadband para di tayo mainip dito.” “Ok sige kuya. Sige na! Tinatawag na ko ng prof. Wag kang mag-alala, dadating din ako jan.” At pinatay na ni Andrei ang phone.

Nilibang na lamang niya ang sarili upang pampalipas ng oras. Bumaba lang siya upang maghapunan at matapos nun ay nagpaalam na ang matanda upang umuwi sa bahay nila. Mag-isa na lamang siya sa bahay at minabuti niyang i-lock ang pinto. Nagkulong na lamang siya sa kwarto at pumikit hanggang sa makatulog.

Muli siyang nagising dahil sa kaluskos na naririnig niya. Hindi na sana niya papansinin nang biglang may humiyaw na babae. Nagising siya at napaupo ngunit isang nakahihilakbot na babae ang tumambad sa paanan ng kanyang kama. Napatitig siya sa mukha ng babae na tila nikikiusap. Nang maaninagan niya ang babae, napagtanto niyang wala na itong balat na tila binalatan, at makikita ang mga laman loob niya dahil sa malaking butas mula sa tiyan nito. Hindi na niya malaman ang gagawin. Hindi na rin siya makagalaw. Narinig na naman niya ang Ingay sa taas, na parang may naglalakad, may bumagsak na mabigat na bagay at nakarinig ng mga kadena. Tumingin ang babae sa taas at saka naghihihiyaw. Napasigaw na din siya sa takot nang...

“Shit!” halos habulin niya ang hininga niya nang magising siya. “Isang panaginip lang pala. Binabangungot ata ako.” Tinignan niya ang oras na nakitang 2:15 pa lang ng madaling araw. Babalik na sana siyang muli sa pagtulog nang may nakita siyang dugo sa sahig. Kinabahan siyang muli at binalot ng takot, dahan-dahan niyang tinignan ito “tulong”, ang nakasulat sa sahig at gumamit ng dugo upang ipang sulat. Napatalukbong na lamang siya ng kumot at pinilit na matulog.

Nang kinaumagahan, hinanap agad niya ang katiwala ng bahay. “Manong Ward!” pagtawag niya sa matanda. “O iho, bakit? Nagugutom ka na ba?” kasalukuyang naghahanda ito ng makakain ng binata. “May itatanong ho sana ako sayo, tungkol sa bahay na ito.” Tila natigilan si mang Ward sa pag-aayos at tumingin sa binata, “Bakit? Anong tungkol sa bahay na ito?” “Ano po bang kwento ng bahay na ito? Simula kasi ng tumuloy ako dito, palagi akong nakakarinig at nakakakita ng kung anu-ano.” Ikinuwento niya ang karanasan sa matanda subalit napansin niyang hindi ito nakatingin sa kanya. “Mang Ward?” muli niyang kinuha ang atensyon ng matanda. “Namamalikmata ka lang iho. Kumain ka na at baka gutom ka lang.” Umalis si Mang Ward at iniwang nagtataka si Andrei. “Problema nun? Andropausal stage na ba siya? Ang taray ah.” Natawa na lamang siya sa nasabi ngunit nagtataka pa rin sa reaksyon ng matanda. Matapos niyang kumain, umakyat na lamang siya at nanuod ng mga palabas sa iPad niya. Ginabi din siya sa panunuod. Gaya ng nakagawian, bumababa lamang siya upang kumain, matapos magpaalam ng matanda ay aakyat siya at isasara ang lock ng pinto.

Muli na naman siyang nagambala pagsapit ng madaling araw ngunit iba na naman ang senaryo, nakarinig siya ng malakas na ingay. Pagmulat niya, tila nasa ibang lugar siya. Madumi at madilim. Ang kuwarto ay tila napalitan ng isang torture chamber. May nakita siyang naka-kadena sa isang sulok ng kwarto. Isang babae. “Miss? Miss?” pagtawag niya sa babae, lalapitan na sana niya ito nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang malaking lalaki, may hawak na kutsilyo. Napasigaw ang babae at umiiyak habang nakikiusap, “maawa po kayo! Nakikiusap po ako. Parang awa niyo na.” Hindi na alam ni Andrei ang gagawin. Lumapit ang lalaki sa babaeng umiiyak. Nang akmang sasaksakin na niya ito, napasigaw si Andrei, “WAG!!” napatigil ang lalaki at bumaling sa kanya. Di na niya alam ang gagawin. Itinaas ng lalaki ang kutsilyo, akmang sasaksakin si Andrei, “WAG!!!”

“kuya.. kuya! Hoy!” Nagising si Andrei sa pagyugyog ni Isshie. “Kuya! Binabangungot ka ata!”

...........................................................

itutuloy.

Ang Pangatlong Koleksiyon Ng mga katatakutang kwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon